🖤

1.1K 15 22
                                    

This is not an UPDATE. But please take time to read this.

This is the toughest year of my life. I'M HEARTBROKEN. For sixteen years magkasama kami siya naging ina at ama sa loob ng bahay dahil maagang nawala si Daddy. My mom died last August literal na alone na ako sa buhay, sa bahay kasi nagiisa lang naman akong anak. Yung ibang relatives nasa Canada and sa Iloilo.

I don't know kung saan ako magsasabi na hindi ako ok kasi nahihiya ako hindi kasi ako malungkutin na tao dati .. pero ngayon OO. Sobrang lungkot. Sobrang sakit. Nawitness ko kung paano siya naghirap .. nung nawala siya. Hindi ako makaiyak. Ayokong umiyak kasi di ako yun lagi kasi nila akong nakikitang nakangiti nakatawa. Pero siguro nahihiya lang akong makita nila na umiiyak kasi feeling ko maiisip nila na kawawa ako kasi wala na akong magulang. Imagine umiyak lang ako nung nilibing si mami saka ngayon kasi I feel alone. Akala ko sanay na akong magisa na ok lang magisa na kaya kong magisa pero at the end of the day feel na feel ko yung emptiness sa bahay, sa buhay.

' Ok lang ako ' ' Ayos naman ' yan lagi kong sagot kapag may nagtatanong kung kamusta na ako. Nakakapagod din sumagot lalo na kapag hindi ka naman ok yung alam mong nagsisinungaling ka lang. Dinadaya ko yung isip ko pero in my heart I'm not really ok. Mas masakit pa sa pagiwan sayo ng jowa mo or pagloko sayo ng jowa mo. Hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Hindi mo alam kung kailan ka magmomove on or kung on the process of moving on ka na.

I'm sorry kung dito ako nagsasabi kasi nga nahihiya nga ako please don't judge me. Gusto ko lang iparating sa inyo na mahalin niyo yung magulang niyo kung mahal niyo na mas mahalin niyo pa. Bigyan niyo sila ng oras kahit gaano pa kayo ka busy sa school o sa trabaho. Lagi niyo silang piliin sa kahit ano mang bagay o kahit kanino man. Lagi niyong sabihin kung gaano mo sila kamahal. Walang permanente sa mundo time flies sobrang bilis layung dating masigla nilang katawan unti unting manghihina, kukulubot hindi mo mamamalayan na tumatanda na sila. Di mo mapipigilan na magkasakit sila. Kahit anong hiling mo dasal mo na humaba pa yung buhay nila dadating din yung oras na umuwi sila sa creator natin.

Ngayon, I'm really lost hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula. Gigising para magtrabaho tapos uuwi matutulog trabaho ulit yung ang routine ko for the past 2 weeks. I know na may plano si God sa buhay ko I'm still praying na mahanap at makita ko yun. I'm praying na mahanap ko ulit yung happiness sa heart ko kahit na magisa na lang ako. I'm holding on to HIS promises in
Revelation 21: 4 and he shall wipe away every tear from their eyes; and death shall be no more; neither shall there be mourning, nor crying, nor pain, any more: the first things are passed away.

Please include me sa prayers niyo to heal my broken heart. Thank you 🖤

P.S. Hintay hintay lang sa update hindi naman matatapos ang taon na walang update to. 🖤

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon