PV 14

71 9 6
                                    

Hmm. Ang sakit ng ulo at leeg ko. Na-stiff neck ata ako. Teka? Bakit di ako makagalaw? Para bang nakagapos ako.

Pinilit kong imulat ang aking mga mata at nagulat ako sa nakita ko. May mga lalaking nakatingin sakin.

Sandali. Tama! Yung dalawa sa kanila ay yung nanloob sa unit ni Paine!

Hindi ako makapagsalita kasi nakatali ang bibig ko. Pati pala buong katawan ko nakatali.

Napansin nung isa na gising na ko kung kaya tumayo siya at lumapit sakin. Tinanggal niya yung nasa bibig ko.

"Brother, she's awake." usal nung lalaking nagtanggal ng panyo sa bibig ko.

"Good that your awake, miss." yung isa pang lalaki. Singkit siya, maputi, parang si Wei. Nakangiti siya ng siya'y magsalita. Pero kahit ganun, pakiramdam ko may masama siyang binabalak.

"Sino ka? Anong kailangan mo sakin?!" tanong ko.

"Oh. I'm Lexus, leader ng Arcturus na under ng Phoenix, archenemy of Triangle." pagpapakilala niya.

Tinititigan ko lang siya at iniintay ang mga salita niya.

"You know what, inintay talaga namin ang pagkakataong ito. Akala namin it will never happen." he said.

"Alin? Ano?" tanong ko.

"That Paine would bring you there." binigyang diin ni Lexus yung salitang 'Paine'.

"Kilala mo si Paine?" tanong ko.

"Yes. We know each other since we're a kid." sagot niya.

"Yun nga lang, yun na lang yun. We could have been good friends if only he transacted with me." dagdag niya. Transacted? Hindi ko magets.

"Hindi kita maintindihan." sabi ko.

"Really? He never told you his job?" tanong niya. He smiled as if he outwitted me. I guess, he succeeded?

Hindi ako sumagot bagkos ay inantay na lamang ang mga sasabihin pa niya.

"So kawawa ka naman pala. He never told you that he was a leader of a criminal organization? And that he kills people? I'm so sorry na kailangan sakin mo pa yun malaman." he said. Criminal organization? Tapos, pumapatay siya ng tao? Hindi ako naniniwala. Pero baka nga. Baka nga totoo kasi si Wei nga nagawa yun. Nasaksihan ko pa nga mismo ginawa niya dun sa dalawang lalaki.

Masyado lang siguro ko nabulag sa mga kabutihang ipinakita niya sa akin. Paine is the leader, therefore, he could have done more evil things than Wei.

"Surprised, aren't you?" he asked.

Tinignan ko na lamang si Lexus. Pinipilit kong iprocess lahat sa utak ko yung mga pinagsasabi niya.


"Gabrielle, if you want your family to live, then bring us to Paine. Bring us to your boyfriend." pananakot niya na di ko ikinatakot kundi ikinataka.

Tiningala ko siya at tinanong,

"Gabrielle? Sino yun?"

Kita kong nagulat at nagtaka din siya sa sinabi ko.

"Are you Gabrielle?!" galit na galit niyang tanong. Nakakatakot siya. Parang papatayin niya ko. Nanginginig na ko sa takot. Diyos ko.

"Hi-hindi. Hindi ko siya kilala." nanginginig kong sabi. Nanlalamig ako sa takot. Nakakatakot siya. Diyos ko. Diyos ko.

"P*TANG*NA! Ang ta-tanga niyo mga k*ng*na niyo! Hindi naman pala 'to si Gabrielle! Mga bobo!" galit na galit niyang sabi sa mga kasama niya.

"Mga tanga! Hindi talaga kayo maaasahan! P*ta!" dagdag pa niya.

PAINE VICTORINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon