Chapter 64

5.2K 152 19
                                    

Magkasabay na tinatahak ng Team Vice at Karylle ang lobby ng ABS. Panay ang kwentuhan at harutan ng mga ito habang naglalakad. Harutan na hanggang sa Hulanino ay nadala ni Vice, habang nanghuhula si Karylle ay nagsimulang kumulit si Vice na pinagtatapon ang mga manikang nakita niya sa props. Hindi naman niya alam na natamaan na pala sa noo ang mahal niyang asawa kaya patuloy lang siya sa pagtapon ng manika.

" Aray ! " sigaw ni Karylle na nakahawak na sa kanyang noo

" Oy Vice natamaan si K " saway ni Billy

" Ay di nga natamaan si K ? " di pa naniniwalang tanong ni Vice na patuloy pa rin sa pagbato ng mga props

" Ouch ang sakit " reklamo ni K na narinig naman na ni Vice

" Natamaan ka talaga babe ? "

" Hindi magbato ka pa ulit " pilosopong sabi ni Billy

" Sorry K I love you " sabi na lang ni Vice

Matapos ang paghuhula ni Karylle ay agad nang lumapit si Vice sa asawa na nakahawak pa rin sa noo nito.

" Sorry masakit ? " ngumuso lang si Karylle kaya Vice give her a peck na hindi nakaligtas kay Jugs " Bakit di ka kasi umilag ? "

" Bakit kasi nangbabato ka ? May bukol ba ? "

" Wala naman .. sorry " hinalikan naman ni Vice yung noo ni K at niyakap ito " Love you "

" Love mo ko tapos sinasaktan mo ako "

" Ee sorry na sama ka sa lunch namin nila Jugs later " ngumisi naman si Karylle tila batang nasuhulan ng candy

" Ay teka lang Direk nagmomoment ang Vicerylle sa gilid oh " turo ni Billy sa kanila " Work work din ano "

Matapos nga ang Showtime ay sumama si K sa palunch ni Vice sa isang Japanese Restaurant na nasa morato. Nagmamadali namang kumain si Vice dahil may taping pa siya para sa MMFF na movie nila ni Coco Martin.

" Mauna na ako " paalam ni Vice

" Oy bakit ? " tanong naman ni Karylle na may sushi pa sa bibig

" May taping ako ngayon diba "

" Sama ako "

" Wag na "

" Vice tara na " singit naman ni Russ

" Oy Vice sino magbabayad nito ? " habol na tanong ni Teddy

" Na kay Karylle yung ATM ko ito naninigurado talaga e "

Nagpatuloy ang kwentuhan nila Karylle at nang magbabayad na ay ibinigay niya ang ATM ni Vice kaya lang hindi naman niya alam ang password. Sa huli, si Karylle na ang nagbayad.

" Naisahan ka ni Viceral ah " asar ni Teddy

" Humanda sa akin yun " natawa na lang si Jugs at Teddy

Hinatid naman si Karylle ni Sidney pauwi, samantalang si Vice ay patuloy pa rin ang pagtratrabaho kapag may break ay tinatawagan niya ang kanyang asawa.

( Viceeee di ka ba uuwi ? ) tanong agad ni Karylle sa kanya

" Baka hindi .. nagdinner ka na ? "

( Oo ikaw ? Bakit di ka uuwi ? )

" E kasi di pa kami tapos tawagan mo si Direk para pauwiin na ako .. nagdinner na kami nagdala ng foods si Dengdeng " sabi naman ni Vice na nakahiga sa tent nya " Kita tayo bukas sa studio "

( Ano papasok ka pa e puyat ka ? )

" Natutulog naman ako kapag may pagkakataon don't worry "

( Yan ka na naman e kagagaling mo lang sa sakit .. inaabuso mo talaga yung katawan mo ) sermon ni Karylle

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon