SPECIAL CHAPTER 1

358 7 0
                                    

Patrick and Jhoanna (Riri and Nana)

JHOANNA's POV

Nang matapos ang kasal ni Nathalie ay dumeretsyo kaming lahat sa reception. Habang kumakain ako ay biglang lumapit sa akin si Patrick.

"Nana," pagtawag nya sa akin, agad ko naman siyang nilingon.

"Riri," nginitian ko siya. "Ano kailangan mo?"

"Sama ka sa akin," inilahad nya pa ang kamay nya kaya naman kinuha ko ito tyaka ako tumayo. "Tara?" Pagtatanong nya, tinanguan ko naman siya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Takang tanong ko pero hindi nya ako sinagot sa halip ay nginitian nya lang ako. "Aish!" Daing ko tyaka yumuko, muli kong itinaas ang tingin ko nang huminto kami sa paglalakad at nakita ko sa harapan ko ay isang napakagandang lugar.

"Jhoanna Raine San Juan, can I court you again?" Tanong nya dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, at sa kung tutuusin ang gusto ko sanang itanong ay 'will you be my girlfriend?' Kaso naisip ko, gusto kitang ligawan ulit, tulad ng dati. Gusto kong araw-araw kita dadalawin, bibigyan ng bulaklak o ng chocolate," nakangiting sabi nya.

"Hindi ka parin nagbabago, ikaw parin 'yung Riri'ng minahal ko."

"Ay sus, HAHAHAHAHA. Tara na balik na tayo," kumunot naman ang noo ko.

"Balik agad? Ang ganda kaya ng view dito."

"Babalik tayo rito mamaya, kasal kaya ng kapatid mo ngayon, kaya tara na," tinanguan ko nalang siya tyaka kami naglakad pabalik sa reception.





A few months later..

"Riri," pagtawag ko kay Patrick.

"Hmm."

"Sinasagot na kita," nakangiting sabi ko.

"Ha?"

"Sinasagot na kita," pag uulit ko sa sinabi ko kanina.

"Ano ulit? Hindi ko marinig eh," nagsalubong naman ang kilay ko.

"Ang sabi ko, sinasagot na kita!" May diing sabi ko.

"Hindi ko talaga marinig eh," sa inis ko ay nakurot ko siya. "Arayy!" Daing nya.

"Bahala ka nga!"

"Joke lang, I love you, Nana," hinawakan nya ang pisngi ko tyaka nya hinalikan ang noo ko.

"I love you too, Riri."






2 years later...

"Umire ka pa misis," utos sa akin ng doctor kaya naman umire pa ako ng umire. "Konti nalang misis, ire pa," muling utos nya at ilang saglit pa narinig ko na ang anak ko. "Babae po ang anak nyo, misis," napangiti naman ako. "Maya-maya po ililipat na kayo sa private room."





A few hours later..

Nagising ako na nasa loob na ako ng isang kwarto.

"Riri," inuga ko pa si Patrick para magising siya at hindi naman ako nabigo. "Asan ang baby natin?"

"Ihahatid daw ng nurse mamay--oh andyan na pala eh," napalingon naman ako sa pintuan at nakita ko doon ang nurse na karga karga ang anak ko.

"Ito na po ang baby nyo," nakangiting sabi ng nurse tyaka nya ibinigay sa akin ang anak ko. "Pwede ko po bang matanong ang pangalan nya?" Tumingin pa ako kay Patrick tyaka ko siya nginitian.

"Patricia Jeselle San Juan Santiago," nakangiting sagot ko.

"Ang ganda po ng pangalan nya," ngumiti pa ang nurse. "Sige po, maiwan ko muna po kayo," tinanguan naman namin ang nurse kaya lumabas na siya ng kwarto.

"Ang ganda ng pangalan nya," nakangiting sabi ni Patrick, nginitian ko rin siya.

"Atee!!" Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Nathalie. Kasama nya si Carl at ang kambal na anak nya. "Kamusta ang lagay nyong mag ina?" Tanong nya.

"Ayos naman kami," tumango naman si Nath.

"Anong pangalan ng baby nyo?" Nilingon ko pa ang anak ko bago ako sumagot.

"Patricia Jeselle San Juan Santiago," nilaro ko pa ang daliri ni Patricia.

"Ang ganda ng pangalan nya," sabat ni Carl. "Congrats nga pala, ate, kuya."

"Hanggang ngayon naninibago parin ako sa pagtawag mo sa akin ng ate," natatawang sabi ko. "Mas sanay akong tinatawag mo ako sa pangalan ko," dagdag ko pa.

"Naku, masanay kana ate," natatawa ring sabi ni Nath. "Say hi to your cousin, babies," kausap ni Nath sa mga anak nya.

"Hi baby Pat," nakangiting bati ni Natasha Zoe.

"Hi baby Pat," bati rin ni Nathan Charles.

"Maupo muna kayo," utos ko sa kanila, agad naman nila iyong sinunod. Samantalang ako ay pinagmasdan lamang ang anak ko.

Hindi ko na mahintay na lumaki ka, anak.











The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon