Shooting
Nadelay nang ilang araw ang flight ni Paine dahil kay Gabby. Sa pagkakaalam ko nagmaktol si Gabby nung nalaman niyang aalis si Paine kaya ayun nagtalo sila. Di niya pala sinabi kay Gabby. Talagang magagalit yun. Yun din yung gabing malungkot si Paine. Mabuti at naging maayos na din sila matapos nilang mag-usap. Then ayun na ata, the next day umalis na sila noon to Hongkong.
Anyway, may mas mahalaga akong iniisip ngayon bukod sa training ko with Tyrus. Yun ay yung tumawag sakin kahapon. Sinubukan ko kasing tawagan yung unknown number kaso out of service na. Hindi ko na macontact.
Isa lang ang malinaw mula sa tawag na yon, bakit hinahanap nung taong yun si Paine? Anong kailangan niya? At siya nga ba talaga yung Freed na kasama sa frat? Kung siya nga, pwede naman siyang magdirect contact kay Paine di ba?
"Coffee?" alok ni Tyrus.
"Sige. Thanks."
"Ang lalim ata nang iniisip mo?" tanong niya.
"Ah hindi naman."
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Tyrus yung tungkol dun sa tumawag sakin. Hanggat di pa ko nakakapagdesisyon, di ko muna sasabihin sa kaniya. Baka mas makabuti pang ganoon na muna sa ngayon.
"Nga pala, Honesty, pupunta tayo sa favorite place ko." banggit niya.
"Eh? Saan naman?"
"Sa Training place ko. Saan pa ba? Hahaha."
Doon na naman? Haaays.
Nakalimutan kong may training nga pala ngayong araw.
"Kaya magready ka na. Whole day tayo dun ngayon."
Ano?! Hala. Nakakapagod na araw na naman to panigurado.
"Di ba dadating yung gf mo ngayon?" paglalayo ko sa usapan about sa training. Baka sakaling makalusot. Hehe.
Nakakapagod naman kasi talaga tapos natatambakan ako nang gawain sa opisina. T-TH-S kasi ko sa training at M-W-F naman sa opisina. Ang hirap nang alternate work tapos pareho pang mahirap gawin.
Bukod pa dun, nakakatakot humawak nang baril lalo na kapag magshshoot ka na. Ang sakit sa dibdib. Ang lakas nung tunog. Sa action movies at mga palabas mo lang makikitang madaling humawak nang baril. Ang totoo ay napakahirap gumamit nito.
"Hindi eh. May pasok yun. Baka sa sunday nandito siya. Why?" tanong niya. Nako baka nakahahalata siya ah.
"Ah kasi di ko pa siya nakikilala kasi. Hehe." palusot ko na lang.
"Oo nga no. Busy ka kasi last time sa mga ginagawa mo kaya di ka na muna namin ginulo."
Ah kaya kayo na lang ang nagguluhan nang isa't isa. Joke. Hehe. Ano ba yan nahahawa na ang utak ko nang kahalayan.
"Ah hehe. Oo nga."
"Oh basta ah, magttraining tayo ulit."
"Ah sige."
Walang lusot. Huhu. Malas.
***
Nakarating na kami sa training place na sinasabi niya. Sobrang tago nito. Di ko nga akalaing may ganitong lugar. Tago kasi sa bundok. Hindi naman sa may tuktok, pero medyo halfway na din. Ito yung tipo nang lugar na hindi mo pupuntahan. Halos inabot ata kami nang tatlong oras dito. Ganun kalayo ang lugar na ito. Sinadya kayang nilagay ito sa malayo at sa tago para walang makapuntang kung sino?
May isang bahay dito na parang cabin type, yung parang nasa mga American movies. Medyo malaki ito kumpara sa mga typical cabins and mas maganda. Teka ano yun? Bakit may simbolo na nakalagay dun sa may pinto? Octagon na may mata? Sandali lang. Parang nakita ko na yon. Yun nga ba yung nasa kaliwang braso ni Tyrus?
BINABASA MO ANG
PAINE VICTORINO
ActionDo you know Paine Victorino? He is none other than the leader of the TRIANGLE. Join Honesty as she "unfortunately" becomes a part of a multinational organization, the TRIANGLE. Written since 2015. So please bear with my amateur writing. This is uned...