Makalipas ng tatlong linggong pananatili sa sikat na bahay sa buong Pilipinas ay nakalabas na rin si Karylle. Ikinalungkot naman ito ng mga housemates dahil napalapit na rin ang mga ito sa dalaga at naging dahilan pa para magkaroon sila ng budget.
Walang mapagsidlan ng kaligayahan ang naramdaman ni Karylle na agad umuwi sa kanyang bahay para bisitahin at umalis din para puntahan si Vice.
Dumaan muna sya sa nakitang pizza parlor at bumili ng apat na box. Pagkadating nya ay nakita nya ang mga baklamg kaibigan na nanonood at pababa naman ng hagdan si Vice galing sa kwarto nito.
" I'm back-la ! " nakangiting sigaw nya
" Mommy K ! " patakbong sumigaw si Buern na sinundan nila Archie at Donna
" Kurba I miss you " napalabas naman sa kusina si Manny at Russ na may kagat kagat pang sandwich
" Nakakaloka kailan ka lumabas ? " tanong ni Buern
" Kanina lang " kinuha naman ni Manny ang bitbit nyang pizza
" Nanonood nga kami ng PBB " pabidang sabi ni Archie
" Di naman si Karylle ang inaabangan mo si Jameson " singit ni Vice
" Oy nandito ka pala " irap na sabi ni Archie
" Hi Mister " nakangiting sabi ni Karylle
" Tse "
" Kunyari ka pa nako Mommy ilang araw na di makatulog ng maayos yan dahil namimiss ka daw nya tapos mas naloka pa yan nung sinabi mong kasal na kayo nagtatatakbo kapag papasok at lalabas mg ABS " sumbong ni Buern
" Bakit naman ? "
" Malamang inaabangan na ako ng mga reporters sabi mo wag muna ako magpainterview e " sagot naman ni Vice
" Masunuring bata " sabi ni Russ na may kagat ng pizza
" Aaaw " lumapit naman si Karylle at yumakap kay Vice " Parang di mo naman ako namiss "
" Psh baka nga bukas makalawa si Zeus na ang hanap hanapin mo " nay halong tampo ang boses ni Vice
" Nako Karylle wag mo nang ipakita si Vice kay Zeus ipapatumba nya yun tinawagan na nya si Duterte " nasabunutan naman ni Donna si Buern dahil sa biro nito
" Seloso talaga yung mister ko " malambing na sabi ni Karylle " I love you "
" Pasalamat ka talaga " yumakap na rin si Vice kay K
" Na mahal mo ko .. hmm alam mo namang patay na patay ako sayo di kita ipagpapalit sa kahit na ilang machong lalaki pa ang nasa harapan ko " bulong ni Karylle
" Kahit si Dingdong pa ? " asar na tanong ni Vice
" Oo naman "
" Ok akin na lang sya " natatawang sabi ni Vice
Natigil lang ang pagtawa ni Vice ng hinila ni Karylle ang batok nya at hinalikan sya. Halik na tila ilang taon din nilang hindi natikman kaya naging sabik sila sa labi ni isa't isa.
" Ehem may bata rito " sigaw ni Manny
" Alam mo talaga kung paano mangdaot e nu " asar na sabi ni ViceBuong gabi namang hindi na napaghiwalay ang dalawa. Panay naman ang kwentuhan nila tungkol sa mga nangyari sa loob ng bahay ni kuya at di mapigilan na magtanong ng mga bakla tungkol sa mga bet nilang boys sa loob.
" Ang sarap siguro ni Zeus " walang pakundangan na sabi ni Donna
" Ah basta kay Jameson ako " kilig na sabi naman ni Archie
BINABASA MO ANG
Mess We've Made (ViceRylle)
FanfikceBut now that's all GONE. 'I won't break you. I will not let you down. Open up again I believe in SECOND CHANCES.'