CHAPTER 28

349 12 0
                                    

NATHALIE's POV

"Mga Montefalco ang nagtangka sa buhay mo?" Pagtatanong ni ate, agad ko naman siyang tinanguan. "Oh my ghad," Parang hindi makapaniwalang sabi ni ate.

"Ah by the way,andito pala si Luke," nakangiting sabi ko.

"Really?!" Sana okay ka lang ate, hayysttt, tinanguan ko lang siya ulit.

"Aalis na muna ako," sabi ko tumango naman siya, aalis na sana ako nang may maalala akong sabihin. "Everyone," pagtawag ko sa atensyon ng lahat. "Your Vice President is me, ang nag iisang Nathalie Jane San Juan," nakangiting sabi ko tyaka tuluyang naglakad papalayo.

--

LUKE's POV

"Luke," pagtawag sa akin ni Jane, agad ko naman siyang nilingon.

"Ambilis mo naman," nakangiting sabi ko tyaka ko ginulo ang buhok nya, tinignan nya naman ako ng masama. "Sorna agad," sabi ko tyaka nag peace sign.

"Na miss kita," nakangusong sabi nya, pinitik ko naman ang nguso nya. "Araayy!!" Daing nya pero tumawa lang ako nang mahina.

"I miss you too," agad ko siyang yinakap na ikinagulat nya pero kalaunan ay tinugon nya din ito.

--

CARL's POV

"Baby," si Leah, galit ko naman siyang tinignan. "Ayos ka lang?"

"Bakit nandito ka?" Nagpipigil sa galit na sabi ko.

"S'yempre bilang girlfriend mo mag aalala ako," grabe, sineryoso nya pala 'yung sinabi ko kanina.

"Hindi kita girlfriend," kita ko ang gulat sa mga mata nya. "Palabas ko lang 'yun para makumpirmang si Krige at si Nathalie ay iisa," nagulat ako nang bigla nyang akong sinampal.

Halatang halata sa mukha nya na galit na galit siya.Tsk,napakabilis kasing maniwala eh.

"Pagbabayaran mo 'to,Carl Anthony Monsanto!" Gigil na gigil na sabi nya tyaka umalis.

Nang makaalis si Leah ay agad din akong naglakad habang ang isang kamay ko ay nakapamulsa sa suot kong pang ibaba.

"Luke," isang pamilyar na tinig ang nadinig ko kaya naman nagtago muna ako sa may poste upang makita kung sino 'yon at hindi nga ako nagkamali,si Nathalie nga.Pinagmasdan ko silang dalawa nung lalakeng nagngangalang Luke.

"Ambilis mo naman," sabi nung Luke tyaka nya ginulo ang buhok ni Nath, tinignan naman siya ng masama ni Nathalie. "Sorna agad," sabi nung lalake tyaka nag peace sign, tsk akala mo naman cute, mas cute pa nga ako eh.

"Na miss kita," nakangusong sabi ni Nath, sino ba ang lalakeng 'yan,pinitik naman ng lalake ang nguso ni Nath. "Araayy!!" Ang kapal naman ng mukha nyang saktan ang babaeng mahal ko.

"I miss you too," sabi ni Luke ngunit laking gulat ko nang bigla nyang yakapin si Nath,parang pinipiga ang puso ko dahil sa nakita ko,ang sakit,ang sakit sakit.







-TO BE CONTINUE-

#CHAPTER28_OF_TMNBATGPA

The Masungit na BOSS and The Gwapong P.A. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon