After that ay nag-usap sila. Pinapasok nila ko sa kwarto kasama yung tatlong babae.
Isa isa kaming nagpakilala sa isa't isa. Mababait naman sila at hindi warfreak. Naeenjoy ko ngang makipagkwentuhan sa kanila. Kinukwento nila sakin yung mga pinamili nila kanina. Sa totoo lang, di ko sila naiintindihan kasi puro mga signature brands ang mga minemention nila sakin. They even told me what shampoo is best to use, pati perfume na pang-akit daw. Hay nako. Nakakatuwa lang pakinggan yung mga kaartehan nila. Hahaha. Pero infairness, ang gaganda nila. Ang sesexy tapos ang puputi. Average ang mga height. Grabe. Super duper ganda nila.
Nagulat nga ko ng magkwento sila na di na sila mga virgin. Akalain mong yung mga ganung secrets ay isshare lang nila sa tulad ko na kakakilala lang nila.
I admire them kasi mukhang di naman sila member ng fraternity. Mga flings lang sila. Yet they know something. Di ko naman sinasabi na gusto ko maging isa sa kanilang fling. But the freedom they possess is what I want to have. Gusto ko maging normal ulit buhay ko. Kasi once na makapasok ako dito, alam ko, di na ko makalalabas pa.
I want to be free from them. But I just can't be. I never thought that the few minutes I spent a while ago would bring me a change for a lifetime.
Magugulo ang maayos kong buhay. Ano ng mangyayari after all?
"Hey" tawag ni Fab. Yung fling ni Ash.
"Ha?" natulala na ba ko?
"Ang lalim ata ng iniisip mo." sabi ni Michelle. Yung fling ni Wei.
"Hindi naman." sagot ko.
"How'd you know them?" tanong ni Fab.
"Nakilala ko sila through being a witness to their crime." sabi ko.
"What?!" silang tatlo na gulat na gulat.
"Is that true?" tanong ni Kelly, yung fling ni Harley.
"Oo." sagot ko.
"You witnessed their work? Oh my gosh. You're in a big trouble." si Fab.
"Alam ko."
"But wait, if you're a witness then why did they bring you here? I mean, kasi di ba, it's common na when murderers saw their witnesses on the moment of the crime, agad nila din 'tong didispatsyahin. So how come?" tanong ni Kelly.
"Ewan ko kay Wei kung bakit hindi niya ko pinatay. At ang nakakabigla pa ay gusto niya daw akong bahagi ng fraternity nila. And nandito ko, gawa ng initiation ko." paliwanag at sagot ko.
"Woah. Ang swerte mo naman as a witness." si Michelle.
"Swerte nga ba? Siguro swerte in the sense na hindi ako napatay. Pero yung pagiging miyembro nila? Miyembro ng mga mamamatay tao, ewan ko."
Napansin kong tumahimik sila bigla. They're helping me na maging positive ako sa kabila ng mga nangyayari.
Gusto ko maging positibo. Pero, sa nangyari, nangyayari, at mangyayari ay hindi ko na talaga alam kung kaya ko pa. Well, hindi ko pa kayang i-mind over matter ang mga pangyayari. I just can't. I really can't.
"Alam mo, let's not deal with this muna. The more you think of it, the more you get pressured. Maybe, you should rest for a while. Malay mo, when you woke up, may sagot ka na sa mga tanong mo and you could think much better." si Michelle.
"I agree with her. Stress na stress ka na. Take a rest girl. Kami na lang magsasabi kay na Wei that you slept because you're tired." dagdag ni Fab.
Siguro nga kailangan ko na nga muna magpahinga. Masyado na kong stressed sa mga bagay bagay.
Itinuro sakin ni Michelle yung guest room. Sabi niya, dito daw muna ko magstay. Huwag na daw ako muna mag-isip. Magpahinga na lang raw muna ko.
Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Napakalaki at napakaganda. May isang malaking kama sa gitna na may painting sa taas nung headboard. May lampshade din na native yung pagkakagawa. I mean yung parang gawa sa abaka yung pinakapangcover. Nasa right yung malaking aparador na puti. Sa kaliwa ay may study table. Mayroon ding book shelf. Ang ganda. Napakamaaliwalas ng paligid.
Naghubad lang ako ng doll shoes at footsocks ko saka ako tumalon sa kama.
Ang lambot lambot! Nagtatalon ako na parang bata. Eto ang unang beses kong makahiga sa isang high class na mattress. Wow. Tapos ang lambot ng kumot. Ang ganda pati ng kulay ng kobre kama at unan. Sky blue. Ang cute.
Ang ganda ganda naman dito. Nakakalibang.
Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto.
Parang may kulang. Ewan ko. Ang ganda ganda na nito pero nakukulangan ako.
May malaking wardrobe naman. May study table and book shelf din. May banyo din. Pero bakit ganun? Nakakalungkot.
Haaay. Pag pala wala sila, kulang ako. Kahit gaano man ka-perfect yung paligid kung wala naman sila, parang wala pa din. Haaay. Miss ko na pamilya. Miss ko na si Rit Rit, si Loy at si Yumi. Pati din sina Mama at Papa. Sandali lang talaga na mapalayo ako sa kanila, pakiramdam ko maho-homesick na ako kaagad. Haaay. Eto ba yung sinasabing sepan/sepanx ba?
Humiga na lamang ako at tumingin sa kisame. Lamp shade din ba tawag diyan sa mukhang siopao na ilaw na yan? Hindi naman kasi chandelier yung ganyan kasi walang sabit sabit. Ano ba yan?
Hay nako! Hayaan mo na nga yang ilaw na yan. Dala na siguro ito ng antok. Sana nga makatulog na ko. Nakakapagod ang gabing ito.
Rest is what I need. Good night to me. Sana bukas may maganda namang mangyari.

BINABASA MO ANG
PAINE VICTORINO
AçãoDo you know Paine Victorino? He is none other than the leader of the TRIANGLE. Join Honesty as she "unfortunately" becomes a part of a multinational organization, the TRIANGLE. Written since 2015. So please bear with my amateur writing. This is uned...