EPILOGUE

505 13 2
                                    

NATHALIE's POV

"Andaya nyo!" Naka cross arm na sabi ni ate. "Saan kayo magkikita?"

"Susunduin nya raw ako," nakangiting sabi ko tyaka umupo sa sofa.

"Anong sasakyan nyo," nagtaas pa siya ng kilay. "Motor?"

"Yap, kaya nga nagpantalon ako eh. Astig diba," ngumusi pa ako. "Kamusta nga pala kayo ni kuya Patrick?"

"Wala kana do'n."

Hindi ko nalang kinausap si ate hanggang sa dumating na si Carl. "Unnie, alis na kami," pagpapaalam ko.

Unnie(Eonnie) tawag ng mga babae sa ate nila sa Korea.

"Hindi ka koreana at wala ka rin sa Korea!" May diing sabi nya, natawa naman ako. "Oh siya, sibat na!" Tinanguan ko lang siya tyaka kami lumabas ni Carl sa bahay.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Carl.

"Basta matutuwa ka," sabi nya habang ang paningan nya ay nakatuon sa daan. Nagpatuloy lang siya sa pagdi-drive hanggang sa itigal nya na ang motor sa isang pamilyar na lugar. "Andito na tayo," nauna akong bumaba upang tignan ang kabuuan ng lugar.

"This place is so familiar to me," nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang lugar. "Ow, I remember," mas lalo akong napangiti nang maalala ko kung ano ang nangyari sa lugar na 'to. "Dito tayo unang nagkita, nung mga bata pa tayo, nung nerd pa ako."

"Yeah!" Napatango pa siya nang lingunin ko siya.

Lumapit naman ako sa kanya tyaka ko siya niyakap. "Thank you, love."

Hinalikan nya ang buhok ko. "You're always welcome, love. Basta para sa'yo, makita lang kitang masaya, masaya na rin ako. Happy anniversary, love. I love you so much."

"Happy anniversary, love. I love you too."

"Akala mo ito lang ang surpresa ko," taka ko naman siyang nilingon. "Halika," ikinawala nya ako sa yakap tyaka nya hinawakan ang kamay ko at naglakad kami ng magkahawak ang kamay. "Surprise!" Halos maitakip ko ang kamay ko dahil sa pagkagulat.

Pa'no ba naman kasi, nandito sila ate, kuya Patrick, Luke at ang lahat ng mga kaibigan namin ni Carl, maging ang parents ni Carl ay nandito rin.

"Hindi ko na hahayaang mawala ka pa sa akin," napatingin ako kay Carl nang magsalita siya. May kinuha siya na kung ano sa bulsa nya pagkatapos ay lumuhod siya. "Nathalie Jane San Juan, will you marry me?" Hindi ko nanaman inaakala ang ginawa ni Carl, grabe ang tuwang nararamdaman ko ngayon, halos mapaluha pa ako sa tuwa.

"Yes, I will marry you!" Halos abot langit ang ngiti ni Carl nang sumagot ako ng oo, naghiyawan naman ang mga tao sa paligid namin. Isinuot ni Carl ang singsing sa daliri ko tyaka nya ako niyakap.

"I love you so much, itong ang pinakamasayang araw para sa akin," tuwang tuwang sabi nya. "I love you, I love you, I love you," paulit ulit nyang hinalikan ang noo ko.

"Mahal na mahal din kita, Love."

"Awiiieee, beach weading na thisss!" Sigaw ni Loraine na siyang nagpatawa sa aming lahat. Nangako nga pala si Carl na sa pangalawang anibersaryo namin ay sa Palawan ulit kami, ibig sabihin next year ang kasal.

"Tsk, tama na nga 'yan. Kumain na tayo," napailing naman ako nang magsalita si Reymark. Puro kasi pagkain ang laman ng isip nito.

A year after..

The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon