NATHALIE's POV
"Long time no see, Jane," naka cross arm na sabi ni Luke. Si Luke ay bestfriend ko at childhood crush ko, siya lang ang tumatawag sa akin ng Jane. Kung Jane ang tinawag nya sa akin kanina at hindi Nathalie ay baka nakilala ko siya agad.
"Andito kana pala sa Pilipinas," natutuwang sabi ko, tinanguan nya naman ako. "May girlfriend kana?" Tanong ko pero inilingan nya lang ako.
"Kilala mo naman kung sino ang gusto ko diba," nakangiting sabi nya.
"Hindi ah, hindi mo kaya sinabi," nakangusong sabi ko, pinitik nya naman ang noo ko tyaka nya ginulo ang buhok ko.
"Si Nathalie Jane San Juan ang babaeng gusto ko," nagulat pa ako nang bigla nya akong hinalikan sa pisngi.
"B-Bakit mo g-ginawa 'yun," nagtatakang tanong ko pero hinawakan nya lang ang kamay ko tyaka nya ako hinila kaya wala akong nagawa kundi maglakad nalang at sumunod sa kanya habang magkahawak ang kamay namin.
"Hihintayin nalang kita dito," nakangiting sabi nya, andito kasi kami sa tapat ng kotse nya. "Pakisabi nalang kay ate Jho na andito na ako," tinguan ko lang siya tyaka ako naglakad pabalik ng opisina.
Nang makarating ako sa loob ay dinig ko ang sobrang lakas na sigaw ni Leah.
"HAHAHAHA, alam nyo ba na si Krige Malachi ay walang iba kundi si Nathalie Jane San Juan," kita ko ang gulat sa mga mata ng empleyado namin, pero syempre hindi ako magpapatalo.
"Kahit ipagkalat mo pa na ako si Nathalie Jane San Juan ay wala na akong pakealam," gulat na gulat si malandi. "Dahil alam ko na kung sino ang nagtangka sa buhay ko at walang iba kundi kayong dalawa ng kapatid mong malandi!" Gigil na sabi ko. Oh ano ka ngayon, HAHAHAHAH.
--
LEAH's POV
"Asan si Jhoanna!" Malakas na sigaw ko.
"Bakit mo ako hinahanap?" San Juan ka nga talaga.
"Napakagaling nyong magtago ng sekreto," kumunot naman ang noo nya dahil sa sinabi ko. "HAHAHAHA, alam nyo ba na si Krige Malachi ay walang iba kundi si Nathalie Jane San Juan," kita ko ang gulat sa mga mata ng empleyado nila.
"Kahit ipagkalat mo pa na ako si Nathalie Jane San Juan ay wala na akong pakealam," gag* ang bilis namang nakarating nito dito. "Dahil alam ko na kung sino ang nagtangka sa buhay ko at walang iba kundi kayong dalawa ng kapatid mong malandi!" Gigil na sabi nya."Wag na wag mo akong susubukan, Leah," nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang naka pamulsa sa pantalon nya ang dalawang kamay nya. "Tulad nga ng sinabi ko sayo kanina, Montefalco ka lang, San Juan ako," sa sobrang pagkapahiya ko ay tumakbo ako papalabas, dinig na dinig ko naman ang mga tawanan nilang lahat.
-TO BE CONTINUE-
#CHAPTER27_OF_TMNBATGPA
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
RandomMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...