Chapter 66

4.7K 151 34
                                    

Hi !
Lerac20

Hapon ng linggo, prenteng nakahiga sa sofa si Vice habang nanonood ng Asap'20 kasama ng mga bakla. Nabulabog naman ang kanilang panonood ng patakbong bumaba si Karylle kasama ang mga kapatid.

" Ana Karylle mahulog kayo " sigaw ni Vice

" Si Nicole kasi e " sumbong naman ni Karylle

" Nako di magtatagal baka may pupulutin ako sa inyong tatlo "

" Tara na Ate " aya naman ni Nicole

" San kayo pupunta ? " tanong ni Vice

" May bibilhin lang kami babe "

" Teka samahan ko na kayo " tumakbo naman paakyat si Vice para makapagpalit

Ang tatlo ay nauna ng sumakay sa kotse ni Nicole, tawa naman ng tawa ang magkakapatid nang tumatakbong lumabas ng bahay si Vice suot ang short na mas maiksi pa sa mga suot nila. Sumakay si Vice sa driver's seat katabi si Karylle at ang dalawa ang nasa likod.

" Hiyang hiya naman ako sa gasolina ng kotse mo Nicole " puna ni Vice

" Sorry naman daan muna tayo sa gasoline station " sagot naman ng isa

Walang katapusan naman ang pagkwekwentuhan ng magkakapatid habang tahimik namang nakikinig at kung minsan ay nakokomento rin si Vice. Pagkarating sa pinakamalapit na gasolinahan ay ibinaba na ni Nicole ang bintana niya.

" Aay Kuya ang pogi mo " puna ni Nicole sa pump attendant

" Coco " saway naman ni Zia

" Full tank pogi " kumindat pa ito

" Baliw to " tumatawang sabi ng kanyang mga ate

" Kunin mo number Nicole " singit naman ni Vice

" At bakit mo kukunin ? " taas kilay na sabi ni Karylle

" Baka kasi walang load di siya makakareply kay Nicole " palusot na sabi ni Vice

" Oh di mo naman lalaki yan hayaan mong si Nicole ang gumastos kung gusto niya " pataray na sabi ni Karylle

" Ito namang si Misis selosa talaga "

" Pogi mo diyan Kuya Vice " asar ni Nicole " Naiwan ko pala wallet ko Ate "

" Sinadya mo talagang iwan " sermon naman ni Karylle na walang nagawa kundi ibigay ang kanyang credit card

" Naisahan ka na naman ni Nicole " tawang sabi ni Vice na sinabayan ng magkapatid sa likod

Nakaakbay si Vice kay Karylle papasok ng grocery store nauuna naman sila Zia at Nicole. Nagsihabaan naman ang leeg ng mga taong namimili rin at ang ilang empleyado nang dumating sila. Wala namang pakealam ang dalawa na nagahaharutan habang naglalakad.

" Ouch ! " nakangusong sabi ni Karylle dahil sa pangalawang pagkakataon ay kinagat ni Vice ang kanyang tenga

" Nanggigil ako sayo " kinurot kurot naman ni Vice ang braso ni K

" Sinasaktan mo na ako "

" Ganun talaga kapag nagmamahal kailangan mo munang masaktan bago ka masarapan " kumindat pa si Vice pero irap ang sagot ni Karylle

Si Zia at Nicole naman ay halos mapuno ang cart sa mga pinagbibiling alak at ilang chips.

" May party ba ? " takang tanong ni Vice

" Meron pero hindi ka invited " sagot naman ni Karylle

" Alam ko na yang linyang yan .. wala kasi akong driver e maya maya ang sabi na tinatamad daw siya .. galawang Karylle e " asar pa ni Vice kaya nakurot siya ni Karylle

Patuloy ang harutan ng dalawa nandyan ang pagkagat ni Vice sa pisngi ni Karylle habang nakaakbay ito. Kagat sa braso naman ang ganti ni Karylle.

" Grabe ang taba mo na " puna ni Vice

" Hindi kaya "

" Kaya pala puro kain ang gawa mo sa loob ng bahay ni Kuya "

" Tse " tumakbong iniwan ni K ang asawa at pinuntahan ang dalawang nakakabatang kapatid

" Hindi pa ba kayo tapos ? " nakapameywang na tanong niya

" Teka naman "

Nakakita naman ng kalaro si Vice anak ng isang mamimili rin bitbit niya ito papunta kay Karylle sa may frozen section.

" Babe may baby na tayo " ngiting ngiti na sabi ni Vice " Mag hi ka baby " kumaway kaway naman ang bata

" Hi baby girl anong name mo ? " tanong ni Karylle

Hindi naman sumagot ang bata at tumakbo sa kanyang ina na nasa likod lang ni Vice.

" Ang taba mo daw kasi kaya natakot yung bata "

" Ang sama mo " nilapitan naman ni Karylle ang bata " Lika baby girl gusto mo ng ice cream ? " pagkarinig ng ice cream ay agad na lumapit ang bata kay Karylle

Nakahawak ang bata sa magasawa habang naglalakad. Hindi naman napigilan ng ilan ang picturan sila maging ang magulang ng bata.

Binilhan nila ang bata ng ice cream. Ngiting ngiti itong kumaway sa kanila pagkalabas nila sa grocery store.

" Kailan niyo ako mabibigyan ng pamangkin ? " tanong ni Zia pagkapasok nila sa kotse

" Basta ba si Vice ang iire bukas na bukas meron ka nang pamangkin " sagot naman ni K

" Tae ko nga hirap na hirap na akong iire e " nandiri naman ang tatlo sa sinabi ni Vice

" Paalala lang Kuya Vice malapit ka ng mag40 baka mahirapan ka na " asar pa ni Coco

" Nakakaloka kayo wag niyo kaming ipressure "

" Sipagan niyo kasi " hirit naman ni Zia ngiti lang naman ang sagot ng dalawa " Kung magkakababy kayo anong gusto niyo girl o boy ? "

" Boy " sabay na sagot nila

" Gusto ko girl " sabi naman ni Coco " Ay kambal na lang isang boy isang girl diba ? "

" May lahi ba kayong kambal babe ? " tanong naman ni Karylle umiling naman si Vice " Kami rin walang kambal sa family "

" E bakit yung friend ko wala naman silang lahi ng kambal pero kambal yung anak niya boy ang girl " sabi naman ni Zia na

" Itanong mo nga Zia kung anong oras sila nagaano at anong posisyon ba para magawa namin ng Ate mo .. aray " nahiyaw si Vice sa sakit dahil sa kurot ni Karylle " Babe naman baka sakali diba nasa tamang oras at tamang posisyon siguro para magkakambal "

" E yung ginagawa niyo ba Kuya pang anong gender ba yun ? " natatawang tanong ni Coco

" Yung nasa ibabaw Ate mo ? Pang girl yun e lalaki pala gusto nito .. aray ! " nahampas naman siya ni Karylle na pulang pula na ang mukha




Itutuloy.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon