Chapter 25

6.2K 128 8
                                    

" No hindi pwede " pailing na sabi ni Vice

" Pero babe gusto ko talaga yun since birth pa "

" Over yung since birth ah kumain ka na "

" Yung totoo kailan yung last na kain mo " nakatingin lang si Karylle kay Vice na maganang kumakain " Dali babe patattoo na tayo "

" Wag na pala nandyan naman si Vicekee e "

" Pero hindi naman forever na nandyan si Vicekee e  .. sarap ng luto mo "

" Seryoso ka ? "

" Oo nga .. gusto ko tlga " pagkumbinsi pa ni K kay Vice

" Alam mong masakit yun ? "

" Depende naman kung saan ilalagay e "

" Masakit pa rin yun .. alam mo namang ayaw kong nasasaktan ka " sabi pa ni Vice

" Ang sweet naman " napayakap naman si Karylle sa nobyo

" Cge na ubusin mo na yan "

" Payag ka na ? " nakangising sabi ni K

" Oo na cge na "

" Yeeeey ! " sigaw pa ni K na nakataas pa ang kamay

" Alam mo babe " tapos na si Vice kumain habang kumakain si K

" Mmmm .. " sagot ni K

" Inasar ako ni Vhong kanina " sumbong ni Vice

" Bakit naman ? "

" Yung medyas ko daw kasi pang office buong showtime nya ako inasar kahit sa lounge " pabebeng sumbong ni Vice

" Patingin nga " pinakita naman ni Vice yung medyas napangiti naman yung isa

" Di ka na nasanay kay Vhong "

Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkatapos ay nagvolunteer naman si Vice na maghugas ng plato habang si Karylle naman ay nasa sala at nanonood.

" Baby .. come here " sigaw ni Karylle " Hey baby " kaya naman napahinto si Vice sa paghuhugas at pinuntahan si Karylle sa sala

" Bakit ? "

" Huh ? " takang tanong nya

" Bakit mo ako tinawag ? "

" Hindi naman kita tinawag ah si Vicekee tsaka si Lucky ang tinawag ko " tumawa naman si Karylle

Nanonood naman si sya nang matapos si Vice sa paghuhugas. Humiga naman sya at pinatong ang paa sa lap ni K.

" Tired ? " tanong ni K habang pinipisil pisil ang paa ni Vice tumango naman ang isa " Paabot please ng phone ko "

" Saan ? "

" Ayon oh " turo naman ni K matapos maibigay ay kinuha nya ang cellphone nya at nagtwitter narinig naman nya ang ring ng phone at sumagot ang nasa kabilang linya

( Hello ? )

" Vhong ! " sagot ni Karylle tinawagan nya pala ito at niloudspeaker sadyang ginawa para marinig ni Vice ang paguusapan nila

( Oy K ! Bakit ? )

" Bakit mo inasar si Vice kanina ? " napangiti naman si Vice tumingin naman sa kanya si Karylle at kumindat

( Inasar ? )

" Wag mo nang itanggi nagsumbong sa akin si Vice inasar mo daw sya sabi mo daw pang office yung medyas nya " tumawa naman si Vhong

( Nagsumbong pala yung boypren mo nandyan sya no )

" Yea .. Naririnig ka nya nakaloudspeak ka "

( Hoy Viceral wag mong pagurin si K papasok na yan bukas ! Tska totoo naman ah pang office medyas mo ) asar ni Vhong

" Hindi kaya ! Pang rubber shoes kaya to tska inggit ka lang e bago shoes ko .. K oh ! " sumbong pa ni Vice kaya naman mas lalong tumawa si Vhong

" Hindi naman kasi pang office Vhong .. Alam mo yung sinusuot ng mga matatandang Attorney diba nakaslacks sila tapos may mahahabang medyas " tawa naman ng tawa si Vhong pati si Karylle ay hindi na napigilan na tumawa

" Karylle naman e " nakapout na sabi ni Vice

" Joke lang " nakapeace sign pang sabi ni Karylle

( Baliw ka talaga K ) sabi pa ni Vhong

" Bye Vhong see you bukas " paalam ni K

( Cge .. Cge pauwiin mo na yang si Viceral )

" Cge byeeee " paalam ni Karylle

" Itatapon ko na tong medyas paguwi ko " nakasimangot na sabi ni Vice

" Joke lang babe ito naman "

" Trip mo talaga ako ngayon e " pairap pang sabi ni Vice

" Miss lang kita " lambing naman ni K na humiga sa tabi ni Vice at yumakap " Ang bango ng baby ko "

" Isa pa yang baby na yan wag mo na akong tawagin na baby kung baby rin ang tawag mo kila Vicekee .. Ginawa mo pa akong aso e " mas lalong natawa si Karylle sa paghihimutok ng boyfriend nya

" Asus .. Nagpapalambing lang sya " humalik halik sya sa pisngi ni Vice nagpout naman ito na parang sinasabing sa labi naman sya halikan ng dalaga hindi naman sya nabigo " I love you "

" I love you too kulot " sagot nya " Uwi na ako "

" Agad ? "

" Naaantok na ako babe di pa ata nabawi yung pagod ko kagabi "

" Tara hatid na kita sa baba " aya naman ng isa na nauna nang tumayo

" Wag na dito ka na lang "

" Cge na buong araw na akong nandito sa loob e akyat naman ako kaagad pag sakay mo e " pakiusap pa nya

" Hay nako Ana Karylle " di naman sya makatanggi

Magkahawak kamay sila naglakad papuntang elevator. Habang pababa na ay nanalamin si Vice sa loob at inaayos ang kanyang buhok at dahil trip sya ni Karylle ay hinila nya ito at nagback hug pero imbes na maiinis si Vice ay kinilig pa ito. Nilabas nya ang kanyang phone at pumose.

" Babe tingin ka dito " sabay click ng camera na agad namang pinost sa instagram

' praybeytbenjamin with my clingy gurlpren '

" Ako na magaayos ng wig mo " nakangising sabi ni K humarap naman si Vice sa kanya " Ang tangkad mo talaga " nahinto naman sila sa pagaayos nang may pumasok sa 10th floor
" Hi " nakanigiting bati ng isang babae ngumiti naman silang dalawa

" Babe baba ka di ko maabot " kaya naman nagbend ng tuhod si Vice habang inaayos ni K ay buhok ni Vice ay todo picture ng dalawang babae sa kanila

" Dali na Karylle nangangawit na ako "

" Wait lang "

" Ang sakit na ng tuhod ko "

" Ayan ok na .. tanda mo na kasi kaya sumasakit na tuhod mo " natatawang asar na naman ni Karylle pati ang mga tao na kasama nila ay natawa rin

" Yung totoo kanina ka pa Ana Karylle "

" Joke lang " nagback hug na lang ulit si Karylle sa kanya hanggang sa makarating sila sa ground floor magkahawak kamay na naglakad sa lobby ngumingiti sa mga nakakasalubong na tao

" Cge na akyat ka na dun "

" Wait kita makaalis " sagot naman ni Karylle habang hinihintay nila ang valet

" Sunduin kita bukas ? "

" Wag na nandyan naman si Alvin sa studio na lang tayo magkita "

" Suus baka mamiss mo na naman ako tapos aasar asarin mo naman ako bukas "

" E sorry na " yumakap sya kay Vice yumakap rin ang isa maya maya lang ay dumating na ang kotse ni Vice humalik sya sa noo ni Karylle at nagpaalam " Txt me kapag nakauwi ka na ha "

" Yes po akyat ka na doon magrest ka na ha " bilin pa ni Vice

Itutuloy.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon