PV 15

161 11 9
                                    

*Honesty's POV*

Nasan ako? Bakit napakalamig? Bakit basang basa ang katawan ko?

Pinilit kong igalaw ang aking braso at nagawa ko. Pinilit kong ikalang ito sa lupa ng buo kong lakas dahilan para magawa kong makabangon.

Umuulan pala. Kaya naman pala basang basa ako.

Nilingon ko ang paligid. Nasa talahiban pala ko. Marahil, pagkatapos nila ko pagsawaan ay dito nila ko itinapon.

Pinagmasdan ko ang sarili ko, wala na akong saplot at puro dugo pa ang ibaba ko. Pinagmasdan ko ang aking katawan. Napakadumi ko at laspag.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagtagas ng dugo ko sa lupa at sa mga damo. Kasabay din nito ang paghagulgol ko.

"Diyos ko, bakit?! Bakit niyo ko pinabayaan?! Bakit?!" sigaw ko sa kabila ng ulan.

Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ko kayang matanggap na kahit isa ay walang nagligtas sakin.


Umiyak pa ko ng umiyak. Pinagmasdan ko ang sarili ko at nakaramdam ng awa. Wala na nga akong saplot at napakadami ko pang pasa. Labis pa ang pagdudugo ng aking pagkababae. Labis ang pambaboy na ginawa nila sakin. Hayop sila.

Kita ko na sa pagbuhos ng malakas na ulan ay kasabay na tumagas ang aking dugo sa lupa at sa mga damo. Kasabay din nito ang pagtangis ko.

"T*ngin* niyong mga hayop kayo! Wala kayong mga awa! Mga hayop kayo!" galit na galit kong sigaw sa kabila ng ulan.

Napakalamig. Sobra. Pero wala ng mas lalamig pa sa mga luha kong ito.

Wala na kong dignidad.

Binaboy nila ko.

Napakahayop nila.

Nagkamali sila sa pagbuhay sakin. Maling mali sila. Pagbabayarin ko sila sa kababuyang ginawa nila sakin. Pero bago ko magawa yun, kailangan kong bumangon at lumaban.

Gusto ko maghiganti sa ginawa nila sakin. At mag-uumpisa yun sa pagsubok kong bumangon mula sa ginawa nila.

Hindi na ko lumuha pa. Baliwala na ang mga ito ngayon. Nangyari na ang lahat. Ang kailangan ko'y lumaban.

Pinilit kong tumayo at nagawa ko naman. Masakit pa din katawan ko pero wala akong pakialam. Uuwi ako.

Oo, nababaliw na ko sa sinasabi kong uuwi ako. Papano nga ba ko makakauwi na ganito itsura ko?

Hindi ko din alam ang sagot. Ang tanging alam ko lang, kailangan kong malagpasan lahat ng 'to.

Nagsimula na kong maglakad kahit na umuulan pa din. Naglalakad ako ng walang ano mang sapin sa katawan.

Patuloy pa din ang pagbuhos ng ulan. Papalakas pa nga ito ng papalakas pero hindi ko yon iniinda.

Unti unti ko ng nakikita ang kalsada. Kailangan makakita ko ng tao atsaka ako hihingi ng tulong.


Naglakad pa ko ng naglakad pero parang walang katapusan ang kalsada. Nangangatal na ko sa sobrang lamig. Hindi ko na ata kayang magpatuloy pa.

Nagulat ako ng may biglang sumulpot na sasakyan na mabilis na binaybay ang daanan.

Gumitna ako para ako'y mapansin nito. Hindi naman ako masasagasan pagkat malayo layo pa 'to ng kaunti.

Pero bago ko pa man makitang lumapit ang kotse ay natumba na ko at tuluyang wala ng nakita.

*End of Honesty's POV*

*Wei's POV*

Ang galing ko talaga. Hahahahahaha. Nakuha ko yung mini cooper niya! Hahaha. Saya saya.

PAINE VICTORINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon