EPILOGUE

9 1 0
                                    


Nagtakaka ako kung sino ba yang austin na tinutukoy ni kuya, aishh! Kanina pa ko pa toh tinatanong nag mumuka nakong buang!

Seryoso, parang may kakaiba sa pamilya namin ngayon...pati na rin ang nilalang na kinaladkan si tita at yung austin ay wala rin naka encounter dito, wala rin akong narinig na rumors, o kung ano ano pa.

Apaka chismosa mo lorraine!

Sinabunutan ko nalang ang buhok ko sa inis, paano ba? Paano ba maipaliwanag kung wala naman makikinig?? Sya nga pala wala nakong kasama dito dahil umalis na si kuya, bigla nalang sumipot si leiah sa harap ko nang di ko namalayan.

"Lorie!!" Dinig kong sigaw niya.

"Leiah...ano ginagawa mo dito, bakit parang ngayon ka lang ahh!" Sabi ko at muntik ko na siyang batukin ng dos por dos.

Di pala dos por dos...naka roll na kalendaryo!

"Sorry! Kung ngayon lang ako nag pakita, di rin ako nakapag pasok ng ilang araw...kasi nga may inaasikaso kasi si dad sa kompanya niya." Huminga siya ng malalim bago ulit mag salita,"Hindi ko namalayan yun na yung secretary na in-hired ni dad ayy nakahalikan niya!" Sabi niya na may halong inis ang tono,"Hindi ko magawa isumbong kay mom dahil baka idamay pa ko dun tapos gumawa naman sila ng gulo."

Naawa ako dun sa sinabi niya, dad niya may kahalikan! Ayy nakapa chismosa mo talga! Seryoso, halikan? As in sa secretary niya!! H*nay*pak yan!! Kung ako si leiah sinermonan ko na yan!!

Tumigin ulit ako sakaniya na may halong lungkot ang mata niya, naging tahimik siya matapos niyang sabihin ang dahilan niya bakit di magawa makapasok sa paaralan. Tumingin naman ako sa kalayuan ng bigla naman siya mag salita.

"Masakit yun...bakit hinayaan ni dad na makihalik sakaniya ang secretary na yun! Ehh apaka kapal naman ng mukha ng babaeng yun! Ang ganda niya naman pero ang ugali,palibhasa pinag-lihi sa walang utak!" Sabi niya at kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya,"Gabi-gabi nalang...nag aaway si mom at dad dahil nakita rin ni mom nung time na nag kahalikan si dad sa secretary niya, tapos dun nag simula ang gulo nila...halos di na ako makatulog, tanging mura at sermon ang naririnig ko sakanila nang gabing yun." Pinunasan niya ang luha niya at akmang akong lumapit para yakapin siya.

Ayos naman yun dahil sinabi niya ang dahilan, yun pala ang problema niya kung bakit di siya sumipot sa paaralan ng ilang araw...tinapik ko ang bandang likuran niya habang umiiyak siya sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Ilang segundo, tumigil rin siya at kita ko rin ang pamamaga ng mata niya,"Bakit pala di mo na pag isipan na pumasok ka nun?" Ako tong nag tanung,"Ayaw ni mom, baka daw lumaki ang gastos at bumaba rin ang kompanya ni dad." Paliwanag niya.

"Paanong bumaba ang kompanya ng dad mo? Economist ba yang dad mo?" Tumango siya bago mag salita.

Economist pala! Nag aaral siguro ng AP.

"Actually yes, ayaw niya kasi malamangan ang kompanya niya kumpara sa ibang kompanya na bagong tayo lang." Paliwanag niya ulit.

"Kaya pala yun ang dahilan mo bakit di ka nakapasok ng ilang araw?" Seryosong tanung ko.

Wag kang tatawa lorraine!

"Yes, kahit ni iisang allowance, walang ibinigay si dad sakin." Sabi niya at malungkot ang mga mata nito.

Unknown Mystery Guy book 1 (Completed)Where stories live. Discover now