XIA's POV
Andito ako ngayon sa Villa University kung saan nag aaral si Carl.
Gusto ko siyang makita, gusto kong siyang mayakap ulit, gusto ko ulit matikman ang matamis niyang halik. I miss him so much.
Malayo palang sya ay natatanaw ko na siya kaya naman inayos ko ang sarili ko para sa muli naming pagkikita ay magugulat siya.
Nang malapit na siya sa akin ay naglakas loob akong tawagin sya.
"C-CARL!" agad naman siyang napalingon, lakas loob akong lumapit sa kanya, napakalakas ng kabog ng dibdib ko na para bang mabibinge ka sa sobrang lakas.
"Xia?" hindi makapaniwalang tanong nya. "Anlaki ng pagbabago mo," mabilis nyang pinasadahan ang kabuoan ko.
"I miss you, Carl," natigilan sya sa sinabi ko. "I want you back," palapit ako ng palapit sa kanya at kita ko naman ang pagtataka sa mukha nya.
Mabilis kong hinila ang batok nya at siniil siya ng halik at hindi naman ako nabigo dahil ginantihan nya ito.
"M-Mister Monsanto," pareho kaming natigilan nang may biglang nagsalita. "Pasensya kung naabala ko kayo sa ginagawa nyo."
---
NATHALIE's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, si Carl nakikipaghalikan sa isang babae. Ilang beses pa akong napalunok tyaka ako lumapit sa kanila at nagsalita.
"M-Mister Monsanto," pareho silang natigilan nang bigla akong magsalita. "Pasensya kung naabala ko kayo sa ginagawa nyo," pahingi ko ng paumanhin.
"O-Okay lang," parang nahihiyang sabi ng babae. "X-Xia Montefalco," pagpapakilala nya tyaka nya inilahad ang kamay nya.
"Nathalie Jane Wang San Juan," kinamayan ko siya. "Ako ang boss ni Carl at ako din ang may ari ng paaralang tinutungtungan nyo ngayon."
"Aw, okay," ngumiti pa sya "Kaano ano mo si Jhoanna Noraine San Juan?" pagtatanong nya, kilala nya pala ang kapatid ko.
"She's my sister," nakangiti kong sagot, kita ko naman ang gulat sa mukha ni Carl.
"Ow, small world"
"Sige mauuna na ako, see you tommorow, Carl," tinanguan lang ako ni Carl.
Paano nakilala ng babaeng yun ang kapatid ko. Dahil sa pagtataka ay agad kong tinawagan si ate Jhoanna.
"Oh napatawag ka, sissy?"
"Paano mo nakilala si Xia Montefalco?" hindi na ako napaligoy ligoy pa.
"Why?"
"Just answer my f*cking question, sissy!"
"Easy, she's the wife of my ex."
"WHAT?!" napakalandi naman ng babaeng yun, may asawa na nga lumalandi pa, Eerah ang peg teh, ang pinagkaiba lang nila ang nilalandi ni Eerah may jowa pero yung nilalandi nya wala, pero pareho padin silang malandi.
"Oh bakit ganyan ang reaksyon mo?" halata sa tono ng pananalita nya na nagtataka siya.
"Tsk!" inis na singhal ko "Eh paano nakitang kong nakikipaghalikan sa P.A. ko."
"WHAT?!" O.A. din amp,tulad ko. "Carl ba yung pangalan nung lalake?" luh paano nya nalaman yun.
"Oo, bakit?"
"Ex nya si Carl," What the f*ck!
"Sige ate ibaba ko na," hindi ko na sya hinantay pang makasagot, agad kong pinatay ang tawag ang mabilis na sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito pauwi.
-TO BE CONTINUE-
#CHAPTER6_OF_TMNBATGPA
TalaAtTheSky
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
De TodoMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...