SPECIAL PART

30 1 0
                                    

NATHALIE’S POV

“Mommy, faster!” Dinig kong sigaw ni Natasha.

“Mommy, mommy—You need to wake up! Its daddy’s birthday!” Sigaw naman ni Nathan. Pagmulat ko ng mga mata ko ay ang kambal kong anak agad ang nakita ko.

“Good morning, mga baby ko!” Hahalikan ko sana silang pareho pero pareho rin silang umiwas.

“Mommy, hindi ka pa nag brush ng teeth mo!” Reklamo ni Natasha habang naka cross arm. Napailing-iling na lang ako.

“Okay, you two will wait mommy sa baba na lang ha! Mommy need to fix herself, okay!”

“Yes, mommy!” Sabay nilang ani at agad na lumabas ng kwarto, napangiti na lang ako bago magtungo sa banyo.

Nang maayos ko ang sarili ko ay agad akong bumaba, nakita ko namang nakaupo ang kambal ko sa sala kaya agad akong lumapit sa kanila. “I already brush my teeth na! Can I kiss my babies na ba?” Pareho silang tumango kaya naman mabilis ko silang niyakap at hinalikan. “Where’s your dad?”

“May aasikasuhin lang daw po, mommy,” napatango ako sa sagot ni Nathan. “By the way, mommy—may new friend po ako!”

“Really?!”

“Opo! Her name is Lee po, nakatira po s’ya sa malaking bahay sa tapat natin! “

“Isang Funtavelia?”

“I don’t know po! Basta she’s pretty and cute po!”

“I’m prettier kaya!” Sabat naman ni Natasha kaya napatawa ako ng mahina. “Mommy, I’m pretty naman po ‘di ba?”

“Of course, baby!”

“But Matthew told me that I’m not pretty raw po! Kamukha ko raw po si Fiona! “

“Maybe he’s just joking lang, anak! You’re pretty and kuya Nathan is handsome! “

“I love you po, mommy!” Sabay nilang ani.

“I love you, too, my babies!”

“Happy birthday, daddy!” Humalik ang dalawang bata sa pisnge ng daddy nila at saka sila yumakap. Agad din akong lumapit kay Carl at hinalikan ito sa labi.

“Happy birthday, my love!” 

“Thank you, wife!” Nagulat ako nang bigla n’yang kinagat ang tenga ko at bumulong.

“Sundan na natin si Nathan at Natasha, wife!”

“Ops, ‘wag muna HAHAHAHAHA tama na muna ‘yong kambal!” Mahina kong ani. “Hindi naman ikaw ang nanganganak eh!”

“Okay okay, ikaw ang boss!” Kinurot ko s’ya sa tagiliran kaya naman napadaing s’ya.

“Mommy, what are doing po?” Inosenteng tanong ni Nathasha.

“Nothing,baby! May kumagat lang sa daddy n’yo!” 

“Yes, baby—malaking ant!” Hinampas ko si Carl sa braso. “Ouch, wife!”

“Mommy, bakit mo po hinahampas si daddy? Birthday n’ya po ngayon!” Nangangaral na ani naman ni Nathan.

“Your daddy is makulit kasi, baby eh!” Napahagikhik naman ang kambal. “Maglaro muna kayo ng kapatid mo, baby—may pag-uusapan lang kami ng daddy mo!”

“Okay po, mommy!” Mabilis na tumabok ang dalawang anak ko papuntang playground nila, nakangiti ko naman silang tinatanaw, hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.

“Hey, wife! Why are you crying?” Nag-aalalang tanong ng asawa ko.

“I’m just happy. Look at them!” Itinuro ko ang kambal naming anak. “Ambilis nilang lumaki, love! Parang kailan lang hirap na hirap akong manganak sa kanila,” naramdaman ko ang pagyakap ni Carl mula sa likuran ko. “Sa sobrang bilis ng panahon, baka hindi natin mamalayan—mga dalaga at binata na sila!”

“Masyado ka namang advance, love! Hinay-hinay lang, bata pa sila Natasha at Nathan. And kahit pa naman magdalaga at magbinata na sila—baby pa rin natin sila!” Tumango-tangk ako.

“Ang cute talaga nila!”

“Saan pa ba magmamana?!” Nagulat kami nang may magsalita sa likod namin.

“Ella!” Mabilis akong yumakap kay Ella. “Hi, Matthew!”

“Sakit no’n, dre—hindi ako pinansin ng asawa mo!” Napairap ako dahil sa sinabi ni Marco.

“Arte mo uy!”

“Yah, daddy is so maarte talaga, tita Nath!”  Napatawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Matthew.

“Tamo, sang-ayon sa akin ’yang anak mo HAHAHAHAHHA kawawi!”

“You’re maarte rin naman!” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong magsalita si Natasha sa tabi ko, may pag-irap pa talaga s’ya.

“Stop bullying me, ugly!”

“What did you just call me?!” Akmang susugurin ni Natasha si Matthew pero pinigilab ko ito, kaya naman si Matthew ay tatawa-tawa.

“Okay, sorry,” mahinahong ani Matthew pero itong si Natasha ay umirap at nag walk out. Nagpipigil na lang ako ng tawa dahil nakikita ko ang sarili ko sa kan’ya.

“May pinagmanahan!” Bigla namang singit ni Reymark. Kaya naman inirapan ko silang lahat at saka nag walk out. “Mag ina nga!” Dinig ko pang sabi ng pinsan ko kaya napangiti na lang ako ng palihim.

Well, ako ata ang nag-iisang Nathalie Jane San Juan – Monsanto,  the lady in red. Iniiwasan ng karamihan noong college days, ngayon naman ay nawawala ang kaastigan sa asawa. But now, I can really say na I’m really really happy at kontento na ako sa buhay ko. Marami man kaming pagsubok na pinagdaanan, at least nanatili pa rin kaming matatag at masaya.





ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

A/N: OMG! After 3 years, ngayon lang ako nakapaglagay ng special part. This part is magiging connected kasi sa sequal ng story na ’to na ipu-publish ko next year. Again, thank you so much sa pagsuporta sa akin at sa mga stories ko. Anywaaayyyysss, meron po akong short stories na nakapublish din here sa wattpad account ko.

•On The Train Station (Tagpuan Series 1) (Completed)
•Sa Ilalim ng Buwan (Tagpuan Series 2) (Completed)
•Behind The Clouds (Tagpuan Series 3) (Completed)
•You'll Be Safe Here (Tagpuan Series 4) (Completed)

Andddddd....

Nandito rin po sa wattpad account ko ang mga poems and one shot stories ko

“Tala's Masterpiece” po ang title no’n and nando’n na po lahat ng poems and one shot stories:))))

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED) 🎉
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon