PV 20

21 3 1
                                    

Hindi na ko sumama kayna Vin at Errol para ihatid si Gray kay Wei. Dumiretso ko sa opisina ni Paine para malaman sa kaniya ang katotohanan.

"Oh. You're here. Where's Vin and Errol?"

Tinignan niya lang ako at nagsalita sandali saka bumalik sa ginagawa niya sa computer niya.

"Nauna na sila kay Wei. Ako lang ang dumiretso dito."

"Okay. So what brought you here?"

Nakatutok pa din siya sa ginagawa niya at di ako masyadong pinapansin.

"Pwede pa bang umalis sa frat?" lakas loob kong tanong.

Napatunghay naman siya sa sinabi ko at napatigil sa ginagawa niya. Naglean siya sa swivel chair niya at saka diretso akong tinignan sa mata.

Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang tuhod ko sa pakikipagtitigan pa lamang sa kaniya. Ang mga ash gray niyang mata ay sadyang nakakatakot at nakakatunaw.

"Bakit mo ko tinatanong, Honesty? Gusto bang umalis ni Gray sa frat?"

"Hindi si Gray ang pinag-uusapan natin dito."

Did he read it through me?

"Ahhh. Okay? Si Gray issue dito tama ba? Hahahah. Ano bang gusto mong mangyari?"

"I said hindi siya. I want to leave."

"No. Gusto niyang umalis. Tama?"

"Paine,"

"Wala kong matutulong sayo kung siya issue."

"Paine! It's me who's leaving!"

"Eh di sige umalis siya."

Di siya nakikinig sakin.

"Paine ano ba! I said it's me!"

"Hahahahaha. Sige. Umalis siya! Papaalisin ko siya. Gusto niya umalis di ba? Tss. Ginagalit niya ko puta."

"Paine!"

"Aaaahhh. Fuck. Naiinis ako. Tangina talaga."

He's not listening to me. Instead, he drew his phone from his table and called someone else.

"Tyrus. Sunduin mo ko dito sa office. May pupuntahan tayo."

"Paine, makinig ka naman sakin." pagmamakaawa ko.

"You may stay here or you may go somewhere else. Just don't follow me." seryoso niyang sabi.

Naiwan na nga lang ako dito na walang magawa. Pag sumunod ako, he could do something else to my family. Oo close kami ni Paine but that doesn't make me higher than him to ask these stupid things. I came here to know the truth about him being the leader but I ended up begging for Gray's complete freedom. Mas lalo ko lang ipinahamak si Gray.

I was about to cry when I realized na hindi ako dapat magmukmok lang dito. I must follow him or kung hindi may mangyayari kay Gray. Oo aaminin ko. Natatakot ako sa galit ni Paine pero mas natatakot ako para sa safety ni Gray. He matters to me.

Kailangan kong maunahan si Paine bago pa siya may gawin kay Gray.

NagGrab na lang ako para mas mabilis. Ang alam ko ay sa unit ni Wei dinala si Gray. Kaya naman sigurado akong dun din papunta si Paine.

Nang makarating na ko sa building nang condo ay nagmadali akong sumakay sa elevator.

Mauuna ba ako o si Paine. It's as if a race of death dahil sa isang maling galaw, maaaring may mangyaring di maganda kay Gray.

Mabilis naman akong nakarating sa floor nang unit niya dahil wala ako masyadong kasabay sa elevator.

Nanakbo ako sa unit ni Wei. Habol hininga akong nakarating sa unit niya. Bukas ang pinto kaya naman pumasok na ko.

PAINE VICTORINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon