PV 16

85 8 5
                                        

*Honesty's POV*

Pasukan na at hindi pa din ako nakakapasok ng dahil nga sa nangyari. No one have learned about my situation. Sinikreto namin yun. Ayaw ko ipaalam kahit kanino man dahil ayaw kong kaawaan nila ko.

Sa kasalukuyan, nandito ko sa isang unit ni Paine sa The Fort. Hindi niya ko pinauwi samin dahil sabi niya kailangang manatili ako sa kanya kasi baka bumalik sila Lexus. Ipinaliwanag niya naman yun sa mga magulang ko at pumayag naman sila. Nung una ay nag-aalangan sila pero sumangayon din pagkatapos. Sinigurado niya sa pamilya ko na I'm safe with him. Bukod dun, nagpadala siya ng mga tauhan niya na magbabantay sa pamilya ko.

Bukod sa pagsecure sa kaligtasan ko, nandito ko dahil sabi ni Paine, may importante siyang sasabihin. I'm clueless about it. Wala talaga akong kahit ano mang ideya ukol dun.


Nagulat ako ng biglang magsalita si Paine.

"Honesty, let's talk. Come here." tawag niya sakin. Nasa living room kasi ko, siya naman nasa kitchen.

Lumapit ako upon hearing him. Umupo muna ko bago nagsalita.

"Anong pag-uusapan natin? Tungkol san?" tanong ko.

"You okay now?" tanong niya din.

"What do you mean na okay?" tanong ko. Hindi ko kasi sigurado if tinatanong niya yung physical o emotional aspects.

"About what happened." may pag-aalinlangan niyang sabi sakin.

"Sa totoo lang, hindi pa." sagot ko.

"Ganun ba." sabi niya.

"Pero pinipilit kong harapin ang bawat araw ng buong tapang. Sa kabila ng nangyari, positibo pa din ang pananaw ko. Oo, aaminin ko, nasasaktan pa din ako. Nagtatanong kung bakit kailangan mangyari sakin to. Napakadami namang masasamang tao na mas nararapat na mapunta sa sitwasyon ko.

 

Pero hindi ganun e. Sobrang sakit. Napakadaming walang hiya sa mundo pero bakit sila hindi pinaparusahan? Bakit yung parang pinaparusahan ay yung mga taong tulad ko na wala namang ibang hinangad kundi ang makaahon sa buhay at mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya. Bakit ganun? Hindi ko pa din naiintindihan kung ano ang dulot ng kamalasang ito. Paine, hindi ko gusto magreklamo ukol sa mga bagay bagay pero hindi ko kayang manahimik na lang. Why do I need to suffer when others don't? Why is that of all people he chose me to be in misery? May nagawa ba kong napakalaking kasalanan to have me judged with the most undeserving judgment? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. At palagay ko ay hindi ko maiintindihan. Why me? Why? Mabait naman ako. Pero bakit ganito?" pagrarant ko.

Pinakikinggan lang ako ni Paine.

Hindi ko alam tumatakbo sa isipan niya. Pinagmasdan ko na lamang siya at inaantay kung magsasalita ba siya.

Hindi na siya nagsalita. Pero lumapit siya sakin para pahirin ng kanyang mga daliri ang aking mga luha.

Ikinagulat ko ang ginawa niya pero mas ikinagulat ko ay yung pagluha ko. Hindi ko na napansin na umapaw na ang mga luhang kanina'y nangingilid lamang.

"Shh. Everything will be good, baby." pagpapatahan at paninigurado niya.

Hindi na ko iiyak pa. Nagawa ko na to noon. Tama na ang pag-iyak.

"Tama. Everything will be good." pagsang-ayon ko.

Kinalma ko ang sarili ko matapos yun at umayos ng upo. Ipinakita ko kay Paine na handa na ako sa anumang sasabihin niya. Nang magawa ko yun ay nagsimula na siyang magsalita.

PAINE VICTORINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon