I did just as what he say. Nakakatakot kasi siya. Para siyang mangangain ng buhay kapag hindi siya nasunod. Kung kaya naman nagquit na ako agad pero pinangakuan ko naman si Ma'am na hahanap ako ng kapalit ko as soon as possible. Sa totoo lang, nahihiya ako kay Ma'am pero mas natatakot ako kay Paine. Tila hawak niya ko sa leeg.
"Let's go." si Paine.
Sa kasalukuyan, tinatahak namin ang express way papuntang Eastwood. Nandun daw kasi yung isa niyang unit. Dalawa daw kasi yun. Isang nasa Fort at isang nasa Eastwood.
"Ganun? Bakit dala-dalawa pa unit mo? Pwede namang isa lang?" tanong ko.
"Yeah. Kasi sa Fort nandoon ang girlfriend ko. Sa Eastwood naman, nagistay ako doon dahil malapit yun sa company na pinapasukan ko." he explained.
"Yaman." sabi ko.
"Gago. Haha." maka-gago 'to sakin.
"Anong gagawin ko dun sa unit mo?" tanong ko.
"Good question. Ikaw na magbabantay at titira dun. Bihira kasi ko magstay dun." sagot niya.
"Pero hindi yun pwede. Kasi naman malapit na opening ng klase namin. Kailangan ko makapasok para mapagtapos. Last year ko na sa school. Kapag sa Makati ako tumira, mahihirapan ako pumasok sa school. Sana naman iconsider mo yun." pagpapaliwanag ko.
"Fine. I will. I'll let you use my Ecosport." sabi niya.
Ansabe? Ipapahiram niya kotse niya ng ganun kadali? Grabe siya. As in grabe. Napaka-generous naman ng taong to. Ang dami niya siguro talagang kotse para ipahiram niya ng basta ang isa niya kotse.
"Sigurado ka? Ipapahiram mo? O nagjojoke ka lang?" paninigurado ko.
"I'm sure about it. Just take care of it. Kapag nagasgasan, babayaran mo." sagot niya.
"Wag na lang! Wala ko pambayad!" pagtanggi ko.
"Hahaha. Kidding. I'll lend that to you. Wala namang gagamit kay Eco. My girlfriend has her own car naman kaya ikaw na gagamit nun. She prefer to use my Mercédes than Ford." he said.
Grabe lang talaga. Nag-okay na lang ako tumahimik. So gusto niya talagang magstay ako dun sa unit niya. Pero nakakapagtaka talaga na pinagkakatiwalaan niya ko. Ang weird kasi. Imagine. Pinapatira niya ko sa unit niya and then yung kotse niya pinapahiram niya sakin. Sandali, may kapalit kaya ang mga to?
"May kapalit ba mga kabutihan mo sakin?" lakas loob kong tanong.
Tinignan niya ko ng sandali then binalik niya na ulit ito sa daan. Inantay ko sagot niya pero hindi na siya sumagot.
"Wala pa sa ngayon." nagulat ako ng magsalita siya. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang sagot niya.
Wala pa sa ngayon? Ibigsabihin meron nga talaga?
Tignan ko siya para makita ang reaksyon niya pero wala, ang expressionless naman ng mukha niya.
"Don't worry yourself too much. Hahaha." sabi niya.
Ewan. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya ko. Pero bakit niya naman gagawin yun? Mukha ba kong laruan?
Hindi ko na lang siya kinausap. Bahala siya sa buhay niya. Boss siya eh. So 'sir' na pala itatawag ko sa kanya.
Mga isang oras ay nakadating na kami sa Eastwood. Hindi ko alam tong pangalan ng building. Basta ang alam ko. Condo to.
Pagkapark na pagkapark niya ay sumakay na kami sa elevator at narating ang floor ng unit niya. Grabe as in next to rooftop nga 'to, 50th floor.

BINABASA MO ANG
PAINE VICTORINO
ActionDo you know Paine Victorino? He is none other than the leader of the TRIANGLE. Join Honesty as she "unfortunately" becomes a part of a multinational organization, the TRIANGLE. Written since 2015. So please bear with my amateur writing. This is uned...