Paine? Sino kaya yun?
"Sino yun?" tanong ko.
"You'll meet him later." sabi ni Dale. Mamaya agad?
Napansin kong tapos na yung ginawang cake ni Dale. Nakapagdecorate na din siya ng cake. Ang bilis niyang nagawa yun. Ang galing ah.
Naghanda siya ng dalawang platito pati bread knife at tinidor. After that, nagsimula na siyang mag-slice ng cake. Inuna niya kong lagyan sa platito ko. Mukhang masarap talaga! Gusto ko ng kumain! Gutom na kasi talaga ko. Huhuhuhuhuhuhu. Kaso nakakahiya naman kumain agad.
"Kain ka na. Alam ko gutom na gutom ka na." nakangiting sabi niya. Anghel ka Dale. Makakakain na ko! Haha.
"Wait, paano sila?" tanong ko.
"Never mind them. Busog sila. Kumakain na nga ngayon. Hahaha." grabe 'tong si Dale. Napayuko tuloy ako. Di talaga ko sanay sa ganyang usapan. >/////////////////////<
"Di ka open minded? Woah. I didn't mean to." sabi niya.
"Okay lang. Di lang ako sanay." sagot ko.
"Dalagang Pilipina? Hahaha." biro niya.
"Hindi naman." nakayuko pa rin ako, nao-awkward-an akong humarap sa kanya.
Nagulat ako ng nasa likudan ko na si Dale at hinila ko patayo. Ang weird. Wala akong nagawa, ang lakas niya sobra. Ano bang ginagawa niya?
Mas ikinagulat ko pa ay ang pagyakap niya sakin at pagdiin niya sakin sa sarili niya.
Nakatitig lang siya sakin. Ganun din ako sa kanya. Walang nagsasalita samin. Ano ba tong nangyayari?
Napansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko. Ang awkward! Kailangan itulak ko na siya!
Itinulak ko siya ng buong lakas dahilan para bumitaw siya.
Nakabitaw siya sa pagkakayakap sakin pero nahagip niya kamay ko dahilan para maisandal at maihiga niya ko sa mesa. Mas lalo na kong hindi nakagalaw!
Ano bang nangyayari kay Dale?!
"Dale, huwag." gusto ko makalayo sa kanya.
Naiiyak na ko.
Natatakot na ko.
Papaiyak na ko pero di ako pinapansin ni Dale. Parang hindi siya yung Dale na kausap ko kanina. Ano bang nangyayari sa kanya?
Itinaas niya ang mga kamay ko gamit ang isang kamay niya. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Nasasaktan na ko.
Napansin kong yung isa niyang kamay, dahan dahang pumapasok sa loob ng damit ko. Dahilan para tuluyan ng mapaiyak ako.
Akala ko nagbibiro lang siya. Hindi pala. Ano bang ginagawa niya?
"Dale, pakiusap wag!" pagmamakaawa ko. Di ko na napigilang umiyak. Wala akong magawa! Wala!
Tulong pakiusap.
Pakiusap...
Akala ko iba siya. Di ko siya dapat pinagtiwalaan!
"Tulong." yun na lamang nasabi ko habang patuloy ako sa pag-iyak.
Naramdaman kong hawak na niya bra ko. Akmang itataas na niya 'to ng biglang...
BLLLLLLAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGG!
Nawala ang mabigat na kanina'y nakadagan sakin...
Anong nangyari?
Gusto ko bumangon para makita ko ang nangyari pero di ko magawa. Wala akong lakas para makabangon. Patuloy pa din ako sa pag-iyak.

BINABASA MO ANG
PAINE VICTORINO
ActionDo you know Paine Victorino? He is none other than the leader of the TRIANGLE. Join Honesty as she "unfortunately" becomes a part of a multinational organization, the TRIANGLE. Written since 2015. So please bear with my amateur writing. This is uned...