Chapter 68

3.8K 117 34
                                    

" Ate " yumakap si Nicole sa kanyang Ate na nagluluto ng kanilang almusal

" Good morning " humalik naman si K sa noo ng kapatid " Saan si Zia ? "

" I'm here nasaan si Kuya Vice "

" Hindi ko nga alam paggising ko wala na siya sa tabi ko "

" Baka bumili lang ng pandesal " sagot naman ni Nicole na kumuha na ng plato " Ate Jackie, Manang kain na po tayo " sigaw niya

" Jackie pakigising sila Manny " utos ni Karylle

" Wala po sila ni Donna sa kwarto "

" Pati si Buern ? " tanong ni Zia

" Wala rin ho " sagot naman ni Jackie

" Sige na kumain na kayo " sabi ni Karylle

Habang kumakain ang mga kapatid at ang kasambahay ay sinilip ni Karylle ang garahe nakita niyang wala ang sasakyan ng asawa maging ang kay Buern. Mas lalo niyang ipinagtaka na maging ang cellphone ng mga bakla ay hindi macontact.

" Pagkatapos niyong kumain umuwi na kayo "

" Bukas na ako uuwi Ate " sagot ni Coco na puno pa ang bibig

" Paano tayo magkakapamangkin niyan kung lagi kang nandito " sabat naman ni Zia

" E wala naman si Kuya Vice "

" Mamaya nandito na rin yun .. sumama ka na sa akin pauwi kahapon ka pa walang ligo " asar pa ni Zia

" Yuck ! Gross ! " natatawang sabi ni Karylle

Magaalas onse na ng umaga umalis ng bahay si Karylle kaya naman patakbo niyang tinahak ang lobby ng ABS.

" Kurba ! " napalingon naman si K sa tumawag sa kanya

" Nasaan si Vice ? " sabay na tanong nila

" Akala ko magkasama kayo Buern ? " kunot noong tanong ni Karylle

" Hindi ah paggising ko wala na akong kasama sa kwarto hindi na ako nagabala pang hanapin yung dalawang bakla kasi nagmamadali rin ako kinuha ko tong new wigs ni meme oh tingnan mo bongga " pabidang sabi pa ni Buern

" Sigurado kang hindi mo kasama si Vice ? "

" Hindi nga Mommy K tawagan mo kaya "

" Kanina ko pa silang tatlo tinatawagan hindi ko sila macontact "

" Mamaya mo na ulit tawagan late ka na oh " inginuso naman ni Buern si Alvin na aligagang tumatakbo papalapit sa kanila " Sige na ako na tatawag sa kanila "

Mula umpisa hanggang sa matapos ang Showtime ay walang Vice na dumating. Hindi pa rin macontact ni Karylle ang cellphone nito pati ang dalawang bakla na kasama nito.

Magkatabi namang nakaupo ng DR ni Karylle sila Russ at Buern na tahimik na pinagmamasdan ang nakabusangot na mukha ni Karylle.

" Yari si meme paguwi niya " bulong ni Buern kay Russ

" Ang tanong uuwi ba ? "

" Ikaw may alam ka no " taas kilay na sabi ni Buern pailing iling naman si Russ " Sabihin mo na kay mommy K kung nasaan si meme "

" Wala akong alam hinahanap ko nga rin diba may shoot pa yun mamaya "

" Di nga ? " di makapaniwalang tanong pa ni Buern

" Aalis na ako Russ, Buern sabihan niyo na lang ako kapag tinawagan o nagtxt na si Vice " paalam ni K sa dalawa

" Sino maghahatid sayo ? " habol na tanong ni Russ

" Ako na " sagot naman ni Alvin

Hanggang sa makauwi ay di pa rin mapalagay si Karylle. Pati ang mga kapatid ni Vice ay tinawagan din niya pero wala rin silang alam.

" Jackie hindi pa umuuwi si Vice ? "

" Wala pa po "

Pinili naman ni Karylle na hintayin ang asawa sa sala. Karga karga nito si Lucky at hindi pa rin maalis ang tingin sa kanyang cellphone. Alas onse ng gabi nang bumukas ang pinto at dahan dahang pumasok ang mga bakla at si Vice.

Nagulat ang mga ito nang makita si Karylle na nakaupo at nanonood pa.

" Umm hey babe bakit di pa natutulog gabi na ah " bati ni Vice na humalik pa sa asawa na nakatingin lang sa kanya

" Mommy K may siopao kaming dala gusto mo ba ? " tanong pa ni Donna iling lang ang sinagot ni Karylle

" Saan kayo galing ? " napalunok naman ang mga bakla sa taas kilay na tanong ni Karylle

" Hindi man lang nagsabi Vice na aalis ka kahit yun lang .. kahit hindi mo na sabihin kung saan kayo pupunta .. Pati sila Russ hinahanap ka " litanya ni Karylle

" Sorry .. emergency kasi " sagot ni Vice tahimik naman si Karylle na hinihintay ang susunod na sasabihin ni Vice

Tumingin naman si Vice kila Donna na agad na umalis ang dalawang bakla para makapagusap ang magasawa.

" Babe kasi kagabi tinawagan ang ng papa ni Terence .. may sakit kasi e hindi nila macontact kaya pinakiusapan niya akong bisitahin si Terence at tingnan kung anong lagay niya " paliwanag ni Vice

" Bakit doctor ka ba para ikaw ang titingin sa kanya ? " sarkastikong tanong ni Karylle

" Nagalala lang kasi siya kaya .. "

" Buong araw Vice wala kayong paramdam sa akin .. walang tawag wala ring text .. sa tingin mo hindi ako nagalala ? Magasawa na tayo pero kahati ko pa rin siya ? Hanggang kelan ko pa ba kayo iintindihin ? " maluha luhang tanong ni Karylle

" Wala ka namang kahati Karylle .. I'm sorry " alo ni Vice kay Karylle

" I'm sorry " yinakap naman ni Vice ang asawa na agad ding lumayo sa kanya at patakbong lumabas ng bahay
" Karylle wait saan ka pupunta ? " habol naman ni Vice kay Karylle " Please babe I'm sorry "

Pagkalabas ng bahay ay agad na pumasok sa kotse si Karylle at pinaharurot ito palayo sa bahay ni Vice. Wala namang nagawa si Vice na napahilamos na lang sa mukha.

" Pahinga ka muna meme wala ka pang tulog palipasin mo muna yung galit ni Karylle " sabi ni Manny

" Ang gago ko talaga " maluha luhang sabi ni Vice







Itutuloy.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon