PV 9

169 9 5
                                    

"Honesty, tara na. Hop in." anyaya ni Errol.


Tapos na kaming kumain kaya naman kailangan na naming bumalik sa biyahe. Kapag di pa kami nagmadali, magagalit na si Paine. Sasabihin nun, sana siya na lang kumilos. Sana kasi hindi na lang siya busy para siya na lang makikipagkita kay Gray.


Sumakay na ko sa kotse at nagsimula na ulit si Vin magmaneuver ng sasakyan.


"Ang layo pa natin." sabi ni Errol.

Mukha nga. Wala pa ata kaming half way. Hay.

Pero mas gusto kong malayo pa kami. Hindi ko gustong makita si Gray. Natatakot ako.

"You seemed to be too occupied." si Errol.

"Ha? Hindi naman masyado." sagot ko.

"You better rest. It's still a long run." mungkahi niya.

I smiled at him then pumikit na. Tama, malayo pa. Makatulog na lang muna. Tutal, gaya ng sabi niya malayo layo pa naman.




*FLASHBACK*


"Hmm." aray ang bigat naman. Ano ba yung nakadagan sakin? Aga aga nangbabadtrip si Loy!

"Mama si Loy dinadaganan ako!" inalis ko yung paa ni Loy. Bigat kasi. Antok pa ko tapos mambabadtrip siya? Leche ah!

Nagulat ako ng biglang niyakap ako ng mabibigat na paa na yun. Kaasar! Nantitrip talaga tong batang 'to!

"Mama oh! Si L-"

Naputol ang sasabihin ko ng pagmulat ko ay hindi pala paa yung yumayakap sakin kundi kamay! Kamay ng isang lalaki!

Sa takot at pagkabigla ko ay itinulak at tinadyakan ko yung yumayakap sakin dahilan para ito'y mahulog.

Sandali? Wait. Nasan ba ko? Ang ganda naman dito.

Ooohh hindi! Nako. Oo nga pala, wala pa ko sa bahay. Nasa unit pa ko ni Wei. Haay. Nakalimutan ko. Nandito nga pala ko sa guest room niya kasi ito lang ang available na kwarto.


Teka. Sino ba 'tong lalaking to? Bakit siya nandito? May ginawa ba siya sakin?


Tinignan ko sarili ko at ganun pa din naman suot ko. Mukhang wala naman siyang ginawa sakin. Wala namang masakit na parte ng katawan ko. Pero kahit na. Baka may nahawakan siyang parte ko habang natutulog ako! Humanda ka sakin!


Agad kong kinuha yung unan at nagsimulang tignan yung lalaking nahulog sa sahig. Hindi ko siya makilala kasi pumulupot sa mukha niya yung kumot.


Lumapit ako sa kanya at unti unti kong tinanggal yung kumot sa mukha niya.


Namangha ako sa nakita ko ng tanggalin ko yung kumot. Napakagwapong nilalang. Matangos ang ilong, may mahahabang pilik mata, makinis na mukha at may magandang hubog ng panga. Binagayan ng kanyang blonde na buhok ang mala-sutla niyang balat. Anghel ba siya na nasa sahig? Este lupa. Hahaha.


Awtomatikong hinawi ng kamay ko ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok na nasa kanyang mukha. Maski ako nagulat sa ginawa ko pero wala nagawa ko na.


Patuloy ko lamang siya pinagmasdan. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nakakahanga lang talaga yung kagwapuhan niya. Napakagwapo. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin ang kagandahang lalaki niya? Kanina'y kasama ko siya't kinausap pa niya ko. Napakaswerte ko naman pala kung ganun. Tapos kanina'y niyakap niya ko. Parang gusto kong tumalon sa tuwa. OA na kung OA pero, eto ang nararamdaman ko.


Hindi ko lubos maisip na ang gwapong binatang naririto ay ang sumagip sakin.


Gusto ko siyang pasalamatan sa pamamagitan ng halik.


PAINE VICTORINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon