Chapter 46

4.9K 155 17
                                    

Malamyang pumasok ng DR ni Anne si Vice na patuloy pa rin ang pagtawag kay Karylle pero hindi ito macontact.

" Sinubukan ko rin pero out of coverage yung phone nya " bungad naman ni Anne " Sinubukan mo na bang tanungin si Tita Z ? " umiling naman si Vice

Halos dalawang araw na kasing hindi pumapasok si Karylle matapos ang paguusap nila sa DR ni Vice. Hindi nya ito macontact sinubukan na rin nyang puntahan sa unit nito pero wala syang nakitang Karylle. Pati si Alvin tikom ang bibig kung saan ba si Karylle.

" Baka alam na ni Tita yung nangyari nahihiya ako "

" Dapat lang na mahiya ka nu lokohin mo ba naman yung anak nya e " sumbat naman ni Anne

" Hindi ko niloko si Karylle "

" E ano yan di ba panloloko yan ? " turo ni Anne sa leeg ni Vice

" Walang nagyari sa amin Anne "

" Kahit na may nangyari o wala ganun din yun di mo pa rin sinipot si K my God kung ako nga yun nasapak pa kita e "

" Di ka nakakatulong Anne " inis na sabi ni Vice

" Girl hayaan mo muna si Karylle baka nagiisip isip yun bigyan mo muna ng time and space kailangan nya yun " tumango tango naman si Vice

" Iniisip ko pa lang na hihiwalayan nya ako parang hindi ko kaya " malungkot na sabi ni Vice

" Sana inisip mo rin yan nung gumawa ka ng kalokohan .. gora na muna ako girl " bumeso si Anne " Matulog ka naman baka di lalo makipagbati si K kapag nakita ka "

Hindi pa man sya nakakapasok ng bahay ay nagkumahog na umalis si Vice at sumakay ng kotse nya.

" Hoy san ka pupunta ? " sigaw na tanong ni Manny

" Kay ate "

Muntik naman syang masapok ng ate nya nang malamb kung bakit pumunta sya doon.

" Gusto mong tulungan kita makipagayos kay Karylle e gago ka pala ikaw gumawa ng katarantaduhan ikaw magayos nyan ! " gigil na gigil na sabi ng kanyang ate

" Ate naman hindi ko na alam kung saan hahagilapin si K kanina sinubukan kong tawagan nagring lang hindi naman nya sinagot baka pag ikaw ang tumawag e baka sagutin na nya " pakiusap naman ni Vice

" Ikaw nga umamin ka sa akin nakikipagbalikan ba sayo yung gagong lalaki na yun ? " binigyan nya ng nakakamatay na tingin ni Vice

" Hindi naman sya kasali dito  "

" Anong hindi isa nga sya sa dahilan kung bakit ayaw nang magpakasal ni Karylle sayo ! " bulyaw nya kay Vice

" Sinubukan nya pero hindi ko na sya mahal si Karylle na kaya please tawagan mo na "

" Aba't talandi rin yung lalaking yun pagkatapos kang ideny nakisama pa yung magaling nyang ama na hindi mo lang napagbigyan kung ano ano yung sinasabi ! Hindi mo mahal e ano yang nasa leeg mo !! "

" Dare lang yun nagkainuman kami ng mga kaibigan ko na tagaF.E.U anniversary kasi ng bar nila " nakayukong paliwanag ni Vice

" Dare ! Dare ! Kay paneng ko lang yun narinig ah sa edad mong yan may nalalaman ka pang ganun ?! Hindi ka na natuto magpapauto ka naman sa kanila ! Anong gagawin mo ngayon papaasahin mo si Karylle na papakasalan mo "

" Tuloy ang kasal namin "

" Ang tanong gusto pa ba nyang maikasal sayo ?! "

" Ate naman nakakainis ka please tawagan mo na " naaasar na sabi ni Vice

" Ikaw tutoy kapag nalaman ni nanay yan baka umuwi yan dito at bigwasan ka " sinubukan nyang tawagan si Karylle pero katulad nang kay Vice nagring lang ito ng nagring

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon