CHAPTER 4

623 19 0
                                    

CARL's POV

Halos umakyat ang dugo ko sa ulo nang makita ko ang babaeng nabunggo ko sa parking lot ng school.

"Kung ikaw lang din ang magiging boss ko, wag nalang!" inis na sabi ko tyaka ko siya tinakuran.

"Hey!" pagpigil nya sa akin at nang lingunin ko siya ay nasa harap ko na siya, grabe kamag anak ata 'to ni flash eh. "Ikaw rin, hahahaha," nakakairita ang tawa nya. "Sayang yung sweldo, malaki laki rin yun at makakatulong yun sa pag aaral mo," ngumisi pa siya,medyo tama nga naman siya.

"Okay fine! By the way ano nga palang pangalan mo at kailan ako magsisimula?"

"Hey matuto kang gumalang,. remember 'boss' mo na ako ngayon."

"Okay, ano nga 'po' palang pangalan nyo at kailan 'po' ako magsisimula?" binigyan ko pa siya ng nakakairitang tingin.

"Yun! Ako lang naman si Nathalie Jane Wang San Juan, ang may ari ng cafeteria'ng ito, ng SJ company at ng school na pinapasukan mo. Tapos magsisimula kang magtrabaho sa Monday," what the f*ck! Isa pala siyang San Juan, anak pala siya ng taong kinaiinisan ng pamilya ko.

"Isa ka palang San Juan," wala sa sariling sabi ko.

"Yes isa akong 'San Juan', Mister Monsanto," ngumisi pa siya. "See you on Monday," naglakad na sya palayo at iniwan nya ako ditong nakatayo.

Damn that girl! I hate her! Wala siyang pinagkaiba sa mga magulang niya. Mga matapobre!

Dali dali akong umalis sa lugar na kinatatayuan ko pero laking gulat ko nang makita ko si mommy sa labas, masama ang tingin nya sa akin.

"Mommy bakit--" naputol ang sasabihin ko nang bigla nya akong sampalin. "Why did you do that, mom!" Sabi ko habang hawak hawak ang pisngi ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na isang 'San Juan' ang kikitahin mo!" Halata sa tono ng pananalita ni mommy na galit siya. "Carl naman, alam mo naman kung ano ang ginawa ng mga San Juan sa atin!"

"Mommy, hindi ko po alam na San Juan si Nathalie."

"Wala akong pakealam! Ngayon umuwi na tayo!" napasunod nalang ako kay mommy, ayaw ko na kasing magalit pa siya.

---

REYMARK's POV

"Oh kamusta ang lakad mo?" tanong ko kay Nath nang mahagip ko siya sa gilit ng mata ko, huminto naman siya bago nya akong sagutin.

"Ayos naman, mukhang makakasundo naman kami," sabi nya tyaka nagpatuloy sa paglalakad, agad ko namang tinawagan si Carl para alamin ang nangyari.

"Hey Carl!"

"Gag* ka dre! Bakit hindi mo sinabi sa akin na San Juan pala yang pinsan mo!" nagulat ako sa tono ng pananalita n'ya.

"Ulol ka, dre baka nakakalimutan mo 'San Juan' ang middle name ko at ano naman kung San Juan si Nath."

"Sige dre, see you on Monday."

Nagulat ako sa inasal ni Carl, bakit parang napaka big deal sa kanya na hindi ko sinabi na San Juan si Nath, tyaka dapat alam nya 'yun kasi nga pinsan ko si Nath at alam nyang San Juan ang middle name ko.

---

ZIA's POV

"Mom, hindi ko talaga alam na San Juan s'ya!"

"Sa susunod kasi alamin mo ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Jacob at Natasha!"

Dinig na dinig ko ang sagutan nila mommy at kuya sa baba, marahil nagtataka kayo kung bakit ganon nalang ang galit ng pamilya namin sa mga San Juan, yun ay dahil sila ang dahilan kung bakit nalugi ang kumpanya namin.

Pero hindi ako ganon kagalit sa mga San Juan, dahil nainlove ako sa isang San Juan,oo sa isang San Juan at ang pangalan nya ay Reymark San Juan Reyes. Anak siya ng kapatid ni Mister Jacob San Juan, ang daddy ni Nathalie, oo alam kong San Juan si Nathalie at alam kong siya ang nagmamay ari ng school na pinapasukan namin ni kuya, ang Villa University.

Walang nakakaalam ni isa sa pamilya ko na may gusto ako kay Mark, bestfriend ni kuya si Mark. Natatakot kasi ako na baka pag nalaman nilang may gusto ako kay Mark ay hindi nila ako pag aralin at igrounded nila ako sa lahat ng bagay at yun ang ayaw kong mangyari.

"Mom, kuya!" Pareho naman silang napatingin sa akin. "Tama na 'yan, maabutan pa kayo dyan ni dad, eh," pag aawat ko sa kanila.

"Binabalaan kita, Carl!" Inis padin ang tono ng pananalita ni mommy. Muli nya pa kaming sinulyapan ni kuya bago siya umakyat sa taas.

"Ano ba kasing nangyari, kuya?" Tanong ko kuya.

"Hindi ko alam na San Juan pala 'yung pinsan ni Reymark," napakamot pa siya sa ulo, binatukan ko naman siya. "Bakit mo ginawa 'yun?" Kunot noo nyang tanong.

"Baka nakakalimutan mo 'San Juan' ang gitna ni Reymark."

"What the, oo nga pala!"

"Tsk, isip isip din," tumawa pa ako bago ako nagtungo sa kusina upang maghanap ng pagkain.

-TO BE CONTINUE-

CHAPTER4_OF_TMNBATGPA

TalaAtTheSky

The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon