CARL's POV
Nang mawalan ng malay si Nathalie ay agad ko siyang binuhat.
Inilabas ko siya sa kwarto nya dito sa bar at nang lumabas kami ay napakarami ng tao sa loob ng bar at pinagtitinginan kami ng mga ito pero wala akong pake.
Pagkalabas namin ng bar ay dahan dahan ko siyang isinakay sa kotse nya si Nathalie
"Umuwi kana," sabi ko kay Zia, tinanguan nya naman ako.
"Teka kuya!" nilingon ko siya. "Pa'no ang motor mo?" lumingon pa siya sa paligid. "Asaan nga pala?"
"Pinauwi ko na kay Reymark, sige na sibat na," muli nya ako tinanguan. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako sumakay sa kotse ni Nathalie tyaka ko ito pinaharurot pauwi sa bahay nila.
Nang makarating kami sa bahay nila ay agad naman akong pinagbuksan ng guard nila.
Nang mai-park ko ang kotse ay bumaba ako at dahan dahan ko muling binuhat si Nathalie, ngunit laking gulat ko nang biglang lumabas si nay Teresa sa bahay nila.
"Naku, ang batang ito talaga. Pakipasok nalang siya sa kwarto nya," tinanguan ko naman si nay Teresa.
Nang makarating ako sa kwarto nya ay dahan dahan ko siyang inihiga sa kama nya bago ako maupo sa tabi nya.
"Hindi ko inaakalang 'yung Nathalie'ng unang nagpatibok ng puso ko ay ikaw," hinaplos ko pa ang buhok nya. "Napakalaki ng pinagbago mo, from weird girl to.." sandali akong napatigil at mabilis na pinasadahan ang kabuoan nya. "Hindi na kita nakilala, Nathalie," ngumiti pa ako "Ibang iba kana."
Tatayo na sana ako nang bigla nya akong hawakan sa braso kaya naman nilingon ko siya, nakatulog padin siya.
"Dito kalang, wag mo akong iiwan," tsk,nagsasalitang tulog.
"Uuwi na ako," nilapitan ko siya tyaka ko siya hinalikan sa noo. "I love you," tuluyan na akong lumabas ng kwarto nya tyaka ako nagpaalam kay nay Teresa.
Mabilis kong tinawagan si Zia para magpasundo dito.
"Oh kuya!" galit pa ata amp.
"Tsk, pasundo ako dito kila Nathalie."
"Baliw ka talaga eh, kung sinama mo na sana ako dyan edi sana--"
"Pumunta ka nalang dito!" pagputol ko sa sinasabi nya
"Oo na, papunta na, ibaba ko na."
Matapos ang tawag ay sumandal muna ako sa poste at nagsindi ng yosi. Ilang minuto ang nakalipas ay may narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Napapadalas ang paghatid mo sa kapatid ko ah!" si Jhoanna. "Are you smoking?" pagtatanong nya, hindi ba halata, tsk.
"Hmm.."
"Ang tipid mong sumagot ah," nilingon ko siya. "Do'n sa kagabi, I just want to say sorry," tinanguan ko lang siya, magsasalita pa sana siya pero biglang dumating si Zia.
"Arat kuya!"
"Ako magdri-drive," tinanguan nya naman ako. "Jho, alis na kami," tinanguan naman ako ni Jhoanna. "Kapit!" utos ko kay Zia, mabilis nya naman iyong sinunod kaya naman mabilis kong pinaharurot ang motor pauwi.
-TO BE CONTINUE-
#CHAPTER14_OF_TMNBATGPA
TalaAtTheSky
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
AlteleMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...