Chapter 45

5.4K 142 32
                                    

" Ano oras flight mo bukas ? " malungkot na tanong ni Vice na ngkukuyakoy sa may couch sa DR ni Karylle

" 8 a.m " pupunta kasing L.A si Karylle para sa show abroad kasama si Zia at Paolo Valenciano " Babe una na ako "

" Saan ka pupunta ? " takang tanong ni Vice

" Magkikita kami ni Yael " alanganing sabi ni Karylle

" Na naman kagabi lang magkasama kayo inumaga nga kayo e " lukot na mukhang sabi ni Vice

" Last naman na to " tumabi si Karylle at yumakap sa braso ni Vice

" Sure ka last na ? " taas kilay na tanong ni Vice

" Opo " ngumuso naman si Vice at humalik naman si Karylle " Alis na ako "

" Hatid na kita wag kang tumanggi kahit sa parking lot lang "

" Oo na " sabay na lumabas ng DR ang dalawa at magkahawak kamay na naglakad patungo sa parking lot ng ABS

Si Vice naman ang nagbukas ng pinto ng kotse ni Karylle at inalalayan sa pagpasok sya na rin ang magkabit ng seatbelt nito.

" Dahan dahan lang sa pagdrive ha magingat ka sumunod ka sa batas ng trapiko umuwi ka kaagad " bilin ni Vice

" Opo "

" Derecho bahay ha " paalala pa ni Vice

" Ikaw din derecho bahay wag ka ng lumiko kung saan kilala kita .. alis na ako " ngumuso naman si K kaya naglean si Vice para bigyan ng masuyong halik si K

" Bye na ingat ha love you " paalam ni Vice

" Love you "

Minabuti naman ni Vice na dumaan muna sa bahay ng kanyang ate para bisitahin ang kanyang lolo na doon muna nakatira para mamonitor ang kalagayan nito. Ilang linggo na rin kasing masama amg pakiramdam ng matanda kumuha na rin sila ng private nurse para may makasama ito kung nasa trabaho ang kanyang ate.

Nagkakagulo pagkarating nya dadalhin kasi ng ate nya si Lolo Gonzalo sa hospital. Nataranta naman ang bagong dating na si Vice pati na rin ang mga bakla.

" Ate anong nangyayari ? " nagaalalang tanong ni Vice

" Hindi nagreresponse si Lolo buti na lang tinawag sa akin ni Elvie " tukoy ng ate ni Vice sa private nurse ng kanyang lolo

" Elvie yung ambulance ? " tanong ni Vice

" Malapit na daw po tinawagan ko na rin si Doc Flores naghihintay na rin po "

" Lolo naman " nanginginig na hinawakan ni Vice ang kamay ng kanyang lolo

Ilang minuto lang ay dumating na rin ambulance at agad na dinala ang matanda sa hospital. Pagkarating sa hospital ay kung ano anong aparato ang nilagay sa katawan ng matanda. Magkausap naman ang mga doctor ni Lolo Gonzalo at ang kanyang ate. Samantalang si Vice ay hindi mapakaling nakaupo na hawak ang kanyang phone habang kausap ang kanyang ina.

" Donna tawagan mo si Stephen sabihin mo sunduin muna sila paneng at pumunta agad dito " utos ng kanyang ate

" Ano daw ? " tanong naman ni Vice

" Ililipat sya sa private room magcoconduct muna ng ilang test "

" Bakit daw hindi magising si lolo "

" Hindi ko pa alam maya maya lang malalaman din natin mauna na kayo sa room sinabi mo na ba kay nanay ? " tumango naman si Vice

Ilang ulit din nyang tinawagan si Karylle pero hindi sya nito sinasagot kaya nagtxt na lang ito. Nailipat na rin sa kwarto ang kanyang lolo at tila nadagdagan ang nakakabit na aparato sa katawan nito pati na rin sa bibig. Magkasunod namang pumasok ang kanyang ate at mga doctor.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon