PV 10

144 9 6
                                        

Dali dali akong pumasok sa banyo para maligo. Ang kaso, hindi ko mabuksan yung shower. Paano ba to? Wala bang manual dito? Pinihit ko ng pinihit ng pakanan at pakaliwa yung knob ng shower e kaso ayaw talaga. Bakit ganun ayaw gumana?


Lumabas ako ng banyo ng makita kong nandun si Paine sa harap ng pinto. Nakabihis na siya. Naka-itim na V-neck tshirt siya at naka-blue jeans na shorts. Teka, bakit nandito siya? Anyway, thank God, he's here. May mapagtatanungan na ko.

"Paine, tulungan mo naman ako oh." sabi ko sa kanya. Kasunod nun ay hinila ko na agad siya sa banyo.

Pabalik balik lang tingin niya sakin at dun sa shower. He looks cynical.

"What?" tanong niya. Napansin niya sigurong nakatingin lang ako sa kanya.

"Tulungan mo ko."

"Tulungan mo ko." Muli kong ulit. Nung una hindi siya kumikilos, pero hindi nagtagal, nakita ko namang humakbang na siya palapit sakin pero pinigilan ko siya ng sobrang lapit na niya sakin. Problema nito?

"Paayos naman nitong knob. Sira ba 'to? Kung hindi, turuan mo na lang ako kung pano 'to paganahin. Wala naman kasi kaming ganto sa bahay. Hehe." paliwanag ko kay Paine.

Para naman siyang nabunutan ng tinik ng magsalita ako. Nakita kong napaatras siya. Ay, ang weird niya ah.

"Paano ba 'to, Paine?" tanong ko ulit.

Lumayo siya sakin at dun lumapit sa knob. Lumapit ako sa kanya para makita yung gagawin niya.

"Ganito." matipid niyang sabi na may halong inis. Parang naiinis siya talaga o nag-iilusyon lang ako? Ewan.

Nang hawak na niya ang knob, iniangat niya to. Then,

"FUUUUUCCCCKKKKK DAAAAAAAAAMMMMMMMMN COOOOLD WATERRR!!!" sigaw ni Paine.

"ANG LAMIIIIGGG!" sigaw ko naman.

Agad kaming napalayo sa shower. Ang lamig ng tubig e!

"Ah fuck! Magpapalit na naman ako! Tss. Tangina." asar na asar na sabi niya. Pero lumapit pa din siya dun para patayin yung shower.

Galit na galit siya. Nakakatakot.

Basang basa siya. Siya kasi yung nasa pinakatapat ng shower.

Bakit nga ba hindi niya naisip na mababasa siya kapag ginawa niya yun? Lutang ba siya?

Isinara ko na lamang yung pinto at nagsimula ng maligo. Bibilisan ko ng makapag-sorry na ko.

Medyo napatagal ng kaunti paliligo ko kasi natuwa ako sa shower at bathtub. Ang sarap maligo. Tapos kumpleto sa mga gamit.

Galit pa kaya siya? Mukha siyang badtrip talaga. Pero para ding lutang. I wonder what he's thinking.

Nagulat ako ng makita ko sa may gilid ng kama si Paine na nakaupo at nakatopless. May tattoo pala siyang napakalaking dragon sa buong likuran niya.

Nahiya ako bigla ng lumingon siya sa may direksyon ko. Tumungo na lang ako.

Nakita kong lumalapit siya sa akin. Bakit kaya?

"Here, hand this." si Paine. Kinuha ko yung binigay niyang mga damit.

Oo nga naman. Naligo ako tapos hindi ako naghanda ng mga damit ko? Sobrang nakakahiya na talaga sa kanya.

Palabas na siya ng kwarto ng magsalita ako.

"Sorry, Paine. Kasalanan ko yung nangyari kanina." paghingi ko ng tawad kasi nabasa siya.

PAINE VICTORINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon