Chapter 63

5.2K 129 14
                                    

Alas tres pa lang ay gising na si Karylle  dahil kasali siya sa Heroes for Children. Dahan dahan syang tumayo sa kama para hindi magising ang kanyang asawa. Dali dali siyang nagayos dahil nagtxt na rin si Jhong na on the way na ito papuntang MOA.

" Ouch ! Aray ! Sheyt ! " sigaw ni Karylle matapos masagi ang kanyang hinliliit sa kanto ng kanilang kama

Napahiga siya sa kama at pinipigilan niya ang hindi mapaungol dahil sa sobrang sakit pero nabigo siya.

" Babe anong nangyari ? " napatayo si Vice at dinaluhan si Karylle

" Wait lang .. give me a minute " nagtakip pa ng unan sa mukha si Karylle si Vice naman nanatiling nakatayo " Ok na "

" Bakit ? Anong nangyari sayo ? " tumabi naman ang antok na si Vice

" Naumpog kasi yung daliri ko doon sa gilid ng bed " natawa naman si Vice kay K na parang batang nagsusumbong

" E bakit ba naman kasi ang aga aga naglilikot ka na " sermon naman ni Vice na parang nanay

" Malalate ako ngayon yung event ni Anne 5 am yung start nun " tumayo naman si Karylle na hinanap ang kanyang sapatos

" Ngayon pala yun "

" Oo nandun na nga ata si Jhong "

" Halika ka nga dito .. ako na " pinaupo naman ni Vice si K sa kama sinuot ang medyas at sapatos sa paa ni Karylle " Wait mo ko magbibihis lang ako hatid na kita "

" Ok nay driver na ako "

" Aba ayos ah " sagot naman ni Vice na naghubad at nagpalit ng damit sa harap ng asawa

" Pst ilagay mo yang pinaghubaran mo sa laundry basket .. tsaka sobrang ikli ng shorts mo baka kumawala si junjun at pwede bang magtoothbrush ka naman oh may muta ka pa nga " iling na puna ni Karylle

" Ang daming mong sabi di ko na alam kung ano uunahin ko " pameywang na irap ni Vice

" Kiss me yun dapat ang unang gagawin kapag nagising ka " nakangusong sabi ni Karylle

" Ito para paraan talaga e di pa nga ako nagtoothbrush diba ? "

" Pwede na yan dali na para manalo ako mamaya " papadyak na sabi pa ni Karylle

Nakangising lumapit si Vice sa nakangusong si Karylle at hinalikan ang asawa.

" Love you " sabi ni K

" Patay na patay ka talaga sa akin .. sige na nga I love you too "

Tamang tama naman ang dating nila Karylle sa MOA hindi pa naman naguumpisa ang event.

" Dito ka lang oh pupunta ka doon " tanong ni Karylle

" Dito na muna ako .. labas na lang ako kapag nainip na ako " sagot naman ni Vice " Sige na gora ka doon break a leg pero wag yung literal ha " hinalikan na muna niya ang asawa bago ito lumabas ng sasakyan

Maraming nakisali sa event ni Anne pati ilang artista ay nandoon din par sumuporta. Nakita ni Karylle si Jhong at ang buong pamilya ni Teddy. Naging smooth naman ang pagtakbo ni Karylle kahit pa hindi siya nag training sapat na siguro ang pagjog niya tuwing umaga.

Pagtungtong naman ni Karylle sa finish line ay agad siyang nilapitan ng ilang mga reporters. Habang hingal na nagsasalita at sumasagot si Karylle sa ilang katanungan, sumingit naman si Vice na pinunasan ang pawis at pinainom si K.

"  Ang sweet naman " puna ng reporter natawa naman si Karylle dahil hinilot hilot pa ang balikat pa niya na tila sasabak siya sa laban

Matapos ang interview ay ganun pa rin ang ginagawa ni Vice pati ang kili-kili ni Karylle ay pinunasan kaya panay tawa naman ng tawa yung isa.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon