Chapter 44

5K 137 10
                                    

" Babe .. " malambing na sabi ni Vice sa katabing si Karylle

Kasalukuyang nasa van sila ni Vice kasama ang team Vice at binabagtas ang traffic na EDSA. Laking pasalamat naman ni Vice kila Buern na napapayag nila si Karylle na sumama sa kanila ilang beses na kasing sinuyo ni Vice si Karylle ngayong araw. Napa-oo si Karylle dahil sinabi ni Buern na lulutuan sya ng mga bakla.

" Grabe ang traffic " reklamo ni Archie nasa bandang Q-Mart pa lang sila at papunta silang Ortigas bukod kasi sa natural na traffic talaga sa EDSA dumagdag pa ang lakas ng ulan

" Babe .. " bulong ni Vice kay Karylle na di man lang sya tinapunan ng tingin " Sorry na " patuloy lang si Karylle sa paggamit ng phone

" Di ko naman sinasadya nakalimutan ko talaga " paliwanag pa ni Vice

" Iba yung nakalimutan sa may ibang pinuntahan " sabi ni Karylle

Napalingon naman si Vice sa mga bakla na nagsi ilingan naman.

" Nawala kasi sa isip ko tsaka minsan na lang naman ako pumunta ng F.E.U binisita ko lang si Dean "

" Sana nagpasabi ka ilang beses kitang tinawagan diba ano man lang yung ' Sorry Karylle di ako makakarating ' maiintindihan ka pero ano pinaghintay mo kami ni Debbie nakakahiya sa kanya " nalaman kasi ni Karylle na pumuntang F.E.U si Vice kahapon dahil sa mga nagkalat na picture sa twitter

" Mas importante pa pala yun kesa sa pagpaplano natin ng kasal " dagdag pa ni K

" Karylle naman " malambing na yumakap si Vice

" Please Vice .. " tinaboy naman ni K ang mga kamay ni Vice na napakamot na lang sa ulo

Halos isang oras ang byahe mula ABS hanggang Cubao bugnot bugnot naman si Vice kaya naglilikot sya sa upuan at sinusulyapan si Karylle na nakaearphone na.

" Yung totoo bakla nakalimutan mo ba talaga ? " tanong ni Russ " Pinaalala ko sayo yun after ng ST kahapon "

" Akala ko kasi matatapos agad yun napahaba yung kwentuhan namin ni Dean "

" Akala ko naman natxt mo si Karylle kahapon kaya di ko na sinabihan " sabi pa ni Russ

" Di ko talaga sinagot yung mga tawag nya kasi baka magalit diba ewan ko ba kung kanino nya nalaman na nagpunta doon " nilingon naman ni Vice si K baka kasi naririnig nya ang pinaguusapan nila

" Ayun naman pala kasalanan mo talaga " umirap na sabi ni Buern

" Tigil tigilan mo ko Buern ah "

" Hoy Viceral baka naman magsponsor ka ulit ng player kaya ka nagpunta doon " tanong naman ni Archie

" Di kaya " deny ni Vice

" Paalala lang ha katabi mo yang papakasalan mo " dagdag pa ni Archie

Usad pagong pa rin ang daloy ng trapiko kaya ang mga bakla ay kanya kanyang pwesto para makatulog. Si Vice naman ay nakaupo ng nakatulog at sa tuwing umaandar ay ang sasakyan ay nagigising sya.

" Dito ka " bulong ni Karylle na kumuha ng unan at pinatong sa lap nya

" Hmm ? " antok na sabi ni Vice

" Humiga ka dito " hinila ni K si Vice para makahiga na

Humiga naman si Vice at kinuha ang isang kamay ni Karylle at iniyakap sa leeg nya.

" Sorry babe " nakapikit na sabi ni Vice
Umidlip din si Karylle nagising na lang sya ng maramdamang may nakatitig sa kanya.

" Ang ganda mo kahit humihilik ka " asar ni Vice na bagong gising din

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon