PV 19

36 3 0
                                        

Ang sakit. Huhuhu. Sobrang sakit ng legs ko at pwet ko. Kahit pa sabihing mabilis lang at magaan lang pagpaddle sakin, masakit pa din. Araaaaay.

"Kampai!" masayang hudyat ni Wei saka nag-inuman.

Mabuti pa sila painom inom lang. Samantalang ako heto nagdudusa. Ang sakit.

"Dun muna ako sa guest room mo Wei, magpapahinga lang ako sandali." paalam ko.

"Sure! No problem. Congrats ulit Honesty!" masaya niyang bati.
"Congratulations!" bati din nilang lahat maliban kay Paine na naka-poker face lang.
"Salamat. Hehe." pagpapasalamat ko.

Sa totoo lang ayaw ko magpasalamat. Hindi naman kasi dapat ipagpasalamat yung ganitong bagay.

Nagtungo na lamang ako sa guest room para doon mahiga. Sobrang sakit kasi talaga ng pwet ko. Huhuhu.

Nang makahiga na ako ay laking ginhawa saking pakiramdam. Kahit paano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi pa din nawawala sa isip ko ang mga nakita ko kanina. Mga bangkay nang mga di ko kilalang tao, at isang tortured na Lexus. Si Paine lang talaga ang gumawa noong lahat? Nakaya niyang gawin yon? Nasikmura niya yon? Ganun lang ba kadali sa kaniya ang bumawi nang buhay nang isang tao? Mali. Nang mga tao? Nakakatakot. Hindi siya natatakot pumapatay. Tila wala lang ang lahat sa kaniya, katulad din nila Wei at nang iba pa na baliwala lamang sa kanila ang pangyayari.

Nababakas ko sa mga mata nila na 'sanay' na sila sa mga ganoong scenario. Na hindi yun ang unang beses na napapunta sila sa ganoong engkwentro. Para bang normal na sa kanila ang ganoong pangyayari. At yun ang aking ikinababahala, ang pagiging normal nila sa mga ganoong bagay.

Ano pa bang mga kakaibang bagay ang matutuklasan ko?

Pero hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil sa kabila nang lahat ng kahindik hindik na mga ginawa niya ay nagawa niyang pagtakpan at protektahan ako.

Bakit kailangan niyang gawin yon? Bakit itinaya niya ang dangal niya para sakin? Bakit niya ginagawa ang mga ganitong bagay?

Hindi ko yun hiniling sa kaniya. Hindi ko hiniling na tapusin niya ang taong lumapastangan sakin. Hindi ko gustong mamatay si Lexus. At higit sa lahat, hindi ko gustong madungisan ang kamay ni Paine. Para sakin ay isa siyang mabuting kaibigan.

Pero hindi ko gustong sabihin kay Paine ang mga nasa isipan ko. Ayaw kong isipin niyang baliwala lang sa akin ang mga sakripisyo niya na tila wala lang sakin ang lahat. Ayaw kong isipin niya ang ganoong bagay. Hanggat maaari ay pasasalamat ang gusto kong makarating sa kaniya.

Ano na bang mangyayari sakin ngayong miyembro na ko nang fraternity na to? Talaga bang gawain nang mga fraternity to? O baka naman sindikato ito?

*tok tok tok*

"Honesty, ako to." banggit ni Paine.

Ano kayang kailangan niya?

"Pwede ba akong pumasok?" tanong niya.

"Oo naman. Bukas ang pinto." sagot ko.

Bumungad sakin ang poker faced pa din na Paine. Lumapit siya sakin at naupo sa gilid nang kama. Ako naman ay pinilit umupo. Nakakahiya naman na kausap niya ko nang nakahiga.

"Tapos na kayong uminom?" tanong ko.

"Ah hindi pa."

Bakit hindi siya makatingin sakin nang diretso? Anong problema?

"May problema ba?" initiate ko.

Pakiramdam ko kasi ay may nais siyang sabihin pero hindi niya lang alam kung dapat ba niyang sabihin o hindi.

PAINE VICTORINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon