Chapter 54

5.8K 157 40
                                    

" Karylle " sabi ng pamilyar ba boses

" Yes po kuya " sagot ni K na tila hindi na mapakali sa kanyang kinauupuan

" Welcome ulit sa bahay ko "

" Ulit ? " takang tanong ni Karylle " Ay oo nga nakapasok ako last time "

" Handa ka na bang makilala ang mga housemates na makakasama mo dito sa aking bahay ? "

" Hindi pa po "

" Bakit hindi ? "

" Kuya naman kasi pabigla bigla ka " natatawang sabi ni Karylle " Kanina lang kasama ko si Robi e nananaginip ba ako ? "

" Hindi ka nananaginip Karylle nandito ka na sa bahay ko hindi ka ba masaya ? "

" Masaya naman kuya expected ko naman na may chance na papasok ako kaya lang biglaan di na ako nakapagpaalam " sabi ni Karylle

" Buksan mo ang karton sa harap mo " utos ni kuya

Pagkabukas ay nakita ni Karylle ang isang phone.

" May isang minuto ka para makatawag at makausap ang pamilya mo " agad namang sinunod ni Karylle ang sinabi ni kuya

" Kuya may problema di ko kabisado number ni Vice " nakangiting sabi ni K binanggit naman ni kuya ang number ni Vice

Nacontact naman agad ni K si Vice na nasa set ng pelikula nila ni Coco Martin.

" Vice "

( K ? Oh ? )

" I just want to .. um .. nandito ako sa bahay ni kuya "

( Taping ? )

" No .. nasa loob ako ngayon ng bahay nya binigyan nya lang ako ng 1 minute para makausap ka "

( Whaaaaat ? Seryoso ka ? )

" Oo nga "

( Di nga ? )

" Yea .. "

( Sinasabi ko na nga ba e .. well you'll be okay diba ? )

" Sana .. "

( I'll be okay .. iboboto ka namin kapag nanominate ka )

" Baliw .. behave Viceral ha " bilin ni Karylle

( Ako pa ba ? I love you )

" Love you too take care babe "

( I will )

" Bye na "

( Kiss ko muna )

" Mwaaa "

( I will miss you babe )

" Me too .. bye na "

( Byeee .. kuya alagaan mo yan ah lagot ka sa akin )

Natawa naman si Karylle sa huling sinabi ni Vice.

" Handa ka na ba Karylle "

" Yes po " buntong hiningang sagot ni Karylle

" Daanan mo ang mga gamit mo sa storage room makakalabas ka na " utos ni kuya

Tumayo naman si Karylle at lumabas para hanapin kung saan ang storage room. Nagulat naman si Karylle pagkakita ng gamit.

" Bakit ang dami kuya ilang taon ba ako dito ? " natatawang tanong ni Karylle na agad ding tinulak palabas ang maleta

Tinanggal naman nya ang heels bago tuluyang lumabas. Agad niyang hinanap ang mga housemates habang tulak tulak ang kanyang maleta at bitbit ang sapatos. Nakita nya ang mga ito sa living room agad namang nahype ang mga housemates pagkakita sa kanya.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon