Chapter 11: What happened?

1 1 0
                                    

Brent's Pov:

" Lorraine! " Nagulat ako nang makita si lorraine na nakahiga sa sahig, hindi na rin ito humihinga," kuya ano gagawin natin? Ang tagal ni kuya brei, baka tuluyan na ito mamatay si lorraine." I shut him off immediately.

" Let's just wait for him." Sambit ko sakaniya.

" Ok," Mahinang sabi ni loice. Makalipas ng ilang minuto ay may narinig kaming kotse na pumarke sa harap ng bahay. Bumaba ito sa kotse, sumilip ako kung sino, " Kuya brent...si kuya brei." Mahinang sabi nito. " Parang di naman," Maikli kung sabi.

" Ayaw mo maniwala? Si kuya brei nga! " I shut him once again.

" Oo na, tumigil kana si kuya yun at tama ka roon." Deretso kong sabi at sumilip ulit sa bintana. Biglang may kumatok ng sa wala oras, rinig ko rin ang pagtawag nito sa pangalan ko. Kaya napag-isipan ko na lumabas muna ng silong at icheck kung si kuya ba yung tumawag ng pangalan ko.

Buti nga makapaghinga na ko ng maluwag dahil napaka init roon sa silong, naiwan sila loice at lorraine na naka higa sa sahig, madumi roon at di rin namin nililinisan kasi kulang na kami sa oras.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto, binuksan ko na ito at hinarap ko kung sino, " kuya..." Naluluha kong sabi.

" Brent," Lumapit ito sakin at niyakap ako.

" Kala ko di kana uuwi," sabi ko.

" Anong di uuwi? Syempre uuwi ako para iligtas kayong tatlo lalo't na si lorraine." Sambit nito sakin.

Binitawan ako once again ni kuya at kinausap ako kung ano ang nanyari kanina, " Ang sabi mo may lalaki kanina na nakatayo sa harap ng pintuan dito ba? " Sabay turo niya.

" Oo," Maikli kong sabi.

" Buksan muna ang mga ilaw, pinahuli kuna yun sa mga co-agents ko." Sabi ni kuya brei.

" Nasan na? " Tanong ko.

" Nasa dungeon na,they throw him away," Nakangiting sagot ni kuya brei sakin.

" Buti nga, baka kasi kanina pag di pa yun nahuli ehh patayin na kaming tatlo nun, pero tumago naman kami sa silong." Sabi ko.

" Papatayin? " Nagtatakang sabi ni kuya brei.

" Oo, may kutsilyo kasi siyang hawak kanina may dugo dugo pa nga."

" Hayaan mo na yun, ang importante niligtas ko kayong tatlo." Hinawakan ako ni kuya brei sa magkabilang balikat ko. " By the way, nasaan yung dalawa, mukhang di pa lumalabas ng silong, baka tulog na yun." Tanong ulit ni kuya brei.

" Hindi yun tulog kuya," sambit ko.

" Ehh ano naman? "

" Nahimatay kasi si lorraine, dahil siguro sa sobrang init roon sa loob ng silong tsaka ang dumi pa roon at napasikip pa." Deretso na sabi ko. " Kaya lumabas na ko," Dagdag ko. Nagulat si kuya brei sa mga sinabi ko, na worried siguro kay lorraine, siya kasi ang pinakamahal naming pinsang babae.

Kami pa nag alaga sakaniya at kay loice nung kapanahonang bata pa sila. " Sabihin mo kay loice, dalhin rito si lorraine, pahigain natin rito sa sofa." Utos sakin ni kuya brei at sinunod ko rin yun.

Bumaba ako sa silong ng hagdan at kita ko rin na nakahiga parin si lorraine sa sahig. Napatingin sakin si loice at sinabi ko sakaniya na dalhin na si lorraine palabas.

Sinunod niya rin at binuhat si lorraine ng dalawa niyang kamay, makalipas na oras ay pinahiga namin si lorraine sa sofa at nilagyan ng kumot dahil alam namin nilalamig siya bago siya mahimatay.

Unknown Mystery Guy book 1 (Completed)Where stories live. Discover now