Chapter 48

5.5K 147 19
                                    

Ilang araw namang ngarag si Karylle dahil sa sunod sunod na rehearsal para sa nalalapit na concert nila kasama sila Paolo, Robin at Isabella. Patuloy lang din ang panunuyo ni Vice kay Karylle pero nitong mga nakaraang araw ay naging busy din ito, di naman nya nakakalimutang bigyan ng bulaklak si Karylle.

" Thank you " may pabulaklak na naman si Vice pagpasok pa lang ni Karylle sa DR nito " Di ba nauubusan ng flowers yung binibilhan mo ? " ngumiti lang si Vice

" Ang gwapo mo today " puri pa ni K

" Kilig pwet na naman si Viceral " asar ni Alvin

" Tse ! Paayos na muna ako " paalam ni Vice

AdVice Ganda Segment.

" Madam Bertud "

" Oh ? Ene yen ? "

" Kasi po yung boyfriend ko may bestfriend syang babae sobrang close po sila na madalas po yun yung pinagtatalunan namin mali po ba na pagselosan ko yung kaibigan nya ? " tanong ni Honey

" Teka ha itong kaibigan ba ng boyfriend e babae o lalaki ? " tanong ni Teddy

" Babae po "

" Gaano ba sila kaclose ? " tanong naman ni Jugs

" Magkababata po sila "

" Yeng tetee ? " napatingin si Vice sa mga writers " Very familiar yung problema mo " nagtawanan naman si Jugs at Teddy

" Nararanasan mo ba ngayon yan Vice ? " tanong ni Teddy

" Wag kang ano dyan nanonood e .. teka nga bakit ka ba nagseselos ? "

" Kung minsan po kasi kapag nagkakatampuhan po kami doon po sya lumalapit sa kaibigan nya kaya yung tampuhan nauuwi sa away "

" May iba't ibang klase kasi ang pagkakaibigan .. yung mga friendship na nabuo dahil sa pareho kayo ng hilig, nagkakasundo kayo sa tipo nyong babae o lalaki, pagkakaibigan na nabuo dahil sa pagkokopyahan, dahil sa naguutangan kayo " nagtawanan naman ang mga audience

" Pero yung bestfriend yun yung pagkakaibigan na sinubok na ng panahon sabi mo nga magkababata sila bawat utot paghinga alam na alam nila kung may problema .. karamihan kasi sa mga magkakaibigan ay yung kapareho mong kasarian diba kaunti lang yung opposite sex pero para sa akin special yun kasi alam nila yung point of view ng babae o lalake pagdating sa buhay o pagibig .. kaya lang naman siguro lumalapit yung jowa mo sa kaibigan nya para malaman kung ano ba yung dapat na gawin nya para magkaayos kayo diba " nakita naman ni Vice na lumabas si Karylle at nanonood na sa kanya sa gilid

" Isipin mo na lang matagal na silang magkaibigan pero ikaw pa rin yung nagustuhan, niligawan at mahal diba yun pa lang panalo ka na dun .. kailangan mo lang pagtiwalaan yung boyfriend mo pag sinabi nyang mahal ka nya at wala dapat ikaselos sa amin ni bestfriend paniwalaan mo yun .. maraming nasisirang relasyon dahil sa kawalan ng tiwala tsaka wag mong hayaang ang selos ang maging dahilan ng hiwalayan nyo " makahulugang sabi ni Vice

" Oo nga wag mong gayahin si .. " asar ni Teddy

" Sige ituloy mo yan Teddy tuwang tuwa ako sayo " nakangiting nagtinginan naman si Vice at Karylle

" Inaapply mo rin ba yan sa sarili mo ? " tanong ni Teddy

" Si Karylle oh pangiti ngiti na lang ..  magshare ata sya e " pansin naman ni Jugs kay Karylle

" Di kasi may bestfriend din ako " sabi ni K na umakyat na rin sa stage

" Ay oo nga si Bryan " binigyan ni Teddy na mapangasar na ngiti si Vice

" Oo .. close rin kami "

" Vice ikaw ba di nagseselos kay Bryan ? " asar na tanong pa ni Teddy

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon