NATHALIE's POV
"G-Good morning, Miss V-Vice President," nauutal na sabi ng isa sa mga empleyado ng kompanya namin, nginitian ko naman siya.
"Totoo nga ang sinasabi ng President nyo, kamukha ko nga talaga ang Vice President ng kumpanyang ito," my ghad! Ang hirap mag panggap. Tinanguan lang ako ng babae kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sa paglalakad ko ay hindi nawala ang bulong bulungan at tinginan ng mga tao sa paligid ko.
"Good morning, Miss Vice President," bati ng secretary ni ate,ngumisi naman ako. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Miss President," dagdag pa nya. "Samahan ko na po kayo sa kanya," tinaguan ko lang siya.
"Ah by the way, hindi ako ang Vice President nyo," kita ko sa mukha nya ang gulat nang sabihin ko iyon. "My name is Krige, Krige Malachi," pormal na sabi ko.
"Ay sorry po, akala ko po kasi kayo si Miss Nathalie."
"No, I'm not," may diing sabi ko.
"Andito na po tayo,kakatok lang po ako," tinaguan ko lang siya. Agad naman siyang kumatok tyaka nya binuksan ang pinto.
"Yes?" si ate.
"Andito na po si Miss Krige."
"Sige papasukin mo," agad naman akong pinapasok ng secretary pero laking gulat ko nang makita ko si Carl sa loob ng office ni ate. "Maupo ka, Miss Krige," hindi ko na pinansin si Carl agad na akong naupo sa tapat nya, oo sa tapat nya malamang.
"N-Nathalie," tila wala sa sariling banggit ni Carl sa pangalan ko.
"Hindi siya si Nathalie," naagaw ni ate ang atensyon ni Carl. "Kamukha nya lang ang kapatid ko," dagdag pa ni ate.
"Krige Malachi," pagpapakilala ko kay Carl tyaka ko inilahad ang kamay ko,kinamayan nya naman ako. "And you?"
"Carl, Carl Anthony Monsanto," ngumiti lang ako tyaka ko siya tinanguan.
"Siya ang makakasama mo sa project na gagawin mo, Carl," pareho kaming gulat na napalingon ni Carl kay ate,my ghad! Nananadya ba 'tong babaeng 'to.
"WHAT?!" pareho naming sabi ni Carl.
"Seryoso ka ba, Jhoanna?" tanong ni Carl, tumango naman si ate. "Sana hindi ka pa nababaliw!" inis na sabi ni Carl tyaka siya lumabas ng office ni ate.
"Walang galang!" inis na sabi ko. "Pero ate, seryoso ka ba talaga?"
"Yes, alam ko namang magkakasundo kayo," nakangiting sabi ni ate,baliw na talaga 'to. "Sumama ka sa akin, ihahatid kita sa pwesto mo," inis akong tumayo tyaka sumunod kay ate.
Hindi ko alam kung anong plano ng kapatid kong 'to, pag ako nabuking, patay talaga sa akin 'to.
-TO BE CONTINUE-
#CHAPTER23_OF_TMNBATGPA
TalaAtTheSky
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
RandomMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...