CARL's POV
Ito ang pinakamasayang monthsary namin ni Nathalie para sa akin. Masasabi kong napaka-engrande nito. Nang matapos ang simpleng salo-salo ay nag ayos na kami at muling bumalik sa pinang-galinggan namin kanina.
"Guys," lahat kami ay napalingon kay Zia, kasama nya si Reymark at si...Rafael?
"Anong ginagawa nyan dito?" Takang tanong ni Luke.
"Hindi siya manggugulo, okay," pagpapakalma ni Zia. "Sa totoo lang ay nandito siya para humingin ng tawad--"
"Ganon nalang kadali sayo 'yun, Zia!" Inis na sabi ko.
"Ano ba?! Manahimik nga kayo!" Nagulat ako nang biglang tumayo si Nathalie. "Sa tutuusin nga ay kinalaban ni Rafael ang sarili nyang pinsan para lang ipagtanggol si Zia!" May diing dugtong nya pa. "Sinugal nya rin ang buhay nya para ipangtanggol ang kapatid mo, Carl!" Galit na ang tono ng pananalita ni Nathalie. "Kilala ko si Rafael dahil kababata ko siya, 'bestfriend' namin siya ni Zia!" Huling sabi ni Nath bago siya muling naupo sa tabi ko.
"Alam kong hindi ganon kadali para sa inyo ang patawarin ako," nakayukong sabi ni Rafael. "Naiintindihan ko kung galit kayo sa akin dahil nakipagkampihan ako sa mga pinsan ko," malungkot ang tono ng pananalita nya.
"Humihingi nga pala ako ng tawad dahil sa ginawa ko sa kapatid mo, I'm really really sorry, Rafael," kita sa mga mata ni ate Jhoanna ang sinseredad.
"Naiintindihan ko at ng kapatid ko kung bakit mo nagawa 'yun, ate Jho." Nakangiting sabi ni Rafael. "At pinapasabi pala ni Franco na sorry raw dahil nagawa nya 'yun. Tinakot lang kasi kami nila Xia at Leah kaya nagawa naming kalabanin kayo."
"Tama na nga 'yan," pagsingit ni Reymark. "Kalimutan na natin ang nangyari at magsimula nalang ulit," lahat kami ay napatango sa sinabi ni Reymark. "By the way may dala nga pala akong wine," dagdag pa nya na siyang dahilan ng kaingayan namin.
Masaya kaming nag inuman, ilang bote na rin ng wine ang naubos namin kaya naman lahat kami ay may tama na. "Love, sorry sa kanina," paghingi ko ng tawad kay Nathalie, ngumuso pa ako. "H-Hindi ko kasi--"
"Okay na 'yun," pagputol nya sa sasabihin ko. "Naiintindihan kita, nadala lang ako kanina."
"Ilang buwan nalang anniversary na natin," nakangiting sabi ko, napatawa naman siya. "B-Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Eh kasi naman kaka-monthsary palang natin, anniversary na agad ang iniisip mo, HAHAHAHAHA," natatawang sabi nya.
"Exited lang ako, love," tumingin pa ako sa kawalan. "Tyaka gusto ko pag anniversary natin, tayong dalawa lang ang magkasama, alam mo na," ngumisi pa ako pero laking gulat ko nang bigla nya akong hampasin. Salubong ang kilay kong tumingin sa kanya.
"Ang manyak-manyak mo, Carl Anthony Monsanto," naka cross arm na sabi nya tyaka siya nag pout.
"Ang cute mo, love," kinurot ko pa ang pisngi nya.
"Manahimik ka, manyak!" May diing sabi nya, napatawa naman ako ng mahina.
"I'm just kidding, love."
"Kidding mo mukha mo, bahala ka d'yan," nagulat ako nang bigla siyang tumayo at naglakad palayo.
"Love, hintayin mo ako!" Sigaw ko tyaka tumakbo.
Aish! Ang babaeng 'to talaga.
--
JHOANNA's POV
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
RandomMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...