PV 3

237 8 0
                                    

*FLASHBACK*



"Honesty, totoo bang magsstop ka na?" tanong ni Jovy sakin.

"Oo, Jovy." matipid kong sagot.

"Pero bakit? We can help you. Sayang naman kung titigil ka. It's our last year na." I can sense her care for me. I can't even look at her. I'm helpless and near to being hopeless.

"Alam ko. Pero alam mo naman sitwasyon ko. I no longer can afford to study. Yung kinikita ko sa trabaho ko isn't enough for my tuition."

"You know how much I wanted to help you but my money isn't enough. But I would ask for our classmates help." she added.

"Pero"

"No more buts. Makakagraduate ka with us. Tiwala lang! Kundi lang kasi nagalit yung prof natin sa Politics, mataas ang GPA mo and for sure President's Lister ka na sana. Eh di sana full tuition fee ang make-credit." Napakasupportive talaga ng kaibigan kong 'to. She is really a good friend.

Medyo nakahinga na ko ng maluwag ng sabihin niya saking siya na bahala.

"Thank you, Jovy."

After our conversation, umuwi na siya kasama kapatid niya, si Jaycee. Nagpunta sila rito for Jaycee's application as a freshie. Ako naman, heto, bumalik na sa office ng professor na inaassist ko, si Mrs. Salvacion, a professor in the College of Business Administration. I'm working as her student assistant.

"Ms. Belarde, kindly hand them the forms."

"Yes, ma'am."

Pinaupo ko agad yung tatlong estudyante at binigyan ng forms. I guided them on answering those.



"Ms. Belarde, I have a meeting. Please take care of everything. I'll be back after."

"Sige po."

After handling the forms dun sa mga estudyante, nag-sort na ulit ako ng mga files. Napakadami. Nakakakastress sobra.

Binukod ko yung mga test papers sa mga quizzes, term papers, case studies, field reports atbp. Bukod pa yung mga forms ni ma'am. Grabe dami.

I looked at my wristwatch. It's 9 o'clock na pala. Gabi na yet I'm not finished still. Pagod na ko. Pakiramdam ko ang baho ko na gawa ng alikabok at pawis. Nako natuyuan na ko ng pawis gawa ng aircon. Ang dami pang isosort na files. May tatlong cabinet pa. Gagabihin na ako.

Ay may nagtext.

Message from: Mrs. Salvacion

Ms. Belarde, I would no longer be able to come back. We are not yet done here. If you're not through, do continue it tomorrow. Turn off the appliances. Don't leave the room with mess. Clean it before you leave.

To: Mrs. Salvacion

Okay po mam.

Ang tagal ko din palang nag-aayos dito. Nako makapag-walis na. Mamaya magsasara na ang school at wala ng masasakyan. Mapipilitan akong maglakad papuntang sakayan. Malayo pa naman yun dito. Hay nako.

Kinuha ko na kaagad ang walis at pandakot at nagsimulang magwalis. Binilisan ko na. Mamaya kasing mga 9:30 magraround na ang guard.

Malapit na ko matapos. Konting kalat na lang. Oh. Ayan! Yes tapos na!

Matapos kong ibalik yung walis at pandakot sa lalagyan. Tinurn off ko na yung aircon and then I fixed myself and pinatay na ilaw. Inilock ko na din after ang pinto. Nagmadali na ko kasi 9:20 na. Nakasalubong ko yung lady guard na nag-uumpisa ng maground. Sinabihan niya kong umuwi na. Ano ba 'tong ginagawa ko? Tsk.

Di ko na lang siya pinansin at nagmadali na.

Nakalabas na kong school. Nag-antay ako ng sasakyan. Pero walang dumadaan. Di ko naman first time umuwi ng gantong oras but nakakatakot ngayon. Should I start walking? Pero natatakot talaga ko. What if may mga bad guys out there? Anyway, I'm not pretty kaya baka di nila ko pagtangkaan. Oh yeah. Pero I'm still a girl. Hay. Hirap ng walang jowa na tagasundo. Hahaha. Ay ano ba yan. Nagawa ko pang magbiro.

Kapag di ako nagsimulang maglakad, walang mangyayari. Di ako makakauwi. Hay. Kaya ko 'to. Kaya mo 'to, Honesty.

I started walking. Nakakatakot naman. Ayoko na. Bakit ba kasi palayan ang katabi ng school? Nakakatakot. Napakalayo ko pa. Ano ba naman 'to. Tapos walang nadaang sasakyan maski tao. Creepy.

Lakad pa din. Magfififteen minutes na kong naglalakad wala pa din? Grabe. Ang layo ko pa! Di ko pa natatanaw yung mga bahayan dun.

Dumiretso na lang ako ng lakad. Kasunod pala ng mga palayan dito ay may talahiban pa. Woah. Oh dear. Goosebumps.

Kaya mo 'to Honesty. Kaya mo 'to. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.



Beep beep beep!



Ay susmaryosep! In Jesus name! In Jesus name!



Leche flan na kotse! Kakagulat ah! Problema nito?!

Sinubukan kong tingnan kung sino yung nagddrive but I failed. Super tinted nung kotse kasi.

Muli akong binusinahan nung driver ng magara niyang itim na Toyota Vios. Flat black na Vios, ang ganda. Anyway, aba kaloka to! Siga sa daan. Tsk. Oo na tatabi na! Pabusi-busina pa.

Nakakatakot kasing gumilid ng daan. Pakiramdam ko anytime ay may manghahablot sakin dito sa talahiban kaya naman gumitna na ko. Katakot kaya.

Ang arte naman ng driver nito. Laki laki naman ng kalsada binusinahan pa ko. Pwede naman siya dun sa kabila. Wala naman pating ibang sasakyang dumadaan maliban sa kotse niya. Tsk.

Kung ikaw kaya sa pwesto ko dito? Kainis.

Humarurot na ito ng takbo matapos akong tumabi na. Napansin kong sobrang bilis ng pagpapatakbo nito. Madaling madali?

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla kong mapansin na may dalawang sasakyan din ang mabilis na binabaybay ang daan. Sandali? Sinusundan ba nung dalawang kotse yung itim na Vios?

Nagmadali akong naglakad ng mapansin kong may malaking apoy na dun sa unahan. Grassfire sa gabi?

Ang tagal ko ding naglakad bago ko maaninag kung ano yung nasusunog. At nang mas madiscern ko na yun ng ayos, nakita ko yung tatlong kotse kanina. Yung Vios na itim yun sigurado ako. Sumalpok ito sa isang malaking puno. At kasalukuyan ay nag-aapoy ito. Yung dalawang kotse naman ay malayo ng kaunti dun sa nasusunog na kotse. Bakit di nila tulungan yung driver nung kotse?Mas binilisan ko pang maglakad til I found myself na nanakbo papunta dun sa pinangyarihan ng aksidente.

Narating ko yung lugar, lumapit ako dun sa may asul na kotse. Mukhang Montero Sport ito. Sinilip ko yung nangyayari. Nagulat ako sa nakita ko. May mga baril yung mga lalaki at nakatutok yun sa dalawang lalaking magkatabi na nasa sahig.

Ano bang nangyayari? Sobrang naguguluhan na ko. Ano bang gulo 'tong napasok ko?

PAINE VICTORINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon