NATHALIE's POV
Nakangiti akong bumangon ngayong araw sapagkat ito ang pinaka-espesyal na araw para sa akin.
Humarap ako sa salamin at tyaka ko tinignan ang kabuuan ko.
"Happy 18'th birthday to you, Nathalie Jane San Juan."
Agad akong pumasok sa banyo para mag ayos dahil may pasok ako ngayon. Madami rin akong aasikasuhin after class.
Matapos kong asikasuhin ang sarili ko ay bumaba na ako para mag almusal.
"Good morning, anak. Happy birthday," nakangiting bati ni nay Teresa sa akin.
"Good morning po, nay. Salamat po sa pagbati, asan po si ate?" dapat kasi nandito 'yun sa hapagkainan dahil gusto nya sabay kami laging kumakain.
"Naku ija! Maagang umalis ang ate mo dahil may aasikasuhin daw para sa party mo," ngiting ngiting sabi ni nay Teresa.
Tulad ng nakasanayan ko ay matapos kong kumain ay pumasok na ako sa school.
Nang maiparada ko ang kotse ko ay agad akong naglakad ngunit sa aking paglalakad ay may biglang humila sa akin.
Anlakas ng kabog ng dibdib ko, gan'to rin 'yung kabog ng dibdib ko nung isang linggo.
"Nagulat ka ba?" Sh*t, si Carl lang pala. Sasagot pa sana ako pero laking gulat ko nang siniil nya ako nga halik.
Gusto kong tumigil pero meron kung anong parte na nagsasabing ituloy ko ito. Tinugon ko ang halik nya, napakalambot ng labi nya,parang may kuryenteng dumadalaw sa aking katawan dahil sa aming paghahalik.
Natigil lang ang paghahalikan namin nang pareho kaming mawalan ng hininga, tumingin ako sa mga mata nya at hindi ako nakakita ng guilt.
"B-Bakit mo g-ginawa 'yun," nahihiyang tanong ko, pero sa halip na sagutin nya ako ay muli nya akong siniil ng halik, muli ko naman iyong tinugon, naging mapusok ang kanyang paghalik, ngunit nang kagatin nya ang pang ibabang labi ko ay mahina ko siyang itinulak. "May klase pa tayo," mahinang sabi ko tyaka ako naunang naglakad,dinig ko naman ang pagtawa nya ng mahina.
"Nathalie, wait!" dinig kong pagtawag nya ngunit hindi ko siya nilingon dahil nahihiya na ako, sobra?
-TO BE CONTINUE-
#CHAPTER18_OF_TMNBATGPA
TalaAtTheSky
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
RandomMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...