Kinabukasan naman ay napabalikwas ng bangon si Vice nang gisingin siya ni Jackie.
" Si Karylle ? " agad na tanong ni Vice
" Nasa kusina po tinatanong nga niya kung bakit daw sa sala ka natulog " sabi ni Jackie " Kakain na rin pala " dagdag pa niya tumango lang si Vice
Naghilamos muna ito at nagbihis ng damit na kahapon pa niya suot. Pagkababa naman niya ay kumakain na sila Donna at Manny kasabay si Karylle. Lumapit naman siya sa asawa at hinalikan ang noo nito.
" Good morning " wala naman siyang nakuhang sagot mula kay Karylle na patuloy lang sa pagkain
Napabuntong hininga na lang si Vice hindi pa nga sila ayos ng kanyang asawa.
Sa kauna unahang pagkakataon ay hindi sila nagsabay papuntang studio nauna si Karylle na agad na sinalubong ni Alvin. Si Vice naman ay walang imik pagpasok ng DR nito maya maya pa ay dumating na rin si Buern.
" Hoy meme saan ka ba nagpunta kahapon hinahanap ka sa akin ng asawa mo " bungad na tanong ni Buern wala naman siya nakuhang sagot mula kay Vice
" Hayaan mo muna nagaway sila ni Karylle kaya mainit ang ulo " bulong ni Manny
Pasimple namang umakbay si Vice kay Karylle nang magopening spiels ang mga kasama.
" Babe sorry " bulong ni Vice
" Nasa trabaho tayo Viceral " pabulong na sagot din ni Karylle
Humiwalay naman si Karylle kay Vice nang mag commercial break na katabi niya si Vhong na nakaupo sa hagdan ng stage. Samantalang si Vice ay bumalik sa DR nito.
" Bruh " siko ni Vhong kay K
" Umm ? "
" Bakit ganun mukha ni Viceral ? "
" Ganun naman talaga mukha nun e " patawang sagot ni Karylle
" Hala ka sumbong kita " pananakot pa ni Vhong napairap naman si Karylle " So saan daw siya galing kahapon ? " seryosong tanong ni Vhong
" Sa ex niyang basketball player nagkasakit daw nakiusap daw yung tatay na puntahan niya sa condo " napailing na lang si Vhong
" May dala siyang foods ? " nakangising tanong ni Vhong kaya natawa si Karylle
" Saan naman ang punta mo Vice ? " tanong ni Russ kay Vice na palabas ng DR nito kakatapos lang kasi ng Showtime nagmamadali naman ang isa na lumabas para mapuntahan ang asawa
" May taping ka ngayon " paalala ulit ni Russ
" Baka pwede mong ipacancel ? "
" Hindi meme nakakahiya kay Direk Wenn wala ka na nga kahapon e " napabuntong hininga na lang si Vice
" Papaalam lang ako kay Karylle "
Nakita naman niya ang asawa na palabas ng DR nito kausap si Vhong.
" Oy brad ano alis ka na ? " bati ni Vhong
" May taping ako ngayon e "
" Ako rin e una na ako " bumeso si Vhong kay Vice " Bruh una na me " beso ni Vhong kay Karylle na may kasama pang slight suntok sa braso
" Ingat " gumanti naman si Karylle kay Vhong
" Babe .. "
" Magingat kayo Alvin let's go "
" Hatid ko muna kayo ? " tanong ni Vice
" Wag na " sabi ni Karylle na nilagpasan lang asawa kasunod naman niya si Alvin
Bagsak ang balikat ni Vice na bumalik DR niya. Nagpahinga lang siya ng kaunti at pumunta na sa taping ng Beauty and the Bestie.
" Hayaan mo munang lumamig ang ulo ni Karylle tsaka ka magpaliwanag at humingi ng tawad mahal ka nun kaya malabong mangyari na hindi ka niya patatawarin " payo sa kanya ni Direk Wenn habang nakabreak sila
Nakailang scene lang si Vice na nagdesisyon si Direk na magpack up na para makauwi at makapagpahinga ng maaga ang kanyang mga artist lalo na si Vice.
Lumipas ang mga araw at walang pagbabago sa trato ni Karylle sa kanyang asawa kinakausap at pinapansin niya lang ito kung kinakailangan. Ang isa naman ay panay pa rin ang suyo at paghingi ng tawad walang araw na hindi niya binibigyan ng bulaklak si Karylle siya rin ang nagluluto ng kanilang agahan kahit pa puyat galing trabaho.
May araw din namang nawawalan na ng pagasa si Vice katulad na lang ngayon, magkatabi nila ni Billy sa lounge sa backstage nasa hagdan naman sa stage si Karylle kasama si Vhong na masayang nakikipagkulitan sa audience.
" Nahihirapan na ako Billy " maluha luhang sabi ni Vice " Kakakasal lang namin tapos ganito na .. magkatabi nga kami sa kama pero parang ang layo layo niya .. ganun ba kalala yung ginawa ko ? "
" Yea ang lala girl kasi kung sa akin mo ginawa yun baka hiniwalayan na kita " sabat naman ni Anne na nagkukuyakoy sa tabi ni Billy
" Hindi ka nakakatulong " siko naman ni Billy kay Anne
" What ? That's true matalino siyang tao alam nating lahat yun pero pagdating sa lalaking yun nagiging stupid siya imposible namang siya ang nakakaalam ng unit at siya lang ang kaibigan nun .. tsaka kung may respeto at kung mahal niya yung kaibigan natin kahit papaano magpapaalam siya hindi yung buong araw niyang pinagalala si K " litanya pa ni Anne napatayo naman si Vice at umalis para pumunta sa DR nito
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Mess We've Made (ViceRylle)
FanficBut now that's all GONE. 'I won't break you. I will not let you down. Open up again I believe in SECOND CHANCES.'