BANG! BANG! BANG!
Nagulat ako sa tatlong sunod sunod na putok.
Itinutok ko yung baril at kinalabit ito pero nakita kong nagmintis yun. Hindi ko kasi talaga kaya. Kung kaya naman nagtataka ko kung pano namatay si Lexus. At isa pa, isang beses ko lamang kinalabit ang baril. Kaya bakit tat-? Sandali, si Paine?
Tinignan ko si Paine para makasiguro. Tama nga ako. Siya nga ang bumaril kay Lexus.
"You owe me two bullets." wika niya.
Pagkasalita niya non ay pumasok na sila Wei. Nang makita ako ni Wei ay agad siyang lumapit sakin.
"Nagawa mo Honesty. You killed him. At dahil dyan, welcome to the TRIANGLE!" pagkasabi ni Wei nun ay sabay niya akong niyakap. Nakakapagtaka nga na sobrang saya niya para sakin.
Gusto ko aminin na hindi ako ang gumawa nun pero, mababaliwala lang yung sinakripisyo ni Paine na dangal.
Dangal. Yun talaga ang nararapat na salita. Alam kasi ni Paine na kapag hindi ko nagawa, kailangan niya kong patayin.
Pero bakit nga ba niya hinayaan akong mabuhay? Sino ba ko para bigyan niya ng pagkakataon? At sino din ako para pag-aksayahan niya ng kanyang dangal at dignidad?
"Honesty, halika na. Masama na sa kalusugan natin pag nagtagal pa tayo dito." sabi ni Wei.
Lumabas na kami at iniwan na ang bodega.
Yung mga mukhang army ang pumasok dun kasi inutusan sila nung burgundy buhok na ayusin yung mga bangkay dun. Teka, bakit nga ba maraming bangkay dun?
"Wei, bakit napakadaming bangkay dun? Sinong pumatay sa mga yun? Nagkaroon ba ng problema bago kami nakarating?" tanong ko.
"Kasi tinapos sila. Kalaban kasi natin yung mga yun. Si Paine lang pumatay dun." cool na sabi niya.
Si Paine lang daw? Nagawa ni Paine na pumatay ng higit na 20 na tao?!
"Nagbibiro ka lang di ba?" paniniguro ko.
"Why should I?" playful na salita niya.
"Hindi ako para magbiro. Nakakatakot si Paine kanina. Mabuti't hindi mo nakita." Sabi ni Wei.
Nakikita ko nga talagang may bakas ng takot sa mukha niya.
"Nga pala, didiretso na tayo sa unit ko. Dun magaganap ang buong induction ceremony. Dapat kayna Ty, kaso nasa France siya with Freed kaya direct na ako na mag-aasikaso sayo." Pag-iiba niya ng usapan.
"O sige." Sagot ko na lamang.
May itinatago ba sila? Para kasing may mali dito.
Kasabay namin na umalis sina Gray. Kasama din namin yung may burgundy na buhok.
"Nga pala Wei, sino ba yung lalaking yun?" Turo ko dun sa lalaking kasama ni Gray.
"Ah. He's DNA. Ipapakilala kita though kilala ka na niya." Sagot ni Wei. Kilala na niya ko?
"DNA!" Tawag ni Wei.
"Oh?" Sagot nung DNA. Lumapit kami ng bahagya dun sa dalawa.
"Di mo pa nakakausap si Honesty di ba?" Tanong ni Wei.
"So? Tss. Go straight to the point brother." masungit na sabi nung DNA.
"Sungit mo gago! Hahaha. Ipapakilala ko lang naman newest member natin since wala ka when I introduced her to Paine."
"Honesty, he's DNA, my cousin. DNA, he's Honesty." pakilala ni Wei. Magpinsan pala sila.
Nakipagkamayan ako kay DNA nang i-raise niya kamay niya. Ang pormal naman niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30989008-288-k201.jpg)
BINABASA MO ANG
PAINE VICTORINO
AkčníDo you know Paine Victorino? He is none other than the leader of the TRIANGLE. Join Honesty as she "unfortunately" becomes a part of a multinational organization, the TRIANGLE. Written since 2015. So please bear with my amateur writing. This is uned...