LUKE's POV
"Babi, may lakad ako," pagpapaalam ni Jane.
"Kasama mo siya?" Alam ko namang kasama nya na si Carl pero tinanong ko padin. Tanging tango lang ang isinagot nya. "Mag iingat ka ha, I love you," hinalikan ko siya sa noo.
"I love you too," sabi nya tyaka kumaway at tuluyan nang lumabas sa pintuan ng condo ko. Sa paglabas nya ay agad akong nagbihis at palihim ko siyang sinundan.
Simula nung araw na nag away kami at muntik pang umabot sa hiwalayan ay ginawa ko na ito at sa tuwing makikita ko silang dalawa ni Carl, makikita mo sa mga mata nilang dalawa na halatang mahal pa talaga nila ang isa't isa.
Sa pagsunod ko sa kanya ay hindi ko namalayang nandito na ako sa kompanya nila. Sa pagbaba nya ng kotse nya ay agad siyang sinalubong ni Carl.
Matamis na ngumiti si Jane sa kanya, isang ngiting hindi ko nakikita pag kaming dalawa lang ang magkasama.
"Sa pagdating ng ika tatlong buwan ng ating pagmamahalan, mahal ko. Ikaw na ay aking palalayain, mahirap, masakit, pero mas mahirap 'yung iisipin kong siya parin ang mahal mo," malungkot na sabi ko sa isip
--
CARL's POV
"Kamusta ang love life, ma'am?" Tanong ko kay Nathalie, umiling naman siya tyaka ngumiti at bumuntong hininga.
"Away bati," tumingin pa siya sa kawalan. "Sa loob ng magtatatlong buwan naming pagsasama hindi nawala ang pag aaway," tahimik akong nakinig sa kwento nya. "Pakiramdam ko kasi wala siyang tiwala sa akin," kasabay nang pagpikit ng mata nya ay ang pagtulo ng mga luha nya. "Monthsary na namin bukas pero pakiramdam ko.." pansamantala siyang tumigil tyaka siya tumingin sa akin. "Pakiramdam ko,wala na kaming ipagdidiwang, kasi nung gabing sinabi nya ang mga salitang iyon, para sa akin wala talaga, pinakawalan nya na ako ng gabing 'yun," lumuluhang sabi nya.
"Ako 'yung dahilan diba," pilit ngiting sabi ko,pero hindi nya ako sinagot. "Inom nalang tayo para mabawasan 'yang sakit na nararamdaman mo."
"Wag na, uuwi na ako," tanggi nya kaya naman hinayaan ko nalang siya.
--
NATHALIE's POV
Monthsary na namin ni Luke ngayon pero parang wala lang sa akin.
Nang tumayo ako ay isang bungkos ng rosas na nasa lamesa ang naka agaw ng pansin ko, nilapitan ko ito ay may nakita akong sobreng naka ipit dito, agad ko itong kinuha at binuksan tyaka ko binasa ang sulat sa loob.
"Happy 3rd monthsary, babi. Don't skip your breakfast, I love you. See you in the basketball court of Villa University, muah.
-Babi Luke❤"
Napaka sweet nya talaga. Natatakot akong saktan siya, pero anong magagawa ko, minahal ko siya pero mas lamang padin si Carl sa puso ko.
-TO BE CONTINUE-
#CHAPTER33_OF_TMNBATGPA
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
De TodoMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...