Halos dalawang linggong hindi nagkita sina Vice at Karylle. Si Vice ay naging busy sa concert tour nya samantalang si K ay busy din sa trabaho at paghahanda sa nalalapit nyang photoshoot panay ang diet at paggym nya.
Araw nang pagkikita nila sa Canada tour ng Showtime maagang nakarating ang eroplano nila Vice kaya hinintay niya nalang ang ibang host sa lounge ng Vancouver airport.
" Karylle ! " sigaw ni Vice kaya lahat nang tao napatingin sa kanya tawa naman nang tawa si K
" K !! " excite na sigaw naman ni Buern " Papa Vhong ! " sigaw nya nang makita si Vhong
" Kuuuurba " patakbong sinalubong ni Vice si K at niyakap " Amishou soo much " pabebeng sabi nito
" Grabe naman brad lakas makaOFW yung sigaw mo " sabi ni Vhong
" 2 years kasi kaming hindi nagkita " nakayakap na sabi rin ni K
" Nakakaiyak naman " sabat pa ni Buern
" Ay hello po " kumalas nman sa pagkakayakap si Vice at yinakap ang lalaki sa likod ni K na si Mr. Modesto " Hindi sinabi ni K na kasama kayo "
" Secret daw e " sagot naman nang matanda
Inayos muna nila ang mga dalang bagahe at nakipagkulitan si Vice sa mga kaibigan na dalawang linggo nya rin hindi nakita. Matapos non ay dumerecho na sila sa kanilang hotel magkahiwalay naman sila ng kwarto dahil kasama ni K ang kanyang ama.
" Dapat pala hindi na lang sumama papa mo hindi tuloy tayo magkatabi matulog " malungkot na sabi ni Vice
" Soos gusto mo lang .. " hindi na natapos yung sinabi ni Buern dahil nakatanggap na sya ng batok mula kay Vice
Hinatid naman muna ni Vice sila Karylle sa kwarto nila. Nagbihis muna sila habang si Mr. Modesto ay bumaba para kumain kasama ng mga staff ng Showtime.
" K .. " katok ni Vice
" Go away Ana ! " sigaw naman ni Karylle kaya naman napangiti si Vice
" Hoy babae baka nakakalimutan mong si Ana ka " sabi ni Vice nang pagbuksan siya ni K ng pinto " Ano di ka pa ba bababa ? "
" Nililigpit ko pa gamit ni papa "
" Mamaya na yan tara na sa baba nandun na si papa " nakangising aya ni Vice
" Naaks makapapa aah anak ka rin ? Sunod na lang ako "
" E gusto ko sabay tayo kumain "
" Bakit gusto mo subuan pa kita "
" Aay bet ko yan subuan " nakatanggap naman nang hampas si Vice " Tara na kasi "
" Cge pero hindi ako kakain "
" Adik ka kaya nga tayo bababa para kumain "
" Eee .. "
" Tigilan mo ako Ana Karylle ah tara na " hinila naman ni Vice si K paabas ng hotel room nito
Nang makasakay sa elevator binigyan ni K sa Vice ng sidehug na ikinangisi naman ng isa.
" Miss mo ko no " tanong ni Vice naramdaman naman nyang tumango si K " Parang pumayat ka ooh wala " dagdag pa nito habang pinipisil ang braso ni K " Wala ka na ring bilbil "
" Nagdiet nga diba alangan namang tumaba ako " sagot naman ni K
" Ah ganun " inipit naman ni Vice ang daliri sa kili-kili ni K kaya naman napasigaw ito dahil sa kiliti
" Miss mo rin ako asarin no " sabi ni K inirapan lang sya ni Vice
Nagkita kita naman ang ibang host at staff sa lobby ng hotel at sabay sabay na silang pumunta sa katapat na restaurant. Matapos kumain ay nagpaalam na si K na mauuna nang umakyat samantalang si Vice ay busy sa pagcacatch up sa mga kaibigan na si Vhong at Billy.
BINABASA MO ANG
Mess We've Made (ViceRylle)
FanfictionBut now that's all GONE. 'I won't break you. I will not let you down. Open up again I believe in SECOND CHANCES.'