Chapter one

1.7K 23 3
                                    

#LMLYD by WantedGirlWriter

Maxstone Villafuerte

I'm Maxstone Villafuerte. My friends call me Max pero usually mas gusto nilang itawag ang buo kong name especially my mom who gave that name for me. I am now thirty years old and busy handling my own bar, am I old enough?

I am not planning to settle down para bumuo ng pamilya tulad ng iba kong mga kabarkada na happily married na kahit gustong-gusto na ni mama magka-apo sakin. Kung tutuusin I can gave my mom a dozen of grandchildren kaso ang gusto nya kasal muna kung hindi malamang malalagot ako kay mama.

Tulad kagabi na iyan din ang topic nung naka uwi ako sa bahay. They were expecting na may iuuwi na ako at ipapakilala na girlfriend but unfortunately I am not planning anymore.

I paused when my phone rings and saw the caller ID and immediately answered his call.

"Hello Chad? Yes I'm on my way to the club. Sige bro salamat."

Ibinaba ko na yung cellphone ko matapos akong tawagan ni Chad. Bartender sya ng pinapatakbo kong bar at katulong sa pagma-manage. He's a good friend of mine, kahit na hindi nakapagtapos yun sa pag-aaral magaling naman sya sa flairing at pag mix ng inumin kahit na hindi nya natapos yung kurso nya kaugnay doon.

Tuwing wala ako sya ang hinahayaan kong mamahala doon sa bar lalo na kapag may importante akong ginagawa tulad ng balak kong mag-tayo ng panibagong branch ng bar ko somewhere in Makati na medyo hassle dahil sa dami ng papeles na aayusin bago pa ipatayo ang bar plus the construction site and the architectural design nito na gusto ko mas modern, pero plano ko pa lang naman pero malaki ang chance, kung magkaganun baka si Chad ang mamahala nung luma at ako dun sa bago. I know he can handle that well.

Naka-hinto ako habang iniintay ang stop light na mag green light habang minamasahe ko ang ulo ko dahil sa puyat. Umuwi kasi ako sa bahay namin sa Quezon City at dahil nagka-tuwaan na rin at nagyayang uminom kami nila papa dahil halos ilang buwan na rin akong hindi nakaka-bisita. Late tuloy akong makakarating sa bar somewhere in Pasay.

Hindi naman maaga mag bukas ang bar. Every night nga ito bukas until 3AM pero dahil ako ang may-ari at nag ma-manage I need to spend extra time para naman ma check lahat ng expenditures ng bar at yung kita. Lagi namang malaki ang kita ng bar lalo na kapag vacation. Dinadayo pa nga yung bar ko kasi kumpleto na roon at talagang may kalakihan kaya nabalak kong magpatayo muli.

When I was twenty five, naipatayo ko ang sarili kong bar which is yun nga dahil sa pag ta-trabaho ko sa company ni dad na si kuya na ngayun ang namamahala, nung naka-ipon na ako pursigido ko iyong pinatayo dahil pangarap ko na bar noon pa man that's why I took BSBA as my course, to handle my own business well.

Lumago yun isang taon makalipas. My family were happy about that and... Michelle were happy too for me. She's my ex, but unfortunately ilang months lang makalipas nun ay nag proposed ako sakanya and she reject me para mag aral muli ng doctorate sa ibang bansa bilang isang physician. Well that was past now, no hard feelings that's why I'm focusing on my career.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa bar at naabutan ko doon si Chad na inaayos yung mga bote ng iba't ibang mamahaling alak samantalang yung ibang staff ay inaayos yung mga lamesa at naglilinis. Yung gitna kasi dance floor habang sa itaas naman ay may bukod na room para sa mga magkaka-barkada and that was a karaoke room. Sa dulo naman nitong first foor ay iyong maliit kong office kung saan naka- compiled lahat ng record of sales nitong bar.

"Sir Max ayos ka lang?" Tanong nya habang nag sasalay na medyo natatawa pa nga.

"Yeah, I'm fine, just a little bit tired but I can handle.."

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon