CHAPTER 1

1.3K 29 0
                                    

NATHALIE's POV

"Good Morning, nak," nakangiting bati sa akin ni nay Teresa, matagal na s'yang naninilbihan sa amin. S'ya ang nag alaga kay daddy noong bata pa s'ya at s'ya din ang nag aalaga sa akin simula pagkabata hanggang ngayon.

"Good Morning din po, nay," pabalik na bati ko. "Ah nay, pag dumating po dito si Reymark, paki asikaso po ha, salamat po."

"Oh sige, anak oh sya kumain kana para makapasok kana."

"Sabay na po tayo!"

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako para pumasok sa paaralang pagmamay-ari din ng pamilya namin. Si lolo ang kasalukuyang dean sa paaralan.

Magpapakilala muna ako, ako si Nathalie Jane Wang San Juan, half Chinese, half Pilipino at hindi mo gugustuhing makaaway ako dahil pwedeng pwede kitang patalsikin sa mundo.

Hindi na bago sa akin ang mga bulong-bulungan tuwing papasok ako at hindi naman ako ganon kasungit o kamaldita tulad ng inaakala nila.

"Nathalie!" si Angelyn, she's one of my bestfriends. "Good morning!" nakangiting bati nya pa

"Good morning, asan si Ella at Loraine?"

"Oh bruha,hinahanap mo kami?" si Ella. "Pinakaguluhan kasi kami ng boys sa labas eh, hahahah."

"Tsk, nevermind. By the way dadating si Reymark," alam kong gustong gusto nilang marinig yun, lalong lalo na si Loraine dahil may gusto sya kay Reymark.

"Oh really?!" si Loraine, kita nyo na OA di ba. "Omooo, makikita ko nanaman ang baby koooo!!" oh sabi sa inyo eh.

By the way gusto ko din ipakilala sa inyo ang mga bestfriend ko, una si Angelyn Cruz kilala din ang pamilya nya sa lahat ng lugar, sunod si Ella May De Villa childhood friend ko magkaibigan din ang mga magulang namin simula high school, and last si Loraine Salvador high school bestfriend ko,sinasabi ng iba kami daw ang girl version ng F4, dahil nga apat kami, solid, malalakas ang dating at kilalang kilala ang mga pamilya namin.

Natapos ang morning subject namin at lunch na, napagpasyahan naming magkakaibigan na sa labas na ng school mag lunch.

Habang naglalakad kaming apat papunta sa parking lot ng school ay may biglang nakabunggo sa akin, inis ko syang tinignan at kita ko ang gulat sa mga mata nya.

"Sorry po, miss," paghingi nya ng tawad. "Hindi ko po sinasadya."

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo, tabi nga dyan!" galit na sabi ko, napapahiya naman syang tumabi.

"Okay ka lang, Nath?" Tanong ni Angelyn,tinanguan ko naman siya.

"Kilala mo ba 'yun?" Tanong naman ni Ella.

"Hindi, pero familiar siya sa akin," sinulyupan ko pa saglit 'yung lalakeng nakabunggo sa akin. "Alam ko, nakita ko na siya noon eh," napaisip pa ako. "Hindi ko lang alam kung saan."

"Tsk, hayaan mo nalang 'yun," tinanguan ko naman si Loraine tyaka ako tumango.

Habang naglalakad kaming apat ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"Teka lang!" Pagpigil ko sa kanila,taka naman nila akong tinignan. "Tumatawag si Reymark, sasagutin ko lang," agad naman nila akong tinanguan.

"Hi my lovely cousin, andito nga pala ako sa school nyo ngayon," lumingon lingon naman ako sa paligid ko, baka sakali kasing makita ko siya.

"Saan banda?" Pagtatanong ko. "Hindi kita makita."

"Sa bahay nalang tayo magkita, 'wag mo na akong hanapin dito sa school."

"Sige."

Matapos no'n ang hinung-up ko na ang call at muli akong bumalik sa mga kaibigan ko.

"Anong sabi ni Reymark?" Tanong ni Loraine.

"Andito raw siya sa school pero sabi nya sa bahay na raw kami magkita," sagot ko, tinanguan naman nila ako. "Sa canteen nalang tayo mag lunch, nawalan na ako ng ganang lumabas."

"Hayyssttt, sige na nga," natawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Loraine.

Nang makarating kami sa canteen ay agad kaming nagtungo sa pwesto namin pero laking gulat ko nang makita kong kumakain doon ang lalakeng nakabunggo sa akin.

"Alis!" Inis kong sabi pero hindi nya ako nilingon. "ALIS SABI EH!" Sigaw ko tyaka ko hinampas ang lamesa, napatingin naman sa amin ang lahat ng tao sa loob ng canteen. "Walang cine dito!" May diing sabi ko, mabilis naman silang nagsibalik sa mga ginagawa nila kanina. "Umalis ka dyan, dahil pwesto namin 'yan!"

"Ako nauna eh, ano pa bang magagawa mo," aba! Malakas ang loob ng isang 'to. "Porke mayaman ka ganyan ka na?" kunot noo nyang tanong.

"Hindi mo ako kilala, mister," taas kilay kong sabi.

"Wala akong pakialam kung sino ka!" Inis na sabi nya tyaka tumayo. "Pwesto mo 'to diba, sige dyan ka!" Nagulat ako nang biglang nya akong itinulak sa upuan.

"How dare you?!" Gigil na gigil na sabi ko.

"How dare you'hin mo mukha mo!" May diing sabi nya tyaka naglakad papalabas ng canteen.

"Okay ka lang, Nath?" Tanong ni Angelyn.

"Kung ikaw itulak ko ng ganon, magiging okay ka?!" Inis paring sabi ko. "Umorder na kayo, kung ano 'yung sainyo, ganon na din 'yung akin," tinanguan naman nila akong tatlo tyaka sila naglakad papunta sa pili.

May araw ka rin sa akin!

-TO BE CONTINUE-

#CHAPTER1_OF_TMNBATGPA

@TalaAtTheSky

The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon