Brei's Pov:
"Yun lang?" Nagtatakang tanong ni riley.
"Hanapin na natin siya ng mabilisan baka kung ano pa ang mangyari sakaniya na hindi maganda." Sabi ni tito.
"Baka ang kalabasan nun disgrasya,aksidente,o kaya mauwi siya sa ospital pag nahanap natin siya." Dagdag ni tito.
"Sure kayo papasukin natin ang gubat na ito?" Tanung ulit ni riley at napatingin kaming lahat sakaniya, puno ng pagtataka.
"I'm sure he's here," Dinig kong sabi ni yanie. Sabay sabay kaming pinasok ang gubat ng may lakas loob. Totoo nga abandonado na talaga itong gubat at wala rin katao-tao sa ganitong oras, madaling araw kami pumunta rito para mahanap namin siya kaagad at di rin kami sana maabutan ng kadiliman.
Buti nga may dala akong anim na ilaw na naka lagay sa likod ng kotse ko pero di ko ginamit ang kotse ko dahil di ko napa refill yun sa gas station so yung kay tito nalang. total marunong naman ako mag drive. Kinuha ko lang yun bago ako pumunta sa mga kaibigan ko.
Nakikilabot...
"Ano naman toh!" Sigaw ni riley. Napatingin kaming lahat sakaniya at siya rin itong nag tataka bakit kami nakatingin sakaniya.
"Anong ano toh?" Kalmado na sabi ni dominic.
"Si yanie kasi." Sisi ni riley kay yanie.
"Luh! Bat ako?" Nagtatakang sabi ni yanie.
"Tao ka hindi bat! Ano ka paniki?" Sermon ni riley kay yanie at sinamaan ito ng tingin si riley na parang papatayin sa titig.
"Magsi-tigil na nga kayo!" Inis na sabi ni tito sa dalawa.
"Hahanapin ba natin si austin o mag babardagulan lang ka'yo?" Sabi ni dominic na pilit tumawa.
"Tama na yan! Hanapin muna natin si austin tara!" Sabi ko at sumunod naman sila. Nasa likuran ko sila angelo,yanie,riley at dominic na tumitingin sa kaliwa at kanan baka sakali may sumipot sa unahan at likuran namin.
Habang papalakad kami may narinig kaming sumisigaw na lalaki sa bandang kanan, austin? Napahinto yung apat sa likuran ko ng marinig nila yung sigaw ng lalaki. Walang sumagot o nag salita samin dahil dun sa sigaw.
"Tito...baka si austin yun." Tawag ko kay tito.
"Baka lang." Sabi niya, at nag patuloy siya sa pag lakad at sumunod naman ako sabay na silang apat na nasa likuran ko. "Puntahan natin kung saan sumigaw yung lalaking yun." Sabi bigla ni tito. Nag nod kami at sinunod siya. Wala pa naman ang kadiliman kaya nag patuloy kami sa pag hahanap sakaniya.
Habang lumalakad kami papunta sa lugar na yun ayy may nakita kaming maraming dugo na nakakalat sa mga damuhan. Pati yung apat na bibe sa likuran ko ay napahinto sa pag lakad.
"Oyy! Brei bat ka napahinto?" Tanong ni riley.
"May dugo." Bulong ko at tila narinig nila yung sinabi ko.
"Meron nga." Sabi ni angelo na nagtataka kung saan galing ang dugo. Sinimulan ko lumakad at tila na pansin rin ni tito ang dugo kaya sinundan niya ito hanggang sa makita namin ang dulo nito. Yung dalawa sa likuran ko hindi napansin ang dugo kami lang ata ni riley ang naka pansin tsaka si tito pero sumunod naman sila na parang walang nakita.
Napahinto si tito kaya nasubsob ako at pag tingin ko ay tila nagulat kami sa nakita namin. "Austin!" Sigaw ni tito at nilapitan si austin, puno ng dugo ang katawan nito at gumagalaw pa rin. Buti nga hindi siya namatay ng tuluyan.
YOU ARE READING
Unknown Mystery Guy book 1 (Completed)
Mystery / Thriller"She wants to enjoy." "She wants to be one of them." "She wants to join." "But....she experience something terrible...." LORRAINE X DREO This story also contains trigger contents, a little bit of horror,romance, real events,fictional events and...