NATHALIE's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko nang may marinig akong ingay. "T-Tubig," natinag ata sila sa pagsasalita ko kaya naman napatahimik sila. Dali dali naman kumuha ng tubig si Carl at ipinainom sa akin.
"Mabuti naman at nagising kana," napalingon ako kay ate. "Ilang araw kang walang malay."
"Nag alala ako sa'yo," tinitigan ko si Carl. "Akala ko iiwan mo na ako, akala ko mawawala kana sa akin," malungkot na dagdag nya pa.
"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na lalaban ako para sa'yo," ngumiti pa ako tyaka ko binawakan ang isang kamay nya. "Si Zia nga pala?"
"Maayos na ang lagay nya, sa katunayan nga ay nagising na siya nung isang araw," si Ella, andito rin pala siya, maging sina Angelyn at Loraine ay nandito.
Lahat kami ay napatingin sa pintuan nang bumukas ito. "Gising kana pala, Nath," nakangiting sabi ni ate, kasama nya pala si Patrick at si Luke.
"Masyado na tayong madami rito," ani Loraine. "Aalis muna kami nila Angelyn at Ella, pupuntahan lang namin sina Reymark at Zia," sabay sabay naman kaming tumango.
"Kamusta nga pala ang lagay ni Reymark?" Pagtatanong ko.
"Tulad mo ang gising na rin siya," nakangiting sagot ni kuya Patrick. "Pero hindi alam ng parents nya, tanging ako, ang kapatid ko at si Jhoanna lang ang nakaalam nun, ang sabi kasi nya ay itago muna namin iyon hanggang sa dalawin na siya ni Zia."
"Ah ganon," tinanguan naman nila ako.
--
LORAINE's POV
"Grabe rin kaya si Nathalie, isipin mo 'yun nagpanggap siyang ibang tao para lang malaman kung sino ang nagtangkang pumatay sa kanya," lahat kami ay natawa sa sinabi ni Angelyn.
"Ganyan ang tunay na San Juan, hindi lang maangas o masungit, matalino rin," sabi naman ni Ella.
"Nung una pa lang naghinala na ako eh," lahat sila ay napatingin sa akin na para bang naghihintay sila nang susunod kong sasabihin. "Kakaiba 'yung pagtingin nya kay Carl no'n, 'yung bang makikita mo 'yung tingin ng pagmamahal ng isang Nathalie Jane San Juan sa isang Carl Anthony Monsanto, HAHAHAHAHA"
"Sira!" Sabi ni Carl nang bigla nagsalita si Nathalie, humingin siya ng tubig kaya naman nagmadali si Carl na kumuha ng tubig tyaka nya ito ipinainom kay Nathalie.
Pinanood lang namin silang dalawa habang nag uusap nang biglang bumukas ang pinto, lahat kami ay napatingin dito, si ate Jhoanna pala, kasama nya si Luke at si kuya Patrick.
Dahil sa pagdating nila ay nagpaalam muna kaming tatlo para mapuntahan si Reymark at Zia at para rin kumonte ang tao sa loob ng silid ni Nath.
"Kayo nalang muna ang dumalaw kina Zia at Reymark, kailangan ko kasing umuwi," ani Angelyn, tinanguan naman namin siya ni Ella.
Nang makaalis si Angelyn ay agad kaming dumeretsyo ni Ella sa kwarto ni Zia, naabutan namin doon si tita Leonarda.
"Bibisitahin lang po namin si Zia, tita," nakangiting sabi ni Ella.
"Ah sige, maiwan ko muna kayo, tapos naman na kaming mag usap ng anak ko," tumango naman kami ni Ella kaya naglakad na papalabas si tita Leonarda.
"Kamusta ang lagay mo?" Tanong ko. "Gising na nga pala si Nathalie."
"Mabuti na ang lagay ko, mabuti at gising na si Nath. Apat na araw rin siyang walang malay."
"Tsk," singhal ni Ella. "Ikaw nga eh, nung isang araw lang din nagising eh."
"Si Reymark nga pala?" Pagbabago ni Zia sa usapan. "Kamusta na siya, ayaw kasi nilang sabihin sa akin kung ano ang lagay nya eh," napatingin naman ako kay Ella tyaka ako bumuntong hininga.
"Hindi parin siya nagigising, malapit kasi sa puso ang tama nya," nakayukong sabi ni Ella.
"Gusto ko siyang makita," kita ko sa mga mata ni Zia ang pagnanais nyang makita si Reymark. Alam kong pareho kaming may gusto kay Reymark kaya ganyan siya umasta.
"Kailangan mo munang magpagaling, Zia!" Madiing sabi ko.
"Nagmaakaawa ako, Loraine. Gusto kong makita si Reymark," ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya nang makita ko ang pag agos ng mga luha nya. "Loraine, Ella. Alam nyo namang siya ang lakas ko!"
"Sige ipagpapaalam kita kay tita," tinanguan nya naman ako. "Ikaw na muna ang bahala kay Zia, Ella."
Lumabas ako ng kwarto ni Zia tyaka ko kinausap ang mga magulang nya tungkol sa sinabi ni Zia, pumayag naman ang mga ito.
--
ZIA's POV
Nang pumayag ang mga magulang ko na bisitahin ko si Reymark ay agad akong isinakay sa wheel chair, hindi kasi ako pwedeng maglakad, sariwa pa kasi ang sugat na natamo ko.
"Reymark," ngumiti pa ako ng mapait. "Gumising kana, please," hinawakan ko pa ang isang kamay nya. "Ipinapangako ko pag gumising ka at gumaling ka, hinding hindi na kita kukulitin, ipanapangako ko, Reymark," yumuko pa ako.
"Promise?" Gulat akong napalingon sa kanya nang marinig ko siyang magsalita, napangiti ako sa tuwa, pinunasan ko pa ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko. "Kahit pa sabihin kong nagkakagusto na ako sa'yo?" Nagulat ako sa sunod nyang sinabi pero dahil sa tuwa ay nayakap ko siya.
"Reymark!" Mabilis akong kumawala sa yakap nang marinig kong magsalita si tita Rozell. "Salamat at gising kana, kung alam ko lang na si Zia ang makakagising sa'yo sana ay nung isang araw palang pinadalaw ko na siya," masayang sabi ni tita Rozell tyaka siya tumingin sa akin.
"Salamat, Zia. Alam ko sasabihin mong wala kang ginawa pero alam kong ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagising si Reymark, kaya salamat," lumapit sa sa akin tyaka nya ako niyakap.
Masaya ako, masayang masaya dahil gising na si Reymark, kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon.
-TO BE CONTINUE-
BINABASA MO ANG
The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)
RandomMeet Nathalie Jane Wang San Juan‚ the Lady In Red. Babaeng hindi mo nanaising makalaban. Sa pagtaas palang ng kilay nya ay uurong kana agad. Pero isang lalake ang nagpalambot ng kanyang puso‚ walang iba kundi si Carl Anthony Monsanto. First love ni...