Chapter 47

4.5K 128 23
                                    

Pagmulat pa lang ng mata ni Vice ay naramdaman na nya ang sakit ng ulo napabangon naman sya ng makitang wala sya sa kanyang kwarto. Mahilo hilo syang tumayo sa kama at dumerecho sa CR para maghilamos pagpasok pa lang ay nakatawag pansin na sa kanya ang pares ng toothbrush napangiti sya sa kadahilanang alam nya kung nasaan sya. ' Home ' yun lang naisip nya at naramdaman nya.

" Kurba " tawag nya kay Karylle na busy sa pagluluto ng breakfast nila

" May coffee sa table may gamot din dyan para sa sakit ng ulo mo .. malamit na rin maluto to para naman mawala papaano yung hangover mo tska taw .. " nagulat naman si Karylle sa pagyakap ni Vice sa kanya

" Vice nagluluto ako .. " saway nya nang hindi lumilingon

" Please kahit isang minuto lang " bulong ni Vice

Hinayaan naman sya ni Karylle at pagkatapos ng isang minuto ay kusa ng kumalas si Vice sa pagkakayakap nito.

" Umupo ka na para makakain ka na " sabi ni K na nagpatuloy na sa pagluluto

" Miss na kita babe " napabuntong hininga naman si Vice

Naputol naman ang katahimikan na namumuo sa dalawa nang may magdoorbell kusa namang tumayo si Vice para buksan ang pinto.

" Ate ! " napatakbo naman si Karylle dahil sa narinig na sigaw

" How dare you ?! Ang kapal talaga ng mukha mo e pagkatapos ng ginawa mo kay ate ha ?!! " sigaw ni Zia habang dinuduro si Vice

" Ate tama na " awat naman ni Nicole

" Anong ginawa mo ?! " napanic naman si K na lumapit kay Vice na hawak ang pisngi nito " Ok ka lang ? " tumango naman si Vice

" Kulang pa yan " sabi pa ni Zia

" Out ! " galit na sigaw ni K

" Ate ? Magpapaloko ka na naman sa kanya " di makapaniwalang sabi ni Zia pero tiningnan lang sya ni K kaya walang nagawa ang dalawa kundi pagdabog na lumabas ng unit nya

" I'm gonna kill you pagbalik namin at nandito ka pa " banta ni Zia bago tuluyang lumabas

" God .. " lumapit sya kay Vice at tiningnan ang pisngi nito

" Ok lang ako sinampal lang nya ako hindi sinapak .. nawala hangover ko dun ah " pabiro pang sabi ni Vice

" Sorry "

" No .. I'm sorry hindi dapat ako pumunta muna dito alam ko namang hindi pa tayo ok .. naiintindihan ko yung mga kapatid mo pero Karylle gusto ko lang malaman mo na kahit kailan hindi kita niloko at hindi kita lolokohin " napayuko naman si Karylle

" Sobrang mahal kita na hindi ko kayang ipagpalit ka sa kanya .. hindi ko alam kung ano ang iniisip mo ngayon ang alam ko lang nasaktan kita at nasasaktan ka pa rin nang dahil sa akin " mahigpit nyang niyakap ang umiiyak na si Karylle

" Sana wag mo akong sukuan dahil ako hindi .. hindi rin ako mapapagod na suyuin ka hanggang sa mahanap mo sa puso mo na patawarin ako .. maghihintay ako hindi ko kayang mawala ka ulit Karylle " pinunasan nya ang mga luha sa pisngi ni Karylle at masuyong hinalikan ang mga labi nito

" I love you " nanatili namang nakatingin lang sa kanya si Karylle " Mauuna na ako bago pa ako maabutan ng mga kapatid mo .. kita tayo sa studio maingat ka sa pagdrive "

Napatayo naman si Vice ng dumating si Karylle sa DR nito. Nakangiti nya itong sinalubong at inabot ang dalang bulaklak.

" Ay taray may paflowers " puna ni Syd

" Thank you " sabi ni Karylle ngumiti lang sa kanya si Vice at tuluyan ng lumabas

Naghihintay naman ng next gap ang mga host nang patakbong pumunta si Alvin.

" Bebe girl may bisita ka ! " ngiting ngiti si Alvin napalingon naman ang mga host sa kanya

" Hi " napatayo naman si Karylle

" Bry ! " patakbo syang lumapit at yumakap sa kaibigan

" Di mo naman ako masyadong miss "

" Brad sino yan bagong manliligaw ni Karylle ? " siko ni Vhong sa kanya

" Epal ka " inis na sagot nya

" Guys this is Bryan my bestfriend " pakilala ni K sa kaibigan

" Bryan " lumapit naman si Billy sa kanya at nakipagkamay " Ilang years ka rin di nakauwi brad "

" Yea 6 years din nagkita kami ni Karylle nung nasa canada kayo pero saglit lang " sabi ni Bryan

" Di ka man lang nagsabi na uuwi ka " nagtatampong sabi ni K

" E balita ko may pinagdadaanan ka kaya napauwi ako agad " natawa naman si Billy " May pupuntahan pa ako kita na lang tayo later " bumeso pa si Bryan at yumakap kay Karylle bago umalis

" Ingat brad " kaway ni Billy

Pagkaupong pagkaupo ni Billy sa tabi ni Vice ay agad nya itong tinanong.

" So magkakilala kayo nun " bulong ni Vice

" Oo naman madalas kaming magbasketball nung nandito pa sya .. di mo pa sya nameet ? "

" Wala akong panahon " iritadong tumayo si Vice

Buong show naman ay nagtitinginan at nagngingitian lang ang dalawa. Mabibilang mo naman sa kamay ang naging paguusap nila sa buong araw. Ganun din ang nangyari sa mga sumunod na araw hindi naman pumalya si Vice sa pagbibigay ng bulaklak kahit linggo ay personal itong pumunta sa unit ni Karylle para maiabot at agad din namang umaalis.

Linggo. Maagang nagising si Vice nagayos, dala ang bulaklak na kumatok sa unit ni Karylle. Nagulat naman sya dahil hindi si Karylle ang nagbukas ng pinto.

" Vice pasok ka " masiglang bumati sa kanya si Bryan " Bebe may bisita ka " sigaw nito

" Pakibigay na lang kay Karylle "

" Pumasok ka na ikaw na magabot " hinila sya ni Bryan " Ang aga mo mukhang di ka pa nagbreakfast sumabay ka na sa amin "

" Wag na baka kas .. "

" Vice " tawag ni K sa kanya

" Dito na sya magbreakfast bebe ah "

" Ha ? " napalingon si K kay Bryan " Um dito ka na magbreakfast thank you sa flowers "

" Tara Vice " aya ni Bryan " Bebe san mo nilagay charger ko kagabi ? "

" Nandun sa kwarto ko "

" So dito sya natulog kagabi ? " tanong agad ni Vice pagkaalis ni Bryan

" Yea " sagot naman ni K habang naghahanda ng pagkain nila

" Close talaga kayo nu ? Sya lang ata yung lalaking nakakatulog dito maliban sa akin " napatingin naman si K sa kanya

" Bry kain na "

Tahimik namang nakisalo si Vice sa dalawa na panay ang kwentuhan. Parang naging third wheel sya sa dalawa na di mapagkakailang malapit talaga sa isa't isa.

Si Karylle naman ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan nila ginamit naman ito ng pagkakataon ni Vice para kausapin si Bryan.

" Malapit talaga kayo ni Karylle nu ? " tanong agad ni Vice

" Yea .. close na tipong nung mga bata kami sabay kaming maligo " nakangising sabi ni Bryan

" May gusto ka ba kay Karylle ? "

" Oo .. I really like her .. a lot "napatango na lang si Vice sa sagot ni Bryan




Itutuloy.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon