Funny One Segment.
" Hoo ViceRems " sigaw ni Kuya Kim
" Hi Karylle nanonood sya ngayon " kumaway pa si Anne
" Wala .. busy yun " sabi naman ni Vice na kilig na kilig habang kausap si Ryan Rems " Um Ryan kung liligawan mo ba ako liligawan mo ako ? " pabebeng tanong ni Vice
" Brad ganun din yun e " singit ni Vhong
" Wag nga kayong ano dyan .. Um Ryan single ka ba ? "
" Yes Dear "
" Single ka naman tapos single ako so pwede tayo " naghiyawan naman ang mga audience
" Hooy single ka dyan " sigaw naman ni Anne
" Totoo naman e "
" Wala nang ViceRylle " tanong ni Jugs
" Wala na .. Ryan kaya mo bang paligayahin ang malumbay kong puso ? " hirit pa ni Vice
" Oo naman " nagsigawan naman ang mga audience
" Viceral " may narinig syang pamilyar na boses
" Hala ka brad " asar ni Vhong
" Kurba work lang to " nakangiting sabi ni Vice
Tatlong araw nang hindi nagkita ang dalawa dahil sa trabaho si Karylle panay ang rehearse para sa concert nila kasama ang mga kababata. Kapag may oras ay nagkakausap naman sila madalas sa wechat.
anakarylle: miss na kita pogi
viceral: mas miss kita busy ka kasi e
anakarylle: sorry na
viceral: kumain ka na ?
anakarylle: di pa kararating ko lang e
viceral: ano gusto mong kainin
anakarylle: IKAW ! chos lang
viceral: ano nga ?
anakarylle: jolly spagetti tapos angel's cheeseburger
viceral: k
Matamlay na nakahiga si Karylle habang nanonood. Pagod sya sa mga nagdaang araw dahil sa sunod sunod na rehearsal isabay pa ang pagiisip kay Vice dahil sa nalaman nitong tinanggap nya ang alok ni Yael na magcollab sila sa isang kanta. Napalingon naman sya sa pintuan nang marinig ang doorbell.
" Babe .. " nakita nya ang nobyo na nakatayo " Gabi na ah " derederecho naman si Vice sa kusina
" Kumain ka na " nilabas nya ang biniling spagetti at burger
" Wow .. thank you " masiglang sabi ni Karylle " Kumain ka na ba ? Sabayan mo na ako marami naman to e " tahimik namang umupo si Vice
Tahimik silang kumakain pasulyap sulyap naman si Karylle kay Vice pinakikiramdaman nya ito.
" Babe .. " tinawag nya ito
" Kung tungkol kay Yael yan wag mo nang ituloy "
" Trabaho lang yun "
" Na hindi mo pwedeng tanggihan ? "
" May pinagsamahan din naman kami kaibigan ko sya "
" So pwede pala akong manood ng game ni Terrence ininvite nya ako e tutal naman may pinagsamahan naman kami at kaibigan ko rin naman sya "
" Ano ba yung gusto mong gawin ko ? " di na mapigilan ni Karylle na mafrustate
" Tanggihan mo "
BINABASA MO ANG
Mess We've Made (ViceRylle)
FanfictionBut now that's all GONE. 'I won't break you. I will not let you down. Open up again I believe in SECOND CHANCES.'