NATHALIE's POV
Today is Monday and for me this is the best day.
Mabilis akong kumilos para maka pasok ako ng maaga, sobrang exited ako ngayon dahil magiging P.A. ko na ang isa sa mga anak ng mga Monsanto.
Oo kilala ko ang mga Monsanto, sila ang pamilyang kinaiinisan ng pamiya ko dahil sila raw ang nagtakang nakawan ang pera ng kumpanya namin pero hindi sila nagtagumpay.
Nang makarating ako sa school ay agad kong tinawagan si Carl.
"Hello, ma'am?" ewan ko pero para sa akin ang cute ng boses nya.
"Asan kana?"
"Asa likod nyo po," natigilan ako sa sinabi nya. Agad kong pinatay ang tawag at pumihit ako paharap sa kanya.
"Good morning, ma'am Nathalie," nakangiting bati nya pa, ginantihan ko naman siya ng isang matamis na ngiti.
"Good morning," pabalik na bati ko. "Siguro naman alam mo na ang trabaho ng isang P.A."
"Oo naman, yes, ma'am," masiglang sabi nya, ang cute nya grabe.
"Tsk!" inis na singhal ko. "Ito ang tatandaan mo, hindi porke bestfriend mo na ang pinsan ko ay magiging bestfriend mo na rin ako at ito pa, sa harap man ng ibang tao o tayong dalawa lang ang magkasama lagi mong tatandaan na 'ako' ang 'boss' mo at 'ikaw' ang 'P.A.' ko."
"Opo," hindi padin nawawala ang ngiti sa labi nya. "Bakit ba napakasungit ng babaeng 'to," dinig kong bulong nya.
"Masungit talaga ako, Mister Monsanto kaya wag mo akong susubukan," napakalakas kasi ng bulong nya kaya dinig na dinig ko yun. "Sa susunod hinaan mo yung bulong mo para hindi ko marinig."
"Sorry po."
"Tch!"
---
XIA's POV
Napapikit pa ako habang nilalanghap ang hangin sa labas ng eroplanong kani-kanina lang ay sinakyan ko.
'Finally, I'm back'
Mabilis kong hinanap si Leah at hindi naman ako nabigo dahil agad siyang nahagip ng mata ko.
Nakangiti nya akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap.
"I miss you, ate," kita ko ang labis na tuwa sa mga mata nya. "Ready ka na bang makita ang ex mo?" nanunuksong sabi nya habang naglalakad kami palabas ng airpot.
Ang tinutukoy n'yang ex ko ay si Carl Anthony Monsanto at alam ko sa sariling kong mahal ko pa siya pero dahil sa nalugi ang negosyo nila ay kailangan ko siyang hiwalayan dahil yun ang gusto ng mga magulang ko para raw hindi masira ang image namin.
Nabalitaan ko pa noon na hindi siya kaagad nakapag college dahil nga nalugi ang negosyo nila at dahil nga magbestfriend sila ni Marco ay tumigil din muna sa pag aaral si Marco samantalang si Reymark naman ay sa ibang bansa nag aral tulad ko.
Two years lang ang course na kinuha naming lahat, Bussiness Management. Kaya this year na sila gra-graduate at yun ang dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas.
'I want him back'
---
ZIA's POV
Nang makarating ako rito sa school ay agad kong hinanap si Kuya, mabilis ko naman siyang nakita. Agad kong inaninag kung sino 'yung babaeng kausap nya at laking gulat ko nang makita ko kung sino ito. Si Nathalie, kaya pala sabi ni mommy alamin ni kuya ang lahat ng myembro ng pamilya ni sir Jacob at ma'am Natasha. Ngayon alam ko na kung bakit galit na galit si mommy ka kuya kagabi.
"Zia!" Gulat akong napalingon sa likuran ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Si Rozey pala. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong nya.
"Kinausap ko lang si kuya," pagsisinungaling ko.
"Haluh,bakit hindi mo ako sinama?" Malungkot na sabi nya, may gusto kasi siya kay kuya.
"Pasensya na,masyado kasing personal 'yung pinag usapan namin."
"Ah ganon ba?" Tinanguan ko siya. "Tara na, baka malate tayo," tinanguan ko naman siya tyaka kami naglakad papunta sa classroom namin.
Ano ba 'tong pinasok ni kuya, jusko pag nagkataon gulo 'to.
-TO BE CONTINUE-
#CHAPTER5_OF_TMNBATGPA
TalaAtTheSky
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
RandomMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...