CHAPTER 47

317 12 0
                                    

ZIA's POV

"Tonet!" Pagtawag sa akin ni kuya, agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. "Halika dito, may sasabihin ako."

"Tsk, ikaw mag adjust," taas kilay kong sabi, wala naman siyang nagawa kundi sumunod nalang sa akin. "Oh ano ba 'yung sasabihin mo?"

"Lahat ay alam na ang gagawin kong sorpresa para kay Nathalie, ikaw nalang hindi. Kaya ito ako ngayon sinasabi sa'yo ang plano kong pag sorpresa sa 'girlfriend' ko" talagang diniinan nya pa ang salitang 'girlfriend'.

"Aw okay," nakangiting sabi ko tyaka siya tinalikuran.

"BASTOS!" Dinig ko pang sigaw ni kuya pero hindi ko na siya nilingon.

--

NATHALIE's POV

Pagsapit ng gabi ay masaya kaming gumawa ng apoy at umupo sa palibot nito. Habang kumakanta ang iba ay parang hindi mapakali si Carl.

"Okay ka lang, love?" Kunot noo kong tanong. "Hindi ka kasi mapakali eh."

"Aish!" Singhal nya. "Guys, tara na!" Pagtawag nya sa mga kasama namin.

Saan naman kaya kami pupunta? Aish! Ang lalakeng 'to.

"Kayo na ang bahala kay Nathalie," dagdag pa niya tyaka siya tumakbo papalayo.

"Saan pupunta 'yun?" Takang tanong ko.

"Basta, halika na!" Sabi ni ate Jhoanna tyaka nya ako hinila, sumunod naman sa amin ang mga kasama namin. Ngayon ko lang napansin na wala nanaman pala 'yung ibang boys. "Andito na tayo!" Gulat akong napalingon sa harapan nang magsalita si ate Jhoanna.

Napakaganda ng lugar na pinagdalhan nila sa akin. Andaming petal ng red and white roses sa buhangin. May napakagandang upuan sa gitna, may mga napakagagandang ilaw sa paligid at may mga lamesa at upuan sa magkabilang gilid malapit sa upuan na nasa gitna, napakaganda.

"Binibini, maari ko bang hawakan ang iyong kamay upang ikaw ay aking maalalayan patungo sa iyong napakagandang upuan?" napatingin ako kay Reymark nang magsalita siya, nakita kong nakalahad ang kamay nya kaya naman iniabot ko ang kamay ko. Inalalayan nya ako hanggang sa makarating ako sa napakagandang upuan sa gitna.

"Salamat," nakangiting sabi ko.

"Walang anuman, binibini."

Ilang saglit ay may narinig ako tunog ng gitara at nang ilang saglit pa ay nakita ko na kung sino ang tumutugtog ng gitara, si Carl.

"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, Nating dalawa."

Napakaganda talaga ng boses nya, talagang mabibihag nito ang puso mo.

"Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata
Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, Nating dalawa
Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo
Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik."

Patuloy lang siya sa pagkanta. Napakaswerte ko talaga sa lalakeng ito. Hindi nawala ang paningin ko sa kanya hanggang sa matapos nya ang kanta. Lumapit siya sa akin tyaka nya ako niyakap. "Happy monthsary, love."

"Hindi ko inaakalang gagawin mo 'to," nakangiti kong tinugon ang yakap nya. "Happy monthsary, love. I love you."

"I love you too. Napaka-swerte ko dahil meron akong Nathalie Jane San Juan sa buhay ko," kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.

"Mas maswerte ako dahil meron akong Carl Anthony Monsanto sa buhay ko," nakangiting sabi ko.

--

CARL's POV

Kita ko ang saya sa mga mata ni Nathalie nang makita nya ang lahat ng ginawa ko para sa kanya, para sa monthsary namin.

"Ikaw lahat ang may gawa nito?" Tanong nyo.

"Ako ang nagplano, pero sa pag aayos, tinulungan ako ng ibang boys," sagot ko, tinanguan nya naman ako. "Gusto ko kasing maging espesyal ang araw na 'to para sa napaka espesyal na tao sa buhay ko."

"Thank you, thank you so much, Love."

"Para saan?"

"Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, salamat dahil minahal mo 'ko, salamat," niyakap nya ako. "Mahal na mahal kita, Carl."

"Mahal na mahal din kita, Nathalie."

"TAMA NA 'YAN!" Dinig naming sigaw ni Reymark. "Nagugutom na ako eh!" Napatawa nalang kami ni Nathalie tyaka kami parehong kumawala sa yakap.

"Kakaiba talagang ang pinsan kong 'yan," natatawang sabi ni Nath.

"Hayaan na natin, gutom na raw eh, HAHAHAHA."

"Kain na rin tayo," tinanguan ko siya tyaka ko siya inalalayang tumayo. "Salamat."

Ang sarap sa feeling na napasaya mo 'yung pinaka-special na tao sa buhay mo.

-TO BE CONTINUE-

The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon