Chapter 30: Fairness

1 0 0
                                    

Lorraine's Pov: 

Balita Radyo:

              Kumakalat na sa social media ang patungkol dito sa dalawang babae na hinukay raw ang libingan at kinuha ang bangkay sa loob matapos ang libing nito nakalipas na isang taon, hanggang ngayon hindi pa din nahahanap ang dalawang bangkay ng dalawang dalagang babae at patuloy pa rin ito hinahanap ng mga imbestigador.
    
            Hindi pa natin nalalaman kung sino ba gumawa nito at bakit?

"Saan ba yan?" Tanung ni thrisia.

"Sa sementaryo daw, hindi lang sila kinuha kundi ginahasa kahit na patay na." Sabi ni hazethe na sa kasalukuyang nakaupo habang nanunuod ng tv patungkol sa balita.

"Gusto ko pa naman tulungan kaso nga lang di pa tayo tapus sa pag aaral sa CSCS soon kasi dun na tayo sa UTC." Dagdag ni hazethe.

"Kung pwede lang maging attorney, kaso magastos." Tumango naman si thrisia sa sinabi leiah. Agree ka naman kami na gusto namin tumulong sa mga tao na namatay at gusto nag karoon ng hustisya.

"Ehh lorraine, si kuya brei mo diba abogado din?" Tanung ni leiah na ipinagtaka ko. Kailan naging abogado si kuya brei? college of law school pa lang yun.

"Hindi, siguro dahil sa pananamit ni kuya noh?" Tumango si leiah.

"Pwedeng-pwede si kuya brei mo mag abogado if nag-aaral pa siya."

"College pa lang si kuya brei, leiah. Syempre merong law dito sa CSCS kaya yun ang kinuha niyang kurso. Naging miyembro lang siya ng team dito para sa kaso at krimen na magaganap." Paliwanag ko. Tumango silang lahat at may sasabihin pa sana ako kaso wag na lang.

"Siguro maganda din no? grade 10 pa lang tayo, tapus astang-asta na ako mag college at mag law school din." Sabi ni leiah.

"Ehh diba worth it? ang mahal bumili ng books na need sa law school." Singit ni hazethe sa usapan.

"Kaya naman ng parents ko bilhin yun, gusto kasi ni papa magkaroon ng lawyer sa pamilya namin." Masiglang sabi ni leiah.

"Nakakainspire talaga ang mga ganyan lalo na kung may nagsu-support sa'yo." Mahinhin na sabi ni thrisia.

"Kahit nga ako ehh, interesado sa mga kwento patungkol sa crime at mystery, kahit case din pwede." Si leiah.

"Ako din." Sabi ko.

Sandaling natahimik ang usapan namin at napag-isipan ko din na kumuha ng pagkain sa kusina ng may makita ako isang babae na nakatakip ang mukha nito, bigla niyang tinanggal ang takip sa mukha at bumungad ang matingkad at maputi nitong mukha. Parang di naman yata multo. Teka...bakit pala ako minumulto? hindi ako ganito dati ah!

Nilapitan ko ito at bigla siyang ngumiti. Kung multo ito takbo na ko! ang creepy ng ngiti kahit na kaluluwa siya.

"Hello..." Tawag ko. Humarap ito na parang normal na tao tignan hindi yung nakakatakot. Nasa edad ko din siya at kung titignan mo ay mukhang minor pa.

"Hi..." Parang nag e-echo ang boses niya.

"Bata, ayus ka lang ba?" Sabi ko.

"Ayus lang po ako, ka'yo po?" Tanung din niya.

"Ok lang ako, bakit ka pala nandito? Gabi na." Tumingin siya sa kaliwa tila' parang may nakikita o kaya may iniisip. Lumingon ito sa ngayon at nagsalita.

"Dito po ako nakatira." Huh?

"Nakatira? Paano?" Sinensiyahan niya ako umupo sa sahig at pero lumutang lang siya na parang genie.

Unknown Mystery Guy book 1 (Completed)Where stories live. Discover now